Chapter 23 Nanatili lang akong tahimik, pinipigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Ayokong makita niya na apektado ako sa nangyayari, kaya lang hindi ko talaga maiwasang madismaya at masaktan. Kahit gaano ko kagusto na ipagtanggol ang sarili ko, kaya lang hindi naman p'wede dahil baka mas lalo lang lumala ang lahat. "Wife — d*mn! Why are you crying?" puno ng pag-aalalang tanong niya saka ako bahagyang hinila palapit sa kanya. Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "D*mn it! Stop crying, wife." Patuloy siya sa paghaplos ng aking mukha na tila ba nag-aalala talaga ito. Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang gusto ko lang ay mailabas ito ngayon. Hindi naman ako iyakin pero lately hindi ko talaga mapigilang magin