SHARLENE I DID not expect him to be here now. Anong ginagawa niya dito? Tumahip ang dibdib ko nang maamoy ko ang alak mula sa kanya. Papikit-pikit pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Good morning sweetheart,” nakangiti niyang wika. Lasing ang tono ng kanyang boses at bigla akong napaatras nang magbago ang aura ng kanyang mukha. Nakakatakot ang pagtitig niya sa akin, para siyang tigre na manlalamon ng taonv gusto niyang patayin. “Bakit ka nandito, Philip? Bakit ka pinapasok ng mga guards sa ganyang estdao? Lasing ka at…”hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang naglakad papasok. “You made me do this, Sharlene!” Agresibo niyang hinawakan ang aking kamay ng mahigpit. “Nasasaktan ako, Philip. Bitiwan mo ako! Tatawag ako ng security kapag hindi mo ako binita