SHARLENE MONDAY morning nang kausapin kaming dalawa ng aming boss na si Madam Ricardo o Rica kung tawagin ng nakararami. Galing lang sa isang out of town meeting ang bruha kaya't ngayon lang siya muling papasok sa aming eksena. As usual, nakaka-intimidate pa rin siya at kung tutuusin ay mas lalo siyang naging strikto sa lahat, lalo na sa new project naming dalawa ni Tomas kung saan ay wala pa talagang formal discussion sa aming dalawa patungkol sa bagay na iyon. Paano ba naman kasi, inuna naming maglampungan at gumawa ng mga bagay bagay para pagbigyan ang aming mga katawan bago pag-usapan ang bagay na iyon. "Take your seats, the two of you," wika ng boss namin na nakaupo sa kanyang swivel chair sa kanyang opisina na kasing laki ng tatlong opisinang pinagsama-sama. Of course, siya ang