SHARLENE LAKING GULAT ko nang makita ko si Philip at ang isang 'di ko pa nakikilalang babae na naghahalikan sa lugar na iyon. Nakaawang ang pintuan at tila hindi nila ako narinig na nagbukas o kaya naman ay nakita. Hayok na hayok silang dalawa sa labi ng bawat isa kaya naman napaatras ako at unti-unting sinarado ang pintuan. Kumabog ng kumabog ang dibdib ko hanggang sa tumulo ang isang butil ng luha sa aking pisngi. Pinahid ko iyon habang paatras akong naglalakad. Nakatuon pa rin ang pansin ko sa doorknob at nang biglang mayroong bulto ng tao na bumangga sa likuran ko ay natigil ako. "Did you see them?" pamilyar ang boses na iyon at hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Napalingon ako at nakita ko si Tomas na namumula rin ang mga mata. "What's all of these? Bakit nangyayari ang mg