Kabanata – 1
SHARLENE
“I LOVE MY JOB but I love my life, so I quit. I resign,” tumayo ako ng matuwid sa harapan ni CEO Richard Gamboa also known as Rica, ang binabae naming boss sa Lucas Entertainment.
Paano ba naman kasi, ipinipilit niyang mag-accept pa ako ng isa pang work, hindi niya ikino – consider yung bigat ng kasalukuyan kong hina-hundle na big movie na halos dalawang buwan ko nang pinaghihirapan, literally.
“Sha, I know that you can handle this. Malapit nang matapos ang iyong big work so why not isabay na natin ang isang ito? This will really help the company kung tayo ang makakakuha nito,” nagpakumbaba na ang malditang boss ko sa akin.
Kung sana kanina ay ganito ang boses niya ay baka nagdalawang isip pa ako. Pero buo na kasi ang desisyon ko, I cannot hit two birds with one stone at the same time. Hindi ako wonderwoman o kaya darna para pagsabay-sabayin ang lahat ng works ko.
Sa Tambay Pogi na nga lang na series, sobra na akong nag-eexert ng effort na kulang na lang ay tumambling at magsplit ako, pero pinipilit kong kayanin hanggang sa katapusan nito. Tapos dadagdagan niya pa ng isan big work.
Parang ako lang ang agent sa kumpanyang ito kung umasta siya. Nasanay kasi siya na wala akong tinatanggihang works dati, kahit stress na ako, sige lang, aarangkada. Nut I learned that health is wealth. Hindi naman dumodoble ang sahod ko kung doble din ang work ko. As it is pa rin, depende na lang sa dami ng artistang ihahandle.
“Sir, I know that you trust and believe in me. But if you will not take care of me ay baka magsawa ako. I did all the things that you asked me to do, ngayon lang ako tatanggi, so, please understand me,” nagpakumbaba na rin ako pero may halo pa rin ng prinsipyo ang tono ng boses ko.
“Okay. I am glad, nagsabi ka kaagad ng intension mong tumanggi,” sumandal siya sa swivel chair niya.
“And that’s the best thing to do, kaysa umasa kayo sa akin,” sagot ko.
“So, will you still resign?” tanong niya.
“Not until you insist to give that work to me. Like what I’ve said kanina, I love my job,” inayos ko ang buhok kong tmatakip na sa aking mata.
“Okay, thanks. Makakabalik ka na sa trabaho mo,” na in other words ay ‘Bwisit ka, umalis ka na sa pagmumukha ko.’
Hindi na ako kumibo pa at saka ako taas noong umalis ng opisina niya.
Padabog akong naupo sa aking upuan sa loob ng aking opisina.
“Lyka, magpakape ka nga. Gusto kong maging acidic pa ngayon,” ihinilamos ko pa ang mga palad ko sa mukha ko at saka nangalumbaba sa aking desk.
“Umagang umaga, nakaganyan ka,” pumasok sa opisina ko si Philip, ang aking boyfriend na junior agent din sa kumpanya.
“Naiinis ako, so huwag kang dumagdag,” inirapan ko siya.
“Ikaw naman love, namiss lang kita,” naupo pa siya sa sofa na nasa tapat ng desk ko.
“Philip, umagang umaga nangangapit opisina ka na naman, nakikita ka ng mga tao sa labas,” itinuon ko pa ang atensyon ko sa mga tao sa labas na nakikita ko mula sa aking glass wall.
“Lyka, medyo isara mo nga iyang blinds mamaya pagkatapos mong magtimpla ng kape,” utos ko sa clerk ko.
“Yes ma’am,”
“Kape?” alok ko sa jowa kong tila ba walang kaproble-problema.
“Huwag na. Aalis na ako at baka nakaka-istorbo ako sayo ngayong umaga,” tumayo siya at akmang aalis na kaya naman huminga ako ng malalim.
“Okay, sige na. Ano bang sasabihin mo at nandito ka ng umagang umaga, LOVE?” sinadya kong i-emphasize ang love para lumingon siya.
Hindi ko pa rin naman siya matitiis kahit mapang-asar siya.
“Ayaw mo naman kasi akong kausapin,” nagmamaktol pa siyang bubuksan na ang pintuan ngunit nagsalita pa akong muli.
“Paglabas mo diyan huwag mo na akong kakausapin kailanman,” at kapag sinabi ko ang mga bagay na ito ay paninindigan ko talaga.
“Ito naman oh,” bumalik siya sa kinauupuan niya.
“Ano ba kasi? Ang dami pang arte?” tanong ko.
Inilapag ni Lyka ang kape sa desk ko.
“Salamat. Magkape ka na rin diyan, may dala akong suman,” alok ko sa clerk ko.
“Sige po ma’am,”
“Ayon na nga. Nagtatampo ako sayo dahil wala ka man lang time sa akin,” sumimangot pa ang jowa kong kahawig ng aso ko sa bahay. Ang cute.
“Alam mo namang busy ako diba?’
“Alam ko. Nakikita ko, pero alam mo iyon? Kailangan din ng poging boyfriend mo ng oras, kahit konti lang. Bahala ka, baka maghanap ako ng iba,” tinakot niya pa ako.
Lagi niya itong sinasabi pero ang ending ay hindi naman talaga niya ginagawa. Loyal siya kung loyal, ayun lang at laging nagdedemand ng time.
“Eh di maghanap ka ng iba, pakialam ko,” umiwas pa ako ng tingin at alam niyang galit ako sa tuwing sinasabi niya ang mga bagay na ito sa akin.
“Ito namang love ko, ang aga aga, nagsusungit na kaagad,” lumapit siya sa akin at saka ako pinisil sa pisngi.
“Philip ano ba? Nakikita ka ni Lyka oh,” lumingon pa ako kay Lyka na ngayon ay nagkakape na at kinikilig pa.
“Hayaan mo na, sanay naman iyan sa atin,” aniya.
“Sige na. Mamaya, magdinner tayo, libre ko na. Total ako ang laging may utang sayo na time.
“Wow, talaga? Okay. I love you Love, sobra,” hinalikan niya ako sa noo at iyon lang ay sapat na para malaman kong inspired ako sa work.
“Sige na, alis na,” pagtataboy ko sa kanya.
“Ito naman, wala man lang kasweet sweet,”
“Kailangan bang sweet?” tanong ko.
“Di naman, alam ko namang love mo ako,” namulsa pa siya sa harapan ko.
“Sige na, alam kong gwapo ka kaya huwag ka nang magpacute sa akin, shoooo,” taboy ko.
“I love you too,” sigaw niya bago lumabas.
Natatawa na lang ako.
Haaayyy sa wakas, nagood vibes ako ng kaunti sa pangungulit ng jowa ko.
Nag-eenjoy ako sa pagsimsim ng kape ko nang may pumasok na lang bigla sa aking opisina. Ang lalaking kinaiinisan ko dahil tila ba laging bulaklak ang lumalabas sa bibig niya, to the point na nagmumukha na siyang mayabang.
“Good morning Miss Arnais,” napakaluwag ng ngiti niya pero hindi ko alam kung genuine.
“Hello Mr. Aguila, anong maitutulong ko sayo ngayong umaga?”tanong ko sa kanya na ngumiti rin kahit hindi ko sana gusto.
Prente siyang naupo sa sofa at iniikot ang paningin sa paligid ng aking opisina.
“Ang lawak pala ng office mo ah. Minsan lang ako makapasok dito,”
Napangiti lang ako na may laman dahil naiinis talaga ako sa lalaking ito. Nandito ba siya para magbigay lang ng komento sa aking opisina.
“Ano bang ipinunta mo dito Mister Aguila?” pinipilit kong maging casual sa kanya dahil ayaw kong magtaray ng umagang umaga.
“Huwag ka munang excited Miss Arnais. Ginagawa ko munang pamilyar ang sarili ko sa opisina mo dahil pakiramdam ko ay maglalagi ako dito parati simula bukas,” tumayo pa siya at tiningnan ang kapaligiran.
Anong pinagsasabi niya?
“Excuse me Mr. Aguila, anong sinabi mo?”
“I look forward to be working with you in a project Ms. Arnais. Sana lang maenjoy natin ang company ng bawat isa. Be good to me,” pumitik pa siya bago nagtry na buksan ang pintuan.
“Excuse me, what did you just say?” tumayo ako par asana habulin siya pero bumalik siya at tumayo sa harapan ng desk ko.
“Hindi mo ba nakausap si boss?” tanong niya.
“Katatapos lang naming mag-usap,”
“And ano ang sinabi niya sayo?” tanong niya.
“It’s just between the two of us,” sagot ko.
“Okay, so see you tomorrow,” aalis na sana siyang nang pigilan kong muli ito.
“Wait, hindi kasi kita maintindihan. Pwedeng linawin mo ang big project na sinasabi mo?” may tono nan g pagkairita sa boses ko kaya naman napalingon na siya ng todo.
“I just received a memo na tayong dalawa ang tandem for the movie of Gandang Lalaki Series. So pinuntahan kita kaagad dito sa huge office mo to officially start the conversation with you pero mukhang hindi pa nakararating sayo,” deretsong sabi niya.
What? Hindi ba’t nag-usap na kami ni boss?
“Wait, nag-usap na kami ni boss and he just told me to…,” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit siya.
“He told me that you refused to, so lumapit siya sa akin to ask my expertise and sabi ko naman, initially ay ikaw ang napili niya so I don’t want to meddle with your discussion, kaya nagpresenta na lang akong tulungan ka dahil baka hindi mo kayanin,”
Wait, nalilito ako.
“Hindi ko kayo maintindihan,”
“Ahm, ikaw pa rin ang maghahawak ng GL Series and I will be your co-agent sa production kay I look forward to work with you. Just be good to me Miss Arnais,” ngumiti siya ng ubod ng tamis bago ako iniwang nakatulala sa mismong opisina ko.
I was betrayed. Lagot sa akin ang baklang blandinang iyon. Akala ko ay maayos na kaming nag-usap kanina tungkol dito, tapos malalaman ko lang na sa akin pa rin niya ibibigay ang project na iyon?
Wow, nice strategy. Gusto ko na talaga magresign.
“Lyka, maghanda ka na at baka bukas ay may bago ka nang boss. I will resign,” tumayo ako at nagmadaling nagtungo sa opisina ni CEO.
“Excuse me, may I talk with the CEO?” tanong ko sa lalaking nagbabantay sa labas.
“Maa’m, mahigpit po munang ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa kanya ngayon,” paumanhin ng llaki.
“But, nag-usap kami kanina,”
“Kabibilin niya lang din po bago kayo dumating,”
Ssshhhooocckkksss. Napagplanuhan ang lahat.
Bumalik ako sa opisina ko nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko.
“Ma’am, bakit po kayo magreresign?” nag-aalalang tanong ni Lyka.
“Basta. Hindi ko gusto ang patakaran dito kaya aalis na ako. Magpakabait ka sa susunod mong boss. I will miss this office. Pakiprint na lang ang resignation letter ko at pakibigay sa CEO thru HR,” lumingon pa ako sa paligid bago ko tuluyang buhatin ang maliit na karton na naglalaman ng mga importanteng documents ko.
“Ma’am, sigurado na po ba kayo?”
“Sure na sure,” sagot ko.
“Ma’am,” naiiyak na siya.
“Pakitawag mo nga si Philip ang sabihin mo tulungan ako,” inutusan ko siya para hindi na siya maiyak pa.
Mabait kasi talaga ako sa kanya at halos lagi ko siyang isinasama sa mga gimik ko at sagot ko ang lahat sa kanya,kaya close talaga kami nitong bata. Well, she is 23 and I am 28.
Pagdating ni Philip ay may pag-aalala sa kanyang mukha.
“Love, what happened?” tanong niya nang buhatin niya ang kahon na hawak ko.
“Ihatid mo muna ako sa bahay. Saka na tayo mag-usap. I need space from this hell,” sabi ko pa at hindi na siya kumibo.
Pinagtitinginan ako ng iba pang staff nang lumabas ako at dumaan sa mga aisle sa pgitan ng kanilang mga cubicle.
May mga nalulungkot na mukha at may mga nagugulat.
Natanaw ko naman ang opisina ni Mr. Aguila na ngayon ay nakataas pa ang blinds at prente siyang nakaupo habang tinitingnan akong paalis ng opisina.
Tumatawa pa siya.
Wait, pinagtatawanan niya ba ako? May araw siya sa akin na hayop siya.
“THANKIS love,” pasasalamat ko nang mailapag ni Philip ang kahon sa may lamesa sa sala ng bahay.
Nagkakamot siya ng ulo na parang gustong magtanong.
“Sige na, alam kong may mga tanong ka pero, mag-usap na lang tayo mamaya sa labas pag nagdinner na. Sunduin mo ako dito ng 07:00 p.m. matutulog muna ako maghapon,” sabi ko pa at saka nagtanggal ng sapatos.
“Babalik ako ng lunch, I want to have lunch with you,” sabi pa niya.
“Okay, magpapaluto ako kay manang. Mag-iingat ka,” sabi ko pa at saka nahiga sa sofa.
“Bakit diyan ka matutulog?” tanong niya.
“Tinatamad na akong umakyat pa,”
“Sige. Alis na ako love,”
“okay. Labyu,” mahinang sabi ko.
Hindi na siya sumagot pa pero ramdam kong nakatingin siya sa akin ngayon.
PAGPATAK ng alas syete ay sinundo niya ako sa bahay. Tiyak kong kalalabas pa lang din niya ng work dahil hindi na siya nagpalit pa ng damit.
“Sa may Dine-In tayo love,” sabi ko pa.
Pagdating naming dalawa doon ay nag-order na siya ng aming kakainin. Mas kabisado niya ang mga gusto ko kaya naman siya na lang ang nag-oorder ng kakainin ko sa tuwing lalabas kaming dalawa.
“Kain na, gutom na gutom ako sa work. Wala ka kasi,” sabi pa niya.
“Hmp. Hindi porket wala ako doon ay hindi ka na magmemeryenda,” sabi ko pa.
“Paano ako magmemeryenda eh wala ka namang inspirasyon ko doon,”
“Hindi ko naman dala ang cafeteria Philip,” gusto ko siyang pagalitan.
“Love naman, ano ba kasi ang nangyari?”
“Ano kasi,” pasimula ko.
Ngunit napatingin ako sa kadarating lang na customers. Magkasunod silang pumasok at ako agad ang nakita nila.
Lumapit sila sa akin at naiinis man, ay ngumiti na lang ako.
“Oh, nandito pala kayo. Timing. Kakain din kasi kami,” bungad sa amin ni CEO Rica saka lumingon para makita naming dalawa kung sino ang kasama niya.
Si Tomas Aguila.
Bakit sila magkasama? May relasyon ba sila? Ayaw kong man-judge pero basta.
“May we join you?” tanong pa ni CEO Rica.
Tiningnan pa muna ako ni Philip bago siya sumagot.
“Ahm, boss, nagdedate kasi kami,” sagot ni Philip.
Other way of saying, no.
“Oo nga naman boss. Iyan na nga lang ang time nila sa isa’t isa, iistorbo pa tayo. Sa iba na lang,” sabad ni Tomas na may halo pang ngiti sa kanyang mga mata.
Nakatingin lang ako sa kanya ng matalim, iyon bang parang gusto ko na siyang balatan ng buhay.
Ewan ko pero mainit ang dugo ko sa kanya.
“Ah, sorry ha,” sabi pa ni CEO.
“No boss, come, okay lang sa akin. I am sure okay lang din kay Philip. Kino-consider niya lang siguro ako. I can be with him naman all night, diba love?” baling ko pa kay Philip na parang nagulat pa.
Tinapakan ko ang paa niya saka siya nagreact.
“Aaaww.. Ahm, yes boss, ganon na nga,” aniya.
“So, may we join you then?” tanong pa nito.
“Sure,” sabi ko pa.
Kung kanina ay ako ang naiinis, ngayon ay nasa mata ng Tomas na iyon ang labis na asar sa akin.
Hindi pwedeng ako lang ang nababadtrip. Kung epal sila, epal din ako.
Walang liligaya.
Katapusan ng Unang Kabanata.