SHARLENE AGAIN, he kissed me na walang pasabi at dahilan. Baka masanay na ako sa ginagawa niyang ito sa akin. And yeah, alam kong bumabawi lang siya nang dahil sa ginawa ko sa kanya sa mall kanina. It's just that, nadala lang ako sa iba't ibang nararamdaman ko kaya ako nagkakaganito. "Why did you kiss me, Tomas?" I asked. "Because I want your lips, Sharlene," he smiled. "So ano, kakain ba tayo o hindi?" "I decided na dalhin ka na lang sa bahay ko at doon kita pakakainin," he suggested. Doon niya ako pakakainin? Sumandal ako at saka tumingin sa kanyang mga mata. What's the plan of this guy? Mayroon ba siyang itinatago sa akin? "Ano ba talaga? Akala ko ay gusto mo ng seafoods?" tanong ko na naguguluhan na rin talaga. "Yes. Sa bahay na lang kita ipagluluto para naman makita mo ang s