SHARLENE NAGISING ako ng maaga na mayroong ngiti sa aking mukha. Hindi ko naman masyadong iniisip si Tomas sa umagang ito ngunit siya ang pumapasok sa aking isipan. Pagmulat ko ng aking mga mata, alas sais ng umaga ay nakangiti ako. Yakap yakap ko ang aking unan at para akong nagde-day dreaming sa aking higaan habang iniisip ko siya. Hindi ko maikakaila sa puso ko na siya talaga ang nagpapangiti sa akin ngayon. Gumulong gulong pa ako sa higaan dahil sa totoo lang, unang beses kong makaramdam ng kilig mula sa isang lalaki. Nagkaroon na ako ng boyfriend at nakaranas na ako ng relasyon at ng ligaw ngunit ngayon lang talaga ako nakadama nito. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at para akong kiti-kiti na hindi mapakali sa aking kinahihigaan sa sobrang kilig na aking nadarama. Naaalala k