SHARLENE NAG-USAP lang naman kami ni Philip nang nakaraan. Hindi ko naman siya kinausap ng matagal. Gusto ko lang ng closure sa aming dalawa kaya ko siya kinausap. At dahil wala siyang kibo that time ay medyo tumaas ang boses ko dahil na rin sa kawalan niya ng pakialam. Hanggang sa dumating si Tomas at nakita niya na yakap ko si Philip. Oo, niyakap ko si Philip dahil nagpaalam ako sa kanya. Nagpasalamat ako sa aming mga pinagsamahan at dahil wala akong intensyon na kahit na ano ay matapos iyon ay lumapit na ako kay Tomas dahil ang akala ko ay nauunawaan niya. Ngunit heto at hindi pala. Sinabi niya sa akin na ikinagalit niya ang kanyang nakita. Hindi niya gusto ang nakita niyang pagyakap ko kay Tomas. Kaya naman pala wala siyang kahit na anong kibo. Kaya naman pala parang galit na