bc

Pusong Lito

book_age16+
644
FOLLOW
2.4K
READ
tragedy
comedy
twisted
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Jeerah Serene Cipriano, at the age of twenty had no boyfriend since birth. But when Jerson Dominguez came in her life, her decisions in life has been changed in just a snap. However, Jeerah's beauty seems to be the darling of the crowd that would totally made few guys had been fell in love with her. Israel Fuertez, the one who is deeply madly in love with her and the other guy whose named Rafael Del Monte, who had been in a serious rejected marriage proposal. And eventually, Jeerah's heart decision was to be with Jerson. Doo'y nangako siya sa sarili na hindi niya hahayaang mawala na lang ng basta-basta ito sa buhay niya. But one day, Jerson has able to passed the board examination in Criminology which is a way for him to take a training for about three months. Nagsasama na silang dalawa no'n kahit na hindi pa kasal, as an assurance for Jerson that Jeerah would stay for him no matter what. Jeerah has fulfilled her promise. Naghintay siya kay Jerson kahit na walang kasiguraduhan. Subalit, hindi niya akalain na ang labis na pagmamahal niya para rito ay may kapantay na pasakit na kailanma'y magdudulot sa kaniya nang kadalaan. Doon na siya nalito sa nararamdaman nang palaging nandiyan si Rafael para sa kaniya, para punuan ang pagkukulang ni Jerson sa kaniya. Jeerah, on the other hand, lately found out that it was uneasy to fought for Jerson without any assurance, without knowing that Jerson has been struggling and to her surprised-- Jerson is back. Pero paano kaya kung dumating ang araw na ma-realize niyang hindi na pala si Jerson ang karapat-dapat na mahalin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"It's not over 'til it's over." 'Yan ang paniniwala ko sa pag-ibig. Simple lang naman ang hinahangad ko, ang makakilala ng isang taong tatanggapin ako ng buong-buo.. Pero sa mundong ito, may ganoon pa rin kaya? Isa akong dakilang manicurista s***h pedicurista s***h parlorista sa umaga at dakilang estudyante sa gabi. Hindi madali pero kinakaya ko, sarili ko na lang kasi ang maaasahan ko dahil namatay na ang Mama ko, samantalang lumpo na at hindi na makapagtrabaho ang aking Ama dahil sa kaniyang sakit na diabetis, kaya todo-kayod talaga ako para sa maintenance ng gamot ni Papa at maging sa pang-tuition ko. Ang nakatatandang kapatid ko naman na babae ay maagang nabuntis at nakapag-asawa kaya ako na lang talaga ang inaasahan. Katumbas nang paglilinis ko ng kuko sa aming mga customer para kumita ng malaking pera ay ang pagsisipag ko sa pag-aaral upang makakuha ng mataas na marka dahil isa rin akong scholar sa unibersidad na pinapasukan ko. Kung hindi ko lang talaga kailangang maka-minus sa bayarin para sa tuition ay kahit hindi na sana ako kumuha ng scholarship dahil sa semi-private school lang din naman ako at kung tutuusin ay kakayanin ko naman pag-ipunin ang bawat semester para sa tuition fee, ang kaso ay nagmi-maintenance rin si Papa kaya kailangan talaga. "Oh, Jeerah! Nakailang linis mo na 'yan? Hindi kaya kuko na rin ang maisagot mo mamaya sa exam?" sarkastikong sabi ni Dela, ang bakla kong ka-trabaho rito sa salon na pinapasukan ko. Isa rin siya sa ka-close ko kung kaya’t ganiyan niya na lang ako kausapin na kinasanayan ko naman. Nagtawanan naman ang ilan naming ka-trabaho sa sinabi niya. "Shut up, Dela! Magtrabaho ka na nga lang," mataray kong sagot pero kasabay niyon ang nakalolokong ngiti. Ganiyan kami parati sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Natatawa na lang tuloy ang nililinisan ko habang patuloy kaming nagbabangayan ni Dela. Matapos kong malinisan ang isang customer ay naupo ako sa may gilid at maya-maya lang ay may pumasok na isang lalaki.. Matangkad, matangos ang ilong, mukhang yayamanin at siyempre, g’wapo. Agad akong kinalabit ni Dela na akala niya naman ay hindi ko napansin. Ako na lang kasi ang walang boyfriend sa aming magkakaibigan. Wala, e, salawahan talaga ako pagdating sa lalaki. Hindi naman sa choosy pero kasi-- Natigilan ako nang lumapit siya sa akin. Oo nga pala at nasa front desk ako, hindi rin ako assumera, e! "Hi, miss, magkano ang hair cut?" "Uy, Jeerah! Gupit daw oh!" sigaw ni Elinor. "Ah nandiyan po sa papel ang price list, sir!” sabi ko kasabay nang pag-abot ng flyers sa kaniya. Pero napahiya ako nang hindi niya iyon tanggapin at sa halip ay hinawakan niya ang wrist ko dahilan para matulala ako sa kaniya. "Hindi ko kailangan niyan, tinatanong ko lang kung magkano ang hair cut." "Ahm. Sixty pesos lang, sir." Napangisi pa ito na ikinataas ng kilay niya. "Okay." Lumapit pa ang lalaki kina Dela na kakaiba ang tingin sa akin. "Yes, sir? Anong klaseng gupit po?" "Under cut please." Nakaupo na ito sa may swivel chair at napaiwas ako ng tingin nang lingunin ako ni Dela. "Uy, Jeerah! Under cut daw." "H-ha?" "Slow? Ikaw ang maggupit kay kuyang pogi." Natatawa naman na nakikinig sina Elinor at Mallow. Iba rin 'tong si Dela, ipinapahiya pa talaga ako sa harap ng masungit na lalaking 'yan! Dahil sa inis ay napailing na lang ako, hindi dahil sa nahihiya ako dahil sa napahiya na ako sa lalaking 'to dahil sa kabang nararamdaman ko. Magaling naman ako sa paggugupit pero bakit kinakabahan ako sa presensya ng lalaking 'to? Pero hindi ko na lang inisip 'yon at nag-focus ako sa ginagawa ko. Ilang minuto lang ang lumipas at natapos ko na siyang gupitan! At tila humahanga siya sa sarili niya sa salamin. Sa akin siya nagbayad at nang sandaling magdikit ang aming palad ay tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Kakaiba naman ang ngiti sa akin ng mga kaibigan ko na sina Dela, Mallow at Elinor, na sa kanilang tatlo na ang tunay na babae lang ay si Elinor. At iba rin 'tong si Dela, sinundan hanggang sa labasan 'yung lalaki na 'yon. "Astigin, may sariling motor, Jeerah! Mukhang hindi tumalab ang beauty mo!" nagsitawanan na lang kami habang nagku-kwento siya. - "Pass your papers on the center aisle." Natataranta naman ako habang patuloy na nagsasagot. Bahala na! Napapikit ako sa inis dahil wala man lang akong matanungan sa mga kaklase ko. Hindi kasi ako palakaibigan sa school dahil sapat na sa akin ang mga kaibigan ko. Isa pa ay nag-aaral ako hindi para lang magkaroon ng kaibigan. Last subject ko na ito kaya pagkapasa ko ng answer sheet ay tumayo na rin ako katulad ng ibang kaklase ko na naunang magpasa. Alas nuwebe y media na ng gabi nang makarating ako sa lugar namin, kapansin-pansin ang pagkatahimik ng lugar dahil oras nang pamamahinga ng mga tao sa maliit na talipapa na sa pagdating ng umaga ay napaka-ingay. At isa lang din akong hamak na nakatira sa squatter at hindi ko ikinakahiya 'yon. May ilang mga bukas pa rin naman na tindahan kung kaya't nakabili pa ako ng lutong ulam. Kumakalam na ang tiyan ko nang madatnan ko si Papa na namimilipit sa sakit ng paa niya. "Bakit po ba kasi kayo nagpumilit tumayo, pa!" panenermon ko sa kabila nang pagka-awa ko sa sitwasyon niya. Ayoko lang kasi talaga siyang nakikitang nahihirapan. "Nauuhaw kasi ako, anak.." Napabuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili ko. Nangingilid na ang aking luha nang harapin siya. "Huwag mo ng uulitin 'yon, pa, ha? Nagmadali na nga ako makauwi, e. Heto at bumili ako ng ulam. Ininom mo na po ba ang gamot mo?" "Oo anak." Natigilan ako nang hindi nagbago ang kalungkutan sa mukha ni Papa. Kung p’wede lang na hindi ako aalis sa tabi niya para maalagaan ko siya ng maayos, ang kaso ay kailangan kumita. "Bakit po?" "Wala lang, anak, naisip ko lang kung gaano ako ka-swerte dahil naging anak kita, Jeerah. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin, anak ko." Agad na naman akong nakaramdam ng munting pagpatak ng luha sa aking mata pero hindi ko na lang ipinahalata kay Papa. Bakit ganiyan siya kung magsalita? Idinaan ko na lang sa tawa ang kalungkutan na pinaramdam ni Papa. "Pa naman, e, siyempre responsibilidad ko po na alagaan kayo, huwag naman po kayo magsalita ng ganiyan na parang m-mawawala na kayo," mautal-utal ako sa huling sinabi ko dahil alam kong hindi na rin kaya ni Papa pero pinipilit niyang maging malakas para sa'kin. "Nasa wastong edad ka na rin, anak, wala ka pa rin bang balak na mag-asawa?" tanong niya matapos niyang sumubo. Naalala kong malapit na naman madagdagan ang edad ko na bente anyos sa susunod na buwan. "Pa, wala pa po sa isip ko ang mga ganiyang bagay, ikaw po ang priority ko at saka may tamang panahon para sa mga ganoong bagay.” Napaawang ang bibig ni Papa at kapagkuwa'y sumilay ang isang ngiti. "Pa, matagal pa tayong magkakasama kaya huwag mo na po munang isipin kung kailan ko kailangang bumukod." Dahan-dahang napatango si Papa. Alam kong sa mga sandaling ito ay p'wedeng pumatak ang luha kong pinipilit na pigilan pero mas ipinapakita ko kay Papa na matatag ako sa kabila nang pagsuko niya. Matapos namin kumain ay inalalayan ko si Papa na makahiga sa higaan niya. "Goodnight, pa, I love you po." "I love you too, anak.." At pagkatalikod ko lamang ay pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinabukasan, bago ako pumasok sa trabaho ay bumili na muna ako ng almusal ni Papa sa may talipapa. Kagaya ng dati ay napakaingay ng mga tindero't tindera sa kanilang mga itinitinda. "Magkano po sa sopas?" "Kinse lang ineng. Ilan?" "Dalawang order po." Iaabot ko na lang ang bayad ko nang biglang matapik ng isang lalaki ang braso ko dahilan para mahulog ang ilang barya na hawak ko. Agad ko naman dinampot at nakita kong tinulungan din ako ng lalaki. "I'm sorry, miss--" "Ikaw?!" sabay naming sigaw nang magtagpo ang tingin namin. "Ah, e, sige." Tumalikod na ako upang ibigay ang bayad sa ale at para kuhanin ang binili ko. Nagmamadali akong naglakad pauwi dahil hindi ko na alam kung kailan pa ako muling mapapahiya sa harap ng lalaking 'yon.. And speaking of.. natigilan ako nang may isang motorsiklo ang sumunod sa akin. "I'm sorry talaga, saan ka ba nakatira, miss?" Sandali akong napalingon sa kaniya. Akalain mo 'yon? Marunong pala siyang mag-sorry? "Hindi mo na kailangan malaman, sir. Forgiven ka naman na kaya makakaalis ka na,” sabi ko at saka ako tumalikod, hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya, e, 'yung eksena kanina o ang itsura ko! Wala pa kasi akong kaayos-ayos! "Pero, miss, gusto ko lang naman bumawi sa'yo, e." Napapikit ako sa inis at kahit anong oras ay p'wede ko siyang mahampas ng tabla! "Kung mang-iinsulto ka lang ulit makakaalis ka na. At saka nagmamadali ako dahil hindi pa nag-aalmusal ang papa ko." Agad na humina ang tono ng boses ko nang banggitin ko si Papa. Bumaba siya ng motor niya at ewan ko ba pero parang ang cool niya pagmasdan. Tila nakaramdam ako ng slow-motion thingy. "Sasama ako sa'yo para mapatunayan kong sincere ang paghingi ko ng sorry." Hindi ako nakaimik at sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nakatakas sa mga mapanghusgang mata rito sa lugar namin at sa lalaking ito na hindi ko inaasahang may gustong patunayan. Pina-angkas niya ako sa kaniyang motor at magkasamang nagtungo sa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook