ILANG minuto lang ang lumipas ay nasa tapat na sila ng bahay ni James. Hindi napigilan ni Alex ang makaramdam ng kaba nang buksan nito ang pinto at iginiya siya papasok sa loob. “Welcome to my house,” sabi nito. “Sorry kung medyo magulo pa. Maghapon kasi akong hinabol ng mga kaibigan ko, eh. Hindi na tuloy ako nakapagligpit dito.” Natawa ang dalaga. “Iginapos mo ba naman sila ng duct tape, eh. Sino ang hindi magagalit no’n? May hang over na nga paggising tapos gano’n pa ang bubungad sa kanila?” “Tama lang ‘yon sa kanila. Iba na ang sigurado,” natatawa rin na sagot ni James. “Lalo na sa Nicolas na ‘yon na ubod ng babaero.” Nag-angat siya ng tingin sa mukha nito habang nakakunot ang noo, “Sigurado saan?” “Na hindi ka nila gagapangin habang natutulog ka.” Natigilan si Alex. So, tama ng