MALAKAS na kalabog sa pinto ng bahay ko ang nagpagising sa akin. Kung hindi lang uso ang sunog at magnanakaw sa lugar namin hindi ako babangon.
“Magda! Magda!” boses ni Tetay.
“Naknamputa naman! Bakit ba sigaw nang sigaw!” sigaw ko habang papalapit sa pinto.
Hindi ako nagbukas ng tindahan ng maaga dahil gusto kong matulog ng walong oras. Pero itong bwiset kong kaibigan kinalampag ang pintuan ko.
“Ano ba! Bakit ka sigaw nang sigaw?!” Inis kong tanong ng buksan ko ang pinto.
“Magda! Paparating ang mommy mo!”
“Ano?!”
“Nakita ko ang kotse niya na papunta rito. Naharang lang ni Kapitan kaya nakatakbo ako papunta rito!”
“Gano’n ba! Sandali at kukunin ko ang susi ng bahay!” patakbo pa lang ako sa kuwarto nang marinig ang sasakyan niya na huminto sa harap ng bahay.
“Bwiset! Malas!”
Hindi naman ako takot sa Mommy ko. Ayoko lang siyang pumunta ngayon dahil may kasama siyang pulis. Mabuti sana kung ang ninong kong chief police ang kasama niya. Pero siguradong hindi lang pulis ang kasama pati ang staff ng rehabilitation center. Hindi ko alam kung anong drama ang sinabi niya sa mga iyon para pumunta rito sa bahay. Sabagay, walang imposible kapag mayaman ka.
“Tumakbo ka na palabas!” sigaw ni Tetay.
“Saan ako tatakbo? Ang taas ng gate ng bahay ko,” irita kong sagot kay Tetay.
Pumasok sa loob si Mommy kasama ang pulis at ang empleyado ng rehabilitation center. Naka-abang na rin ang mga tsismosa kong kapitbahay.
“Magdalena!” tawag ni mommy.
Ang talim ng tingin ko sa kanya habang palapit sa akin. “Bakit ka nandito?” tanong ko kay Mommy.
“Magda, nandito ako para sunduin ka,” malumanay na boses ni Mommy. Parang akala mo, may nagawang tama sa buhay ko.
Nameywang ako sa kanya. “Kung makaasta ka parang naging mabuting ina ka sa akin. Huwag mo akong pakialaman sa gustong kong gawin sa buhay ko dahil matagal mo na akong iniwan!”
“Magda, kaya nga nandito ako para bumawi sa iyo. Gusto kong maituwid ang landas mo at magkaroon ka ng magandang buhay.”
“Huli na Elena!” sigaw ko.
Naramdaman ko na lang na dumikit ang palad niya sa mukha ko. “Wala kang galang! Pasalamat ka at hindi pa magaling ang daddy mo. Dahil kung magaling na siya baka hindi lang ‘yan ang napala mo!”
Hinawakan ko ang mukha kong sinampal niya. At tinitigan siya ng matalim. “Huwag n’yo akong pakialam!” sigaw ko.
Tatalikod na sana ako pero hinawakan ako ng pulis.
“Ano ba! Bitawan n’yo ako!” sigaw ko.
Sapilitan nila akong sinakay sa kotse.
“Sige, dalhin n’yo na ‘yan sa rehabilitation center. Adik ‘yan sa droga, alak, at yosi!” sigaw ni mommy.
Nakita ko ang mga kapitbahay namin na nasa harap ng bakuran namin. Ako na naman ang laman ng almusal, tanghalian at hapunan nila ngayong araw.
“Pakawalan n’yo ako!” sigaw ko.
Hindi naman ako adik sa ipinagbabawal na gamot. Kahit may mga kaibigan ako noon na adik, hindi ko naman sinubukan na tumikim. Oo, mahilig akong uminom ang alak at yosi pero noon ‘yon. Unti-unti ko ng iniwasan ‘yon dahil nangako akong magbabago na. Pero si mommy ayaw maniwala sa akin. Palibhasa hanggang ngayon ay hindi ko sila kinakausap ni daddy. Mas lalo akong nagtanim ng galit sa kanila. Pagkatapos nila akong iwan mag-isa dahil nag-asawa silang pareho ganito ang gagawin nila sa akin.
Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanila dahil isipin nila mahina ako.
Dinala nila ako sa rehabilitation center.
“Bakit n’yo ba ako ikukulong dito? Hindi ako adik!” sigaw ko.
“Sige, hindi ka na adik,” sagot ng babae.
May dalawang lalaki ang pumipigil sa akin para hindi ako makatakas.
“Pakawalan n’yo ako!”
“Kailangan mo munang kausapin ang psychiatrist doctor para sa exam at counseling kung hindi ka adik. Makakaalis ka rito,” malumanay na sabi ng babae.
Kumalma ako. “Sige, siguraduhin n’yo na pakakawalan n’yo ako.”
Naghintay ako ng ilang minuto pagkatapos ay pumasok si ang psychiatrist doctor.
“Hello!” wika ni Doktora.
Natigilan ako nang makilala ko ang psychiatrist doktor.
“Magdalena?” wika ni Doktora.
“Ikaw ang kapatid ni Lacey ‘di ba?”
Tumango siya. “Hindi ko akalain na makikita kita dito. Kumusta ka na?”
“Sa tingin mo okay ako rito pagkatapos nila akong sapilitan dalhin dito? Hindi ako adik!”
“Huwag kang mag-alala pakakawalan ka naman kung hindi ka adik.”
Sumimangot ako. “Nasaan na ba si Lacey ngayon?”
“Nasa Amerika siya ngayon at nag-aaral maging doktor.”
“Wow! Sana all!”
“Magdalena, hindi ka pa rin ba umiwas sa bisyo?”
Sumimangot ako. “Mas nauna pa nga akong tumalikod sa bisyo kaysa kay Lacey. Ang mommy ko ang may kasalanan kung bakit ako nandito. Palibhasa hindi ko siya kinakausap, at galit ako sa kanila akala niya adik pa rin ako.”
Tumango siya. “Pero kailangan mo pa rin dumaan sa test para malaman natin kung totoo ang sinabi mo.”
“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” inis kong tanong.
“Lahat na lang ba ng tao hindi naniniwala sa akin. Bwiset talaga!” bulong ko.
Isinailalim ako sa test para malaman kung may sakit ako sa pag-iisip at malaman kung anong klaseng behavior ang meron ako. Noong nasa counseling kami ay bumuhos ang luha ko. Nagawa ko kasing mailabas ang lahat ng hinanakit ko sa magulang ko. Mahigit dalawang oras din ang ginugol ko sa test at counseling bago ako pinalabas ng silid.
“Palabasin n’yo na ako mas matino pa utak ko sa inyo!” sigaw ko.
Kahit sinabi sa akin ng kapatid ni Lacey na makakalabas ako, hindi pa rin ako kampante lalo na kapag ginamit ni mommy ang pera niya.
Ilang sandali pa ay lumapit sa akin ang babae na kasama ni mommy.
“Hintayin mo ang sundo at puwede ka ng umalis.”
“Sabi ko sa inyo hindi kayo adik. ‘Yung magaling kong ina ang ikulong n’yo diyan dahil siya ang baliw!” sigaw ko.
Mas lalong nagdagdagan ang galit ko kay Mommy ngayon. Nanahimik na ang buhay ko pinakikialaman niya.
“Magdalena!” boses ni Tetay.
“Oh, bakit hindi sumama ang magaling kong ina? Nahihiya ba siya dahil mali ang iniisip niya sa akin?”
“Tumahimik ka na nga lang baka tuluyan kang ikulong dito,” wika ni Tetay.
Tumahimik ako dahil natakot akong baka ikulong nila ako.
Dire-diretso kaming lumabas ang rehabilitation center.
“Magdalena, halika sumakay ka na!” wikani Tetay.
Kasama pala niya ang boyfriend niyang may kotse. Pagsakay ko sa kotse niya ay napansin kong may lalaki pa silang kasama.”
“Hello!” matamis na ngiti ng lalaki.
Kumunot ang noo ko. “Bakit may maligno dito?” tanong ko.
“Miss, hindi ako maligno.”
“Ay, sorry! Malabo kasi mata ko,” alibi ko.
Kung hindi ako tiningnan ng masama ni Tetay, hindi ko babawiin ang sinabi ko.
“Anong pangalan mo?”
“Baby ang pangalan ko.”
“Can I call you, Babe?”
Napangiwi ako sa sinabi niya. “May yosi ka?”
Tumango siya at binigay sa akin ang isang stick. Binuksan ko ang bintana para makasingaw ang usok.
“Baby, ihahatid ka namin sa bahay mo,” wika ni Maligno.
Hindi ko na pinag-aksayahan tanungin ang pangalan niya.
Umiling ako. “Ibaba n’yo ako sa terminal ng jeep dahil pupunta ako sa kapatid ko.”
“Baby, gusto mo sumama sa amin mamaya?” tanong ni Maligno.
“Hindi pa ako handa pumunta ng impyerno,” sagot ko.
“Hindi impyerno pupuntahan natin. May bukas na bar sa Malate pupunta kami,” wika ni Maligno.
“Akala ko sa impyerno ang punta kaharap ko kasi si Satanas,” bulong ko.
“Kung kasama si Tetay sasama ako,” sagot ko.
“Oo, kasama ako,” sagot ni Tetay.
“Sige, text nyo na lang sa akin ang address pupuntahan ko mamaya.”
“Sige, text ko na lang,” sagot ni Tetay.
Mabuti na lang at hindi niya binabanggit ang pangalan ko. Ayokong malaman ng maligno na kasama nila ang totoo kong pangalan. Mabuti na lang at dinala ni Tetay ang cellphone at pera ko. Hindi sana ako makakapunta sa bahay ng mommy ko ngayon.
Halos sirain ko ang doorbell nila dahil sa sunod-sunod na pindot ko. Ngayon pa lang ay nanggigil na ako sa mommy ko.
“Sino ka?” wika ng bantay sa labas.
“Ako si Magdalena Chua.”
“Sino ang kailangan mo?”
“Sabihin mo sa ina kong si Elena Baldosa. Nandito ang pariwara niyang anak,” inis kong sagot.
Sigurado kapag sinabi kong pariwara ay papasukin nila ako. Iyon naman kasi ang gustong marinig ng mommy ko. Ilang sandali ay bumukas ang pinto, ngunit bago ako pinapasok ay kinapkapan ako ng katulong at kahit ang laman ng pitaka ko ay tiningnan.
“Tsk! Wala akong dalang baril o shabu. Kung makapkap kayo parang galing akong kulungan!” diretsang sabi ko.
“Pasensya na po utos ni Madam,” wika ng katulong.
Pumasok ako sa loob ng malaking bahay nila. Ngunit bago ako makita si Mommy ay sinalubong ako ni Cally.
“Oh my gosh! Magda!” Nakangiti siya nang makita ako.
“Nasaan ang magaling mong ina?” tanong ko.
“Why? What happened?”
“Cally, pumasok ka na sa loob,” boses ni mommy.
“Mom, what’s wrong? Bakit ka hinahanap ni Magda?”
“Pumasok ka na sa loob ng kuwarto mo at mag-uusap kami ng kapatid mo.”
“Cally!” tawag ko.
“Yes, Magda.”
“Ibabalik ko na ang pera na hiniram ko sa iyo.”
“Why did you tell me that you needed my help because you wanted to start a business?.”
Tumingin ako kay Mommy. “Naisip kong ‘wag na lang magnegosyo, parang gusto ko na lang maging adik para naman hindi mapahiya ang nanay mo kapag pinahuli niya ako.”
“What? Mom, what did you do to Magda?" wika ni Cally.
"Go to your room, and we'll talk after I finish talking to your sibling,” sagot ni Mommy.
“Okay, Mom.”
“Bakit ka pumunta rito?”
Matalim ko siyang tinitigan. “Gusto kong malaman mo, Elena, na huwag mo na akong pakialaman sa buhay ko. Matagal n’yo na akong iniwan ni daddy kaya ‘wag kang magpaka-feeling good mother sa akin.”
“Talagang wala ka ng respeto sa akin. Kung magsalita ka parang hindi mo ako ina.”
“Si Lola at Lola ang tinuring kong magulang. Sila ang tumayong magulang sa akin kaya sila lang ang bibigyan ko ng respeto. Ikaw, wala ka ng kwenta sa a—"
Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako.
Tinitigan ko siyang masama. “Ano! Sasampalin mo kapag dahil ayaw mong marinig ang sinasabi ko! Kapag hindi mo gusto mo ang naririnig mo sa akin sasampalin mo ako. Ganyan ka naman, sarili mo lang ang iniisip mo, kapag galit ka sa akin sasampalin mo ako. Eh, ako ba! Noong iniwan n’yo ako kay Lola at Lolo para mag-asawa kayo ni daddy. Naisip n’yo ba yung lungkot at pangungulila ko. Inisip nyo ba na galit na galit ako sa inyo? Hindi ‘di ba! Kasi masaya na kayo sa mga pamilya n’yo, masaya na kayong bumuo ng bagong pamilya habang ako iniwan nyong mag-isa! Pagkatapos ngayon, bigla kang susulpot at papadampot ako dahil gusto mong magpaka-nanay! Tang ina! Huwag n’yo na akong pakialaman sa buhay ko! Leche!” Tumalikod ako upang itago ang luha na kanina ko la gustong ilabas.
“Magdalena!” tawag niya.
Hindi ako nakikinig. Dire-diretso akong umalis ng bahay nila. Sumakay ako ng taxi at doon ko binuhos ang luha na gustong pumatak.
Pag-uwi ko sa bahay ko ay may nakaabang na tsismosa sa harap ng bahay ko. Bukas ang tindahan dahil binuksan ito ni Tetay.
Huminto ako sa harap ng mga nag-uumpukan na tsismosa. “Ako ba hinihintay n’yo? Hindi ako kinulong sa rehabilitation dahil hindi ako adik. Happy?” Pagtataray ko.
Isa-isa silang umalis.
“Mga leche kayo!” sigaw ko.
To the highest level ang batrip ko ngayon. Siguro, kung may maghapon ng p*****n sa akin papatulan ko.
“Sinalubong ako ni Tetay. “Hoy, ang init naman ng ulo mo? Saan ka ba nanggaling?”
“Sinugod ko ang nanay ko.”
“Anong sabi?”
“Huwag mo ng tanungin dahil baka mas lalo akong mainis.”
“Kumain ka na at maligo para kumalma ka. Wala ka pang kain at ligo ng kunin ka dito kaya siguro mainit ang ulo mo.”
“Walwal tayo mamaya.”
Tumango si Tetay. “Oo, susunduin ako ng boyfriend ko.”
Tumalikod ako sa kanya at dumiretso ako sa kusina para kumain. Si Tetay na lang ang natitirang mabait sa akin. At kahit ilan beses siyang pinagbabawal ng magulang niya na ‘wag makipagkaibigan ay hindi pa rin nila napigilan si Tetay.
Habang kumakain ako ay iyak ako nang iyak. “Huwag kang umiyak, Magda!” kausap ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Nagpahinga lang ako sandali at dumating na ang boyfriend ni Tetay at pumunta kami sa bar. Nag-order agad ako ng alak upang maaga pa lang ay malunod na ako. Gustong kong makalimot para makawala ang sakit na nararamdaman ko.
“Babe, lasing ka na,” wika ni Maligno.
Ngumiti ako. “Hindi pa ako lasing baka sila ang lasing.” Sabay turo ko kay Tetay at boyfriend niya naghahalikan.
“Gusto mo gayahin?” tanong ni Maligno.
Dahil lasing ako ay pumayag ako. Ngunit muntik na akong masuka dahil para akong nagmumug ng galing sa imburnal. Ang baho ng hininga niya at laway. Kumain ako ng candy para hindi ako sumuka.
“Babe, sayaw tayo!”
Tumayo ako dahil nakita kong sumayaw si Tetay. Lasing na ako habang nasa dance floor at hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko sa lalaki.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Maligno pero sinundan niya ako. Galit na galit siya sa akin. Naabutan niya ako pero nakatakas ako sa kanya dahil tinuhod ko ang bayag niya. Tumakbo ulit ako at muli akong hinabol ni Maligno. Kung hindi ako lasing na lasing baka nakatakbo ako ng mabilis.
Muli niya akong naabutan at susuntukin sana niya ako, pero may humila sa kanya at sinuntok siya. Para akong biglang nahimasmasan ng makita ko si Marcus.
Hinila ko si Marcus para hindi na makipag-away, pero ako ang hinila niya at dinala sa kotse niya.
“Are you slut?”
Huminga ako ng malalim. “Hays! Bakit ba ang daming judgemental sa mundo,” bulong.
“Ano naman sa iyo kung pokpok ako?”
“How much?” tanong ko.
“Anong sinabi mo?”
“Magkano ang kailangan mong pera ngayon gabi at dodoblehin ko para sumama ka sa akin.”
Tinitigan ko si Marcus at huminto ang tingin ko sa alaga niyang bakat sa pants niya kahit tulog. “Ikaw talaga ang totoong daks eh. Hmm.. libre na lang para sa iyo basta patitirikin mo ang mga mata ko.”
Hahalikan ko sana siya pero umiwas siya. Siguro dahil nakita niya akong nakipaghalikan sa Maligno. Kumain akong ng candy para hindi amoy imburnal bunganga ko.
“Kadiri talaga ang hininga ni Maligno, para akong sumipsip ng bulok na hotdog,” bulong.
Niyaya ko siyang dalhin ako sa kahit saan lugar. Siguro naman wala siyang balak patayin ako kapag natapos niyang makaraos. Ngunit parang nahulaan niyang may problema ako. Pero syempre hindi ako aamin. Ayokong kaawaan.
Nagsindi ako ng sigarilyo bago nagsalita.
“Kailangan ko malasing at makatikim ng nine inches. Kung ayaw mo ihatid mo ako sa terminal ng jeep at baba na lang ako.”
Bigla niya akong tinitigan pagkatapos nagulat ako nang hawakan niya ang dibdib ko at tinaas ang damit ko at sinipsip ang s**o ko. Napaungol ako ng malakas.
“Ohhh!” Nabuhay ang init na naramdaman ko sa kanya.
Nang malagyan niya ako ng kissmark ay pinaharurot niya ang sasakyan niya.
“Nandito na naman tayo sa kuwarto na ito. Siguradong hindi naman matutuloy ang pagpunta natin sa ikapitong langit,” sabi ko.
Dalawang beses na kaming puro foreplay lang sa silid na ito at hindi natutuloy.”
“Matutuloy na dahil walang istorbo.” Hinubad ni Marcus ang suot niyang damit hanggang wala na itong saplot.
Daig ko pa ang nahulas nang makita ko ang alaga niyang kinakawayan ang mani ko.
“Gusto mo sumabay maligo?” tanong niya.
Tumango ako. “Oo naman!”
“Sumunod ka sa akin.” Nauna siyang pumasok sa banyo. Hinubad ko ang suot kong damit. Napansin kong kulay pulang panty na naman ang suot ko.
“Swerte talaga sa akin ang pulang panty. Laging nakaka-jackpot ng daks.”
Kinuha ko ang pulang panty at nilagay ko sa bulsa ng pantalon niya. “Lagi ko siyang bibigyan ng panty ko kapag matagumpay ang s*x natin.”
Malungkot ako kanina pero biglang nawala dahil kay Marcus. Well, sa kanya ko na lang ilalabas ang galit ko, sa pagsisiping namin dalawa.
“Keppy! Come here!”
“Yes, come in!” Kinikilig kong sagot.
Iniisip ko na agad kung may dala siyang condom. “Sana may condom siyang dala para hindi masayang ang libog ko ngayong gabi.