CHAPTER 6

2913 Words
ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay nagising na ako para buksan ang tindahan ko. Ganitong oras ay maraming ng gising na kapitbahay ko dahil may mga pasok ang mga estudyante. Ngunit bago ang lahat ay nagtimpla ako ng kape para magising ang diwa ako. Nakita ako ang isang stick na yosi sa ibabaw ng lamesa. “Lolo, Lola, sorry, hindi ko pa agad kayang alisin,” bulong ko. Alam ko kasing nandito pa rin sila sa bahay at binabantayan ako. Nakikita tuloy nilang humithit pa rin ako ng yosi at umiinom pa rin ako ng alak. Pero paminsan-minsan na lang talaga. Binuksan ko ang tindahan ko at nagpatugtog ako ng tugtog sa simbahan para naman swertehin ako ngayong umaga. “Magdalena, pabili akong itlog,” wika ni Aling Bebang. “Ilang itlog?” tanong ko. “Tatlo at dalawang pancit canton.” Tumayo ako para kunin ang mga binibili niya. “Sixty eight lahat,” sabi ko. “Nagpatugtog ka ng kanta sa simbahan baka masunog ka niyan.” Sabay tawa niya. Nameywang ako at sabay taas ng kilay. “Okay lang kung masunog ako nandito lang naman ako sa bahay ko. Kaysa naman sa ibang tao diyan na laging nagsisimba pero lakas manlait. Kung husgaan ang ibang tao akala mo talaga pupunta sa langit.” Inis kong sagot. “Naku, marami talagang ganyan tao laging nagsisimba pero ugaling demonyo.” Gusto ko sanang sabihin na siya ang tinutukoy, pero ayokong mas lalong masira ang umaga ko. “May bibilhin pa ba kayo?” “Wala, ito ang bayad.” Sabay abot niya sa akin ng isang daan piso. Sinuklian ko siya at umalis na ito. Kung hindi ko lang siya customer ay baka tinarayan ko na siya. May huminto naman sa tapat ng tindahan kong tricycle. Bumaba ang dalawang lalaking parang galing sa inuman dahil halatang lasing. “Pabili nga!” sigaw niya. “Ano ‘yon?” tanong ko. “Bato.” “Anong bato?” Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero tinanong ko pa rin ito sa kanya. Ngumiti. “Alam kong meron kang tinda pabili ako.” “Ang tinitinda ko pagkain hindi pampatunaw ng utak. Lumayas ka sa harapan ko baka isumbong pa kita sa barangay.” “Hindi ba ikaw ‘yon?” “Eh, sabog ka na yata! Kinuha ko ang tubo ko para kung sakaling pasukin ako ay may panlaban ako.” “Brad!” tawang Bogart na kapitbahay ko. Sabay silang tumingin. “Pre! Akalo dito ang bahay mo,” Umalis na sila at lumapit kay Bogart. Umiling na lang ako. Kilalang tulak si Bogart sa lugar namin. Wala lang nagsusumbong sa kanya dahil natatakot na baka balikan. Nang mabentahan ni Bogart ang dalawang lalaki ay umalis na ito. Lumapit naman sa tindahan ko si Bogart. “Magdalena, pasensiyahan mo na kung napagkamalan ka nilang nagbebenta.” Tumango ako. “Lumayas ka na at baka may makatunog pa sa ‘yo na nandito ka.” “Salamat, binisita ko lang sila Tatay.” Tumalikod siya at sumakay na ito sa motor. “Hays! Aga-aga hindi na maganda ang nakikita ko. Ganito na ba talaga ako kasamang tao para ipamukha sa akin araw-araw?” Gustong-gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil masyadong magulo ang lugar. Pero nagdadalawang isip ako dahil bahay ito ng Lola at Lolo ko. Ito na lang ang alaala nila sa akin. Kung tutuusin may magandang bahay naman akong puwedeng tirahan. Ang dating bahay namin sa subdivision. Malaki ang bahay namin doon at tahimik ang subdivision na iyon. Pero mas pinili kong tumira sa magulong lugar na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw akong dalawin ng mga kapatid ko sa ina at ama. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng kape. Nang may nag-ikot ng nagtitinda ng pandesal ay bumili ako. Hinintay ko rin magbukas ang malapit na karinderia para bumili ng pansit. “Magda, bakit maaga ka yatang nagbukas ng tindahan mo?” tanong ni Tetay. Araw-araw niya akong pinupuntahan sa bahay ko para samahan ako at tumulong sa pagtitinda. “Gusto ko sanang swertehin ngayong araw kaya nagbukas ako ng maaga. Kabaliktaran naman ang nangyari. Unang benta ko tsismosa at laitera agad. Paano ka ba naman suswertehin.” “Halos lahat naman ng tao rito ay tsismosa. Kung ako sa iyo ituloy mo na talaga ang umalis dito sa lugar na ito.” “Oo, aalis ako rito pero hindi pa ngayon?” “Akala ko ba kapag nakautang ka sa kapatid mo ay aalis ka na rito?” “Aalis naman talaga ako pero bago ako umalis dapat bukas na ang negosyo ko. Ayokong umalis agad tapos wala pa akong pagkakakitaan.” “Kung ako sa iyo humingi ka ng tulong sa magulang mo. Siguradong isang linggo lang tapos na ang problema mo.” “Kahit anong mangyari hindi ako hihingi ng tulong sa kanila.” “Ang tigas mo talaga. Natunaw na yata ng alak at yosi ang puso mo kaya wala ka nga nararamdaman pagmamahal sa kanila.” “Sila nga hindi naman laging umiinom ng alak pero wala ng pagmamahal sa akin.” “Mahal ka pa rin nila.” “Kung mahal nila ako bakit nila ako iniwan sa Lola at Lola ko? Mas pinili nilang sundin ang kaligayahan nila. Hindi nila alam na may anak sila.” “Kaya ba hindi mo dinalaw ang daddy mo sa ospital kasi hanggang ngayon galit ka sa kanya.” “Huwag na natin silang pag-usapan dahil mas lalong nasisira ang araw ko.” Sabay irap ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya. “Ikaw ang bahala.” “Ikaw muna ang magbantay sa tindahan ko may katatagpuin lang ako.” “Sino naman ‘yan?” “Yung foreigner na ka-chat ko.” “Akala ko ba hindi ka na maghahanap ng lalaki dahil natagpuan mo na ‘yung lalaking magdadala sa iyo sa ikapitong langit?” “Dalawang linggo na ang lumipas hindi ko na siya nakita ulit. Ibig sabihin hindi kami para sa isa’t isa. Naghanap ako ng kano para naman matuwa ako.” “Nakakatakot ‘yan baka magkaroon ka ng sakit.” “Kaya nga gagamit ng condom.” “Bahala ka nga.” “Isara mo na lang tindahan ko kapag uuwi ka na. Kunin mo na lang ‘yung sahod mo ngayong araw.” “Ingat.” “Bitbit ko ang paper bag na may laman sexy dress at sandals. Ito ang gagamitin ko mamaya kapag malapit na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Kano. Hindi ko agad sinuot ang damit dahil siguradong gagawin akong pulutan ng mga tsismosa sa amin kapag nakita akong sexy ang damit. Sumakay ako ng tricycle papunta sa terminal ng jeep. “Hello, Magdalena!” wika ng tricycle driver. “Oh, bakit?” pataray ko. Sa dami ng kalokohan ginawa ko noon ay kilala na ako kahit tricycle driver sa lugar namin. “Gumaganda ka yata ngayon.” “Matagal na akong maganda. Ikaw bakit papangit ka nang papangit?” “Sobra ka naman manlait sa akin.” “Alam mo, Gurong, kahit anong pagpapa-cute mo sa akin hindi kita papatulan.” “Malaki kargada ko.” Tumingin ako sa alaga niyang hindi man lang bumukol kahit nakaupo. “Tsk! Gumising ka na sa panaginip mo. Ang tanda mo na maniniwala ka pa rin sa fairy tale.” “Bakit hindi mo ako subukan?” “Huwag mong painitin ang ulo ko ba isumbong kita kay Chief.” “Ito naman hindi mabiro.” “Tatahimik ka rin pala hindi mo pa ginawa kanina.” Sabay irap ko. Ang buong akala ng mga tao sa lugar namin na kabit ako ng Chief ng pulis sa bayan namin. Hindi nila alam na ninong ko ito sa binyag. Iyon din ang dahilan kaya lagi akong naabswelto sa gulo noon. Dahil pagod akong mag-explain sa kanila kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na kabit ako. Nakarating ako sa Malaking Mall sa Manila ng alas-singko ng hapon. Suot ko na ang sexy na damit na bitbit ko kanina. Naglagay din ako ng lipstick at blush sa mukha ko para naman mas lalo akong maging maganda sa paningin ni Kano. Nakatayo ako sa harap ng tindahan ng mga cellphone nang tumawag si Kano. “Hello, Sweetheart?” sabi ko. “Sweetheart, where are you?” “I'm already here at the mall in front of the cellphone store on the third floor. How about you, where are you now?” “I'm at the entrance door. Come to me because I don't know how to get there.” “Sure, Sweetheart, wait for me.” Sabay putol ko ng tawag niya. Tiningnan ko muna ang itsura ko sa camera ng telepono ko bago ako bumababa. Omg! Ang tangkad at guwapo niya. Pababa na ako ng escalator nang matanaw ko na agad siya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang alaga niyang bakat kahit nakasuot siya ng pantalon. Matutuloy na yata ang matagal ko ng inaasam. May dala na rin akong condom para kung wala siyang dala ay meron ako. Siguro naman kasya ang size na binili ko para sa kanya. Tama ang binili kong Extra large na condom. Lumapit ako sa kanya. “Hi, Sweetheart!” Lumingon siya at pinagmasdan niya ako. “Mhandy?” tanong niya. Ngumiti ako. “Yes.” “You’re so beautiful, Sweetheart.” Niyakap niya ako ng mahigpit. Confirm! May tumusok. Parang mas excited ako sa gagawin namin mamaya. “We finally saw each other, Sweetheart,” wika ni Kano. “I'm happy to see you.” Inakbayan niya ako. “Let's go, let's have some food,” sagot ni Kano. Kahit hindi ko bet ang amoy niya ay keri lang. Sabay na lang kaming maligo mamaya para siguradong malinis siya. “Where are we going to eat?” tanong ko. Palabas kasi kami ng Mall ni Kano. “We'll eat at a restaurant." “Okay.” Sumakay kami ng taxi papunta sa isang hotel. Tama ang iniisip ko, ibang pagkain ang gusto ni Kano na kainin. Ang tahong ko ang gusto niyang papakin. Sa isang mamahaling hotel kami pumasok dalawa. Nang makapag-check in kami ay pinuntahan namin ang silid namin. Papunta pa lang kami ay hinihimas na niya ng braso ko. “Don’t be so fast,” bulong ko. Pagpasok pa lang namin sa hotel ay hinalikan niya agad ako. Muntik na akong masuka dahil nalasahan ko ang kinain niya noong isang buwan. Umiwas ako sa kanya. “"Let's take a shower."” “Later I will eat you.” “No! No! No! Let's take a bath first, brush our teeth, and use mouthwash so that our mouths will smell fresh and not like a sewer,” sagot ko. “Okay! Okay!” Hinubad ni Kano ang suot niyang damit. Natulala ako ng limang segundo ng makita ko ang alaga niyang mahaba. Mahaba siya pero mukhang comatose dahil nakalupaypay. “Let’s take a shower,” sabi niya. “You go ahead and take a shower first.” “I thought we were going to shower together,” wika ni Kano. “I'm shy to take a bath together.” “Okay, I’ll take a shower first at sumunod ka sa akin pagkatapos.” “Sure, don’t forget to brush your teeth and use mouthwash.” “Yes, Sweetheart!” Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay tinawagan ko si Tetay. “Oh, bakit ka tumawag?” “Tetay, Natagpuan ko na ang matagal ko ng hinahanap.” “Ano naman ba ‘yan?” “Foreigner pala ang hinahanap ko.” “Ah, yung mahabang ari na magdadala sa iyo sa climax.” “Oo, nandito kami ngayon sa hotel. Pinauna ko siyang maligo para lang sabihin sa iyo.” “Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo? Baka mahawaan ka ng sakit.” “Ano ka ba naman! Wala pa naman akong nakakasiping ‘di ba laging failed? Siguro ito pa lang successful na one-night stand ko kung sakali.” “Bahala ka kung ayaw mong magpapigil.” “Sige, sinabi ko lang sa iyo ang magandang balita.” Sabay putol ko ng tawag. “I’m fresh!” wika ni Kano nang lumabas siya ng banyo. Nakatapis lang siya ng tuwalya ng lumabas kaya bakat ang alaga niya. “I will take a bath.” Nang papasok na ako sa banyo ay pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya. “Don't take a bath, I'll eat you even if you haven't taken a bath.” Sabay halik niya sa akin. Hindi ko na nalalasahan ang kinain niya noong isang buwan pero wala pa rin lasa ang halik niya. Parang mas gugustuhin ko na lang na huwag makipaghalikan sa kanya. Habang magkadikit ang labi namin ay hinawakan ko ang alaga niya at nilaro ko ito pero hindi man lang tumayo. Mukhang comatose talaga siya. Parang mahihirapan akong gisingin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “No. I really need to take a shower first.” “Okay! I wait for you.” Pumasok ako sa loob ng banyo at naligo. Naghilod ako ng katawan para malinis ako. Nang malapit na akong matapos maligo ay narinig kong parang maingay sa labas. “Ano kaya ‘yon?” Binalot ko ng tuwalya ang katawan ko at binuksan ko ang pinto. Nanlaki ang nga mata ko nang makita kong nakaposas na si Kano. At may mga pulis sa loob ng silid. “s**t! Anong nangyayari?” Kinatok ako ng pulis ngunit hindi ko binuksan. “s**t! Paano ako lalabas?” Ayokong madawit sa kung anuman atraso ni Kano. Ang gusto ko lang naman makipag-one-night stand sa daks. Tumingin ako sa kisame. Sarado ang kisame kaya hindi rin ako makakadaan doon. “s**t! Paano ako makakatakas dito?” “Buksan mo ang pinto kung ayaw mong pasukin ka namin dito.” Sinuot ko ang itim na roba at binalot ko naman sa mukha ko ang tuwalya bago ako lumabas ng banyo. “A-Anong nangyayari?” “Ikaw ba ang kasama ng Kano na ito?” “Binayaran lang niya ako para makipag-s*x?” pagsisinungaling ko. “Isa siya sa mga matagal ng hinahanap na nagpasok ng droga dito sa Pilipinas. Kailangan mong magpaliwanag sa presinto.” Kung minamalas ka nga naman. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Pinagbihis nila ako ng damit. Ngunit hindi ko talaga pinapakita ang mukha ko. Nang lumabas kami ng kuwarto ay tumakbo ako. Bahala na! “Bumalik ka rito!” Hinabol ako ng dalawang pulis. Ang bilis ko tumakbo. Sanay-sanay ako sa takbuhan dahil lagi rin akong hinabol ng mga pulis at tanod noon. Pagliko ko ay nakita kong may bukas na pinto ng isang silid. Pumasok ako doon at sinarado ko ang pinto. “s**t! Bakit ba ako laging nadadamay sa gulo?” bulong. “Who are you?” Nang lumingon ako ay nagulat ako sa nakita ko. Siya ang lalaking walang condom sa party. “You?” tanong niya. Hindi ako nakasagot. Dahil may kumatok sa pinto. Bubuksan sana niya ang pinto ngunit pinigilan ko siya. “Please, ‘wag mong buksan.” “Why?” “Hinahabol ako ng mga pulis.” “Bakit ka hinahabol?” Yung kasama kong lalaki sa hotel hindi ko alam na wanted pala dito sa Pilipinas. Nahuli siya dito sa loob ng hotel. Wala akong kasalanan kaya tumakas ako. Kumunot ang noo ko. “You're a prostitute?” Umiling ako. “Nakilala ko siya sa dating app. Naging boyfriend ko siya at ngayon kami nagkita. Magsisiping sana kami pero nahuli siya. “Are you sure?” “Yes.” Ilang segundo niya akong tinitigan pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Sobrang sarap ng halik niya kaya natangay ako. “Hubarin mo ang damit mo.” “Ha?” “Basta sundin mo ang sinabi ko. Hubarin mo ang suot mo at dumapa ka sa kama.” Dahil hindi pa rin umaalis ang mga pulis ay hinubad ko ang suot kong damit at tinago ko sa ilalim ng kama. Nang wala na akong saplot ay humiga ako ng nakadapa sa kama. Nilagyan niya ako ng kumot hanggang sa bewang ko. Ang lalaki naman ay naghubad rin, tapos tinakpan ang ibaba ng katawan niya ng tuwalya bago niya binuksan ang pinto. “What!” pagalit na sabi ng lalaki. Nakita ng mga pulis na pareho kaming nakahubad. “Sir, pasensya na, itatanong lang namin kung may pumasok na babae dito.” “Wala.” “Pero may nakakita na dito pumasok.” “Hanapin n’yo.” Binuksan niya ang pinto. “Pumasok ang isang pulis at tumingin sa banyo ngunit wala silang nakita. “Salamat, Sir.” “Nakita nyo naman kung anong pang-iistorbo ang ginawa n’yo.” “Pasensya na, Sir?” Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ang mga pulis. Bumangon ako para magbihis. “Maraming salamat sa tulong mo.” Nagulat ako ng agawin niya sa akin ang damit ko. “Your thank you is not enough.” “Ha?” Tumayo siya sa harapan ko at pinagmasdan ang hubad kong katawan. “I've been looking for you for a long time. Turns out, we'll meet here after all.” Tumingin ako sa paligid. “Saka ko lang napansin na ito pala ang silid noong una kaming nagkita. Hinawakan niya ang baba ko. “I brought a condom.” Yumuko siya ay siniil na ako ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD