CHAPTER 21

2004 Words

NAGLILINIS ako ng kuwarto ko nang pumasok ang isang katulong na si Nena. “Keppy, totoo ba ang balita na boyfriend mo pala ang panganay na anak ni Ma’am?” Nakangiti pa siya sa akin. Umiling ako. “Hanggang dito ba naman may tsismosa.” “Uy, hindi naman ako tsismosa. Gusto ko lang malaman dahil bagay kayong dalawa.” Sandali akong nag-isip. “Kung anong narinig mo bahala ka na.” Para siyang kinikiliti sa tuwa. “Nakakakilig naman kayo. Maganda ka at guwapo naman si Sir Marcus.” Mas lalo tuloy akong walang pag-asa na makaalis dito dahil kay Marcus. “Alam kong maganda ako.” “Saan mo siya nakilala?” Kumunot ang noo ko. “Huwag mong sabihin sa akin na maghahanap ka pa ng lalaki?” “Single naman ako ngayon dahil nakipaghiwalay sa akin ang asawa ko. Alam mo, tuyot na ang halaman sa hardin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD