CHAPTER 12

2900 Words
UMUWI na naman akong walang suot na panty. Feeling ko talaga kakabagin na ako dahil lagi ng nahahangin sa biyahe ang aking kipay. Hindi ko talaga alam kung bakit biglang sumusulpot si Marcus sa tuwing nasa panganib ako. Iisipin ko sana na guardian angel ko siya pero kinakan2t naman niya ako. “Miss, nandito na po tayo,” wika ng taxi driver. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang kalsada papuntang impyerno este papunta sa bahay ko. Kinuha ko ang pitaka ko at naglabas ako ng dalawang daan. “Keep the change,” sabi ko. “Salamat sa sukli mong piso,” sagot ng taxi driver. Hindi ko na lang siya pinansin, pero talagang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Pasalamat pa rin siya dahil busog ang kipay ko ngayon. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay. Hindi ko ka pinapasok ang taxi sa looban dahil bibili ako ng pandesal at pansit sa may kanto. “Magdalena, mukhang inumaga ka na ng hada,” wika ng tricycle driver. Bilang reyna ng nirereklamo sa barangay, baka kahit grade one kilala na ako sa barangay namin. “Anong pakialam mo kung inumaga ako?” inis kong sagot. “Bakit naman kasi sa malayo ka pa naghahanap ng buking marami namin dito sa malapit.” Kumunot ang noo ko. “Kung ikaw ang tinutukoy mo ‘wag na lang. Mas gugustuhin ko pang pumatol sa kabayo kaysa sa ‘yo.” “Grabe ka naman.” “Mainit ang ulo ko ‘wag mo akong kausapin baka gusto mong tawagan ko si chief?” “Ito naman nagbibiro lang ako.” “Pwes! Hindi ako nagbibiro.” Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa ihinto niya ako sa bakery. Bumili ako ng pandesal at pansit bihon sa katabi na tindahan. Naglakad na lang ako pauwi sa bahay ko. Nakita ko si Tetay sa harap ng tindahan ko. Nakasimangot siya sa akin. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya nang umalis ako kahapon para makipag-date. “Magandang araw!” sabi ko. Nakakunot ang noon niya. “Hindi maganda ang araw ko? Bakit maaga mong sinara ang tindahan mo kahapon?” Binuksan ko ang gate para makapasok kami sa loob. “Mamaya mo muna ako sermunan. Kumain muna tayo dahil may kwento ako sa iyo.” Kumuha si Tetay ng plato at nagtimpla ng kape. “Ano naman ‘yon?” Tumayo ako at tinaas ko ang palda ko. “Gaga! Wala ka naman panty. Kaninong daks ka bumukaka?” wika ni Tetay. “Sa parehong lalaki lang.” Nanlaki ang mga mata niya. “Nagkita ulit kayo?” Tumango ako tapos humigop ako ng kape. “Kay Marcus pa rin.” “Gaga ka! Kaka-s*x mo baka magkasakit ka o kaya mabuntis ka.” Ngumiti ako. “Condom is life.” Umiling si Tetay. “Hindi na talaga kita maintindihan. Akala ko ba magtitino ka na? ‘Di ba ‘yon ang pangako mo sa Lolo at Lola mo?” Biglang napawi ang ngiti ko. “Gano’n dapat ang gagawin ko pero ginulo ang buhay ko. Gusto ko lang naman kalimutan ang galit ko sa kanya kaya ako umiinom.” “Oh, nawala ba galit mo? Ilang araw ka ng umiinom ng alak. Paano kung mapahamak ka sa ginagawa mo?” “Wala ng sisirain sa buhay ko dahil matagal ng sira. Sinira ng magulang ko kaya hindi na ako takot kahit paulit-ulit na masira.” “Hindi nila sinisira ang buhay mo.” “Akala ko ba kaibigan kita bakit sila kinakampihan mo?” “Kaibigan kita kaya gusto ko rin maging maayos ang buhay mo.” “Huwag muna natin pag-usapan ang magulang ko nawawalan ako ng gana.” Bumuntong-hininga si Tetay. “Ikaw ang bahala.” Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkatapos ay naligo na ako para matulog. “Ako na ang magbubukas ng tindahan mo.” Tumingin ako kay Tetay. “Huwag mo ng buksan umuwi ka na lang baka hanapin ka ng nanay mo.” “Magda, pati ba sa akin magagalit ka? Ako na nga lang ang kakampi mo.” Huminga ako ng malalim. “Matutulog muna ako, bahala ka kung anong gawin mo.” Dumiretso ako sa kuwarto para matulog. Narinig ko ang buntong-hininga si Tetay. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan niya lang ang sarili. Wala pang limang minuto ay tumawag sa akin ang stepsister kong si Cally. Nakasimangot ako nang sagutin ko ang tawag ni Cally. “Oh, bakit?” “Magda, why did you return the money you borrowed from me?” “Naisip kong ibalik na lang para manahimik na ang nanay mo.” “Your mom too, Magda. I thought you were planning to start a business?” “Plano ko sana pero biglang nagbago ang isip ko.” “Why? Is it because of mommy? She doesn't know about the money I lent you.” “Ayoko ng umutang ng pera.” “Pero, Magda.” “Cally, galit ako sa nanay mo kaya sana huwag mo ng dagdagan. Okay na tayo ‘di ba? Tanggap ko na kayo bilang mga kapatid ko, kaya sana pabayaan mo ako sa gusto kong gawin.” “Okay, I understand.” “Sige, matutulog na ako.” Sabay putol ko ng tawag. “Tsk! Ang kukulit ng mga mag-ina na ‘to.” Nilayo ko na ang telepono ko at nagsimula na akong matulog. ALAS-SIYETE na ako nang gabi nagising. Napasarap masyado ang tulog ko dahil sa pagod at puyat na rin. Nakasuot lang ako ng pajama at walang suot na bra ng lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Napansin kong maraming pagkain sa lamesa. “Bakit may pizza at pancit?” Kaya naman bumili ni Tetay ng pansit at pizza pero hindi ganito ka mahal na pizza. Pangalan pa lang ng pizza libo na agad ang halaga. Kinutuban ako, inisip ko na agad ang magulang o mga kapatid ko ang pumunta kaya may masarap na pagkain. Agad akong pumunta sa sala. “Tetay!” tawag ko. Ngunit bigla akong napaatras nang makilala ko ang lalaking kampanteng nakaupo. Nakangiti siya sa akin nang tumayo. “Hello, Keppy!” Putang ina, bakit nandito si Marcus. “A-Anong ginagawa mo rito?” Ngumiti siya sa akin. “I've been waiting for eight hours for you to wake up.” “Tetay!” tawag ko. Agad naman lumapit sa akin si Tetay. “Bakit Mag— este Keppy!” sagot ni Tetay. “Bakit mo siya pinapasok dito?” “Ang sabi niya boyfriend ka niya.” “Naniwala ka naman?” Lumapit sa akin si Tetay at bumulong, “May pinakita siyang picture sa akin na magkatabi kayo sa kama at nakatakip ng puting kumot ang hubad nyong katawan.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. “Totoo ba ang sinabi mo.” Tumango siya. “Siya si Daks boy, nakita ko felix bakat,” bulong ni Tetay. Tumango ako. “Pero… bakit mo siya pinapasok dito?” “Anong gusto mo? Ipagkalat niya picture mo sa tsismosang kapitbahay mo?” “Ano naman? Na-tsismis na nga akong kabit ng pulis at pokpok eh. Mahihiya pa ba akong makita nila akong nakahiga sa kama,” inis sagot. Napakamot sa ulo si Tetay. “Eh… nandiyan na ‘yan. Mukhang may tama sa iyo. Kausapin mo na si Daks boy, guwapo naman at mukhang RK.” Matalim akong tumingin kay Marcus. “Sinundan mo ako ng umalis ako sa hotel room mo?” Tumango siya. “Yes, Keppy.” Tumingin siya sa paligid ng bahay ko. “You're the only one living here?” “Nandito ang kaluluwa ng Lolo at Lola ko.” “Okay.” “Ngayon alam mo na ang bahay ko kaya puwede bang umalis ka na.” “I waited for eight hours for you, and then you'll just send me home.” “Ano ba gusto mo?” Tinitigan niya ako. “Ikaw.” Napakamot ako sa ulo. “s*x na naman? Kapag ba mahaba at mataba malibog din? Kaya gusto mo araw-araw nakikipagtalik.” “You are the one I want to be with right now.” “Come here” Kumunot-noo siya. “Why?” “Basta lumapit ka sa akin.” Lumapit sa akin si Marcus. Pagkatapos kinuha ko ang isang kamay niya at tinaas ko ang damit ko saka tinapat ko ang kamay niya sa s**o ko. “Ayan, humimas ka na tapos umuwi ka na.” Nakita ko ang pamumula ng mukha niya ng alisin niya ang kamay niya. “I didn't come here for sex.” Namewang ako. “Kwento mo sa pagong. Hindi ba’t fubu nga tayo.” “I know, but I still want to get to know you more deeply.” “Ulila na ako, pariwara buhay ko. Ano pa ang gusto mong malaman sa akin?” “Keppy, umayos ka naman.” “Sinasabi ko sa iyo ang totoo. Kung ang iniisip mo na puwede mo akong maging girlfriend. Huwag ka ng umaasa dahil hindi ako ang girlfriend na puwedeng ibandera sa mga kaibigan at pamilya mo.” “I'm not looking for a girlfriend.” “Seryoso ka?” “Yes, if you want us to be fubu, that's fine with me.” “Mabuti naman kung ganon. Puwede ka ng umalis dahil ayokong makipag-s*x ngayon masakit pa kipay ko," alibi ko. “Keppy, Nandito ako hindi para yayain ka na makipag-s*x sa akin. Siguro naman maganda na maging magkaibigan tayong dalawa.” “Ayokong makipagkaibigan.” “Keppy, gusto kitang yayain kumain sa labas.” “Ayo—” “Oo, payag si Keppy!” putol ni Tetay sa sasabihin ko. Pinanlakihan ko ng tingin si Tetay. “Okay, take a shower. I’ll wait for you.” “Teka, hindi pa ako pumapayag!” “Pumayag ka na!” Hinila ako ni Tetay papunta sa banyo. “Bakit mo ba ako hinila?” tanong ko kay Tetay nang nasa harap na kami ng pinto ng banyo. “Mukha naman mabait si Marcus kaya pumayag ka na.” “Ayoko nga eh, bakit mo ba ako pinipigilan?” “Magda, maganda na rin na may iba kang makakausap para makalimutan mo ang galit mo sa magulang mo.” Huminga ako ng malalim. “Hindi ako kumbinsido sa sinabi mo pero pagbibigyan kita ngayon.” Pumasok ako sa banyo para maligo. May naisip akong gawin mamaya kapag kasama ko si Marcus. Minadali kong maligo para hindi na maghintay si Marcus. Paglabas ko ng banyo nakita ko sila ni Tetay na kumakain habang nag-uusap. “Tirahan n’yo ako ng pagkain,” sabi ko. Nakabalot lang ng puting tuwalya ang katawan ko ng umupo ako, at nagsimulang kumain. “Keppy, magbihis ka muna bago kumain,” wika ni Tetay. Hindi niya ako tinatawag na Magdalena para hindi malaman ni Marcus ang totoo kong pangalan. Alam ni Tetay na ayokong malalaman ang totoo kong pangalan ng mga lalaking nakikilala ko. “Nakita na ako ni Marcus na nakahubad kaya wala na akong dapat ikahiya sa kanya.” Nakita kong namula ang mukha ni Marcus pero binaliwala ko lang. “Pasensya ka na diyan sa kaibigan ko. Matigas talaga ang ulo niya,” wika ni Tetay. “It’s okay.” Nang mabusog ako at pumasok ako sa kuwarto para magbihis ng damit. “Umalis na tayo,” sabi ko. Tumango si Marcus at nauna ng lumabas. Mabuti na lang talaga at naka-park na loob ng bakuran namin ang sasakyan niya. Wala siyang pagtatanungan na tsismosang kapitbahay ko. Sumakay ako sa kotse at umalis na kami. “Ikaw na ang bahala kung saan mo ako dadalhin basta siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy ako,” sabi ko. “Sure.” Nilagay ko sa tainga ko ang earpod at pinikit ko ang mga mata habang nakikinig ng musika sa telepono. Nilakasan ko ang tunog para hindi ko marinig si Marcus kung sakaling nagsasalita siya. “Ay, kalabaw!” sigaw ko. Bigla akong hinalikan ni Marcus labi. Ngumiti siya. “Mabuti naman at gising ka na.” Inalis ko ang earpod ko. “Bakit mo ako hinalikan?” “Nandito na tayo.” Ngayon ko lang napansin na naka-park na ang sasakyan niya. Hindi ko napansin dahil sobrang seryoso ko sa pinakikinggan kong musika. Naunang lumabas si Marcus at pinagbukas niya ako ng pinto. “Let’s go!” Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay pabilis naman nang pabilis ang t***k. Feeling ko tuloy aatakihin ako sa puso. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant para kumain. Dinaan ko sa pagkain ang kakaibang nararamdaman ko. “May suggestion ka ba na gusto mong puntahan?” tanong niya. Umiling ako. “Wala akong alam na puntahan kung hindi bar,” sagot ko. Nagkibit-balikat siya. “Okay, ako na lang magdedesisyon kung saan tayo pupunta.” Tumango ako at nagpatuloy ako sa pagkain. Sa dami ng kinain ko ay gumastos ng twenty thousand si Marcus. Hindi na ako magtataka kung gano’n kamahal ang kinain niya dahil mamahalin talaga ang mga kinain namin. Kinabahan ako nang papalapit kami sa simbahan. “Huwag mong sabihin na magsisimba tayo?” tanong ko. “Yes, magsimba muna tayo.” “Tsk! amagsisimba muna tayo bago gumawa ng kasalanan?” “Magsisimba lang pero hindi gagawa ng kasalanan,” sagot ni Marcus. Tumahimik ako. Huling beses akong nagsimba noong thirteen-years old ako. Iyon din ang huling beses na kasama kong magsimba ang magulang ko. Simula noon nakalimutan ko ng magsimba o kahit tumawag sa Diyos. Hinila ko ang kamay ko. “Ikaw na lang ang magsimba, baka masunog ako kapag pumasok ako sa loob.” Hinawakan niya ulit ang kamay ko. “Hindi ka masusunog magdadala ako ng mineral water.” “Wow! Ang funny ng joke mo.” “Let’s go!” Wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya magsimba. Pagtapak pa lang ng paa ko sa simbahan ay parang masusunog na ako. Ikaw ba naman anak ni Satanas papasok sa simbahan. Ang nakakainis kay Marcus, talagang sa unahan kami umupo kung saan kita namin ang lahat. Tumingin sa akin si Marcus. “Nagsisimula ng mag-apoy buhok mo,” biro niya. Inirapan ko siya. “Hindi ka nakakatuwa.” Tahimik lang akong naghihintay na matapos ang misa ng simba. Wala talaga akong balak pakinggan ang sinasabi ng pari. Siguro iisipin ng iba na masamang tao ako. Well, ganon din ang pakiramdam ko. “Hindi ka nagdasal?” tanong ni Marcus nang lumabas kami ng simbahan. “Anong sasabihin ko?” “Hindi ka ba nagsisimba?” “Tsk! Kung gusto mong magpakabanal ‘wag mo akong idamay.” “Okay, iba relihiyon mo.” Hindi na lang ako umimik sa sinasabi niya. Mas maganda na rin na isipin niya na iba ang relihiyon ko para hindi ako ulit yayain magsimba. “Saan mo ako dadalhin?” tanong ko. “Uuwi na tayo sa bahay mo para matulog?” Kumunot-noo ako. “Sino nagsabi na pumapayag akong matulog ka sa bahay ko?” “Hindi ba’t fubu tayo? Huwag mong sabihin na hindi mo gustong maranasan na magtalik tayo sa loob ng kuwarto mo?” Sandali akong nag-isip. “Mukhang maganda ngayon, pero masakit pa kipay ko eh. Sinagad mo na kasi kaninang madaling araw ang natitirang patak ng puting lotion mo.” Kumunot-noo siya. "Puting lotion?" Natampal ko ang noo ko. "Ang slow mo naman. Gusto mo bulgar?" “Marcus!” Hindi na nakapagsalita si Marcus sa halip ay sabay kaming lumingon sa tumawag sa kanya. Isang magandang babae ang lumabas sa kotse at lumapit sa kanya. Tumingin sa akin ang babae. “Who are you?” Dahil hindi kami close. Hindi ko sinagot ang tanong niya. “I’m talking to you?” “Ha? Ano ‘yon?” pang-aasar ko. “Marcus, sino ba ang kasama mong babae?” “Hindi mo na kailangan malaman kung sino ang kasama ko, Cherry.” Oh, prutas pala ang pangalan niya. “Gusto kong malaman.” “I'm not obligated to tell you.” Hinawakan ni Marcus ang kamay ko at naglakad kami papunta sa naka-park niyang kotse. Pang-asar akong ngumiti nang magkasalubong kami ng tingin ni Cherry. “Bye, prutas!” sabi ko. “Son of a b***h!” sigaw niya. “Thank you!” Sabay tawa ko. Wala naman akong pakialaman kung girlfriend siya ni Marcus. Ang mahalaga ako ang kasama ngayon. “Marcus, doon na lang ulit tayo sa hotel mo matulog ngayon gabi,” sabi ko nang makasakay kami sa kotse. “Sure.” “Pagkatapos mong magkumpisal gagawa naman tayo ng kasalanan.” Pinagapang ko ang kamay ko sa dibdib niya hanggang sa dakutin ko ang alaga niya. Ilang beses na lumunok si Marcus. Hindi tuloy niya nagawa paandarin ang sasakyan niya. “Keppy…” Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. “Dapat Lilith ang pangalan ko hindi Keppy. Ako kasi ang gumagawa ng paraan para magkaroon ka ng kasalanan.” Sabay pisil ko ng alaga niya. “Oh, s**t!” Hindi siya nakapagpigil bigla niya akong sinunggaban ng halik. Tumugon ako sa kanya pero sandali lang. Ayokong sa loob kami ng kotse magtalik lalo na’t nasa harap lang namin ang simbahan. May respeto pa rin naman ako sa simbahan kahit makasalanan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD