KABANATA 2

1185 Words
Kabanata 2: Getting to Know Nakaupo lang ako sa bench habang hinihintay na lumabas ang doktor. Alam kong malubha iyong sugat ng lalaking iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na ang aking hinihintay. Tumayo ako at hinarap ang doktor. "Ikaw ba ang kasama niya?" Tanong nito sa akin. Tumango lang ako. "Maayos na siya ngayon may tinahi lang kaming sugat sa kanya. I guess isa iyong assasin sword." Napakunot ang noo ko. Assasin sword? Gosh, mukhang masa misyon nga ang gago! "Sige po, Doc. Maraming salamat." Wika ko. Tumango lang ang doktor at tumalikod na ito sa akin. Napabuntong hininga akong pumasok sa loob ng room. Medyo nagulat ako dahil gising pala ito. Tiningnan ko lang siya at bahagya itong ngumiti. Napakagwapo niya talaga, first time ko siyang makitang ngumiti, well, hindi ko naman talaga siya nakikita palagi. Ang tangos ng ilong niya at ang mga mata nito ay maitim. Napaka-perfect ng jaw line niya. "Titingnan mo lang ba ako?" Tanong niya. Nagising ako sa aking diwa. Medyo nahiya ako sa ginawa ko. Sabagay hindi namang maitatanggi na may ipagmamalaki talaga ito. "Kumusta ka na?" Tanong ko. s**t, hindi na inis ang nararamdaman ko sa kanya kundi naging concern na ito. "Medyo ayos lang ako." Sagot niya but I can feel na hindi ito, okey. Medyo maputla ang labi niya. "Ahh, magpahinga ka lang diyan." Giit ko. "Thank You." Wika nito. Gosh! Mali yata ang pagkakakilala ko sa kanya. Eh parang mabait naman pala siyang tao. But wait, hindi dapat na pakampanti sa mga lalaki! "You are Bloom, right?" Tanong niya sa akin at walang pagalinlangang nakakatitig siya sa aking magandang mukha. How come nalaman niya ang pangalan ko. Hindi ko naman ito sinabihan o sinagot kanina. And beside, hindi ako naipapakilala ni Alexa sa lalaking ito. "Si Alexa ang nagsabi sa akin." Wika niya nang mapansing naguluhan ako kung bakit niya ako kilala. Iyon naman pala. "Ahh, Oo." Tipid akong ngumiti sa lalaki. Nakakailang din pala ang ganito. Ang babaeng katulad ko ay nasanay na kasi sa mga away ay p*****n kung ayaw magpaawat! Lintek na bruhang iyon. Ano kaya ang pinagsasabi ng lukarit na iyon. "Your name is unique and it is beautiful." Compliment niya na ikinaawang ng aking labi. "Ha?" Bat ba natatamimi ako ngayon? It is my first time na may nag-compliment sa pangalan ko. Unique naman talaga ang pangalan ko. "It's a hope." Sunod nitong sabi. "Hope?" Hope ba na sigarilyo? Litsee to! Paano naging sigarilyo ang pangalan ko? "Yes, pag-asa." Tipid siyang ngumiti ngunit sapat na iyon para masilayan ko kung gaano siya ka-pogi. Infairness, hindi nakakaumay ang mukha niya. "Ahh." Napatango lang ako. May isa akong tanong na gusto kong ibato rito. Curious talaga ako sa pangalan niya. "Ano pangalan mo?" Sa wakas ay tanong ko. Puro 'ahh' at 'ha' lang kasi ang reponse ko sa kanya. "I'm Santino Flore de Sandival." Diretsa nitong sagot at ngumiti na naman siya. Nanlaki ang mga mata ko. Gosh! Anak siya ng may-ari ng Flore de Sandival. Bakit wala akong alam sa kanya. "Seryoso?" Parang napahirap paniwalaan. Wala akong nababalitaan na tungkol sa kanya. "Opo, seryoso ako." Ngumiti na naman siya. Sobrang gwapo niya talaga. Award winning ang mga agent nila roon and highly recommended pa. At dito karamihan nagpapatulong ang mga tao kasi halos lahat magagaling. Well, I'm not saying na hindi ako magaling dahil hindi belong sa kanila. Ngunit iyon talaga ang vision ng mga tao sa kanila. "Kung totoo bakit hindi kita kilala?" "Di mo ako makikilala dahil naka-mask ako sa mga public figure ko." "Ha?" Agad na nag-scan ang utak ko. Naka-mask? Hmmm. "Oh s**t! Si ikaw si Hell?" Ngumiti lang siya. So ito nga si Hell ang misteryosong agent ng Flore de Sandival. Ay, napaka-imposible naman non kung si Hell ito bakit nandito ngayon sa ospital. "You're kidding." "I'm not." "Weeh? Bakit nataga ka ng Assasin sword?" "Mahirap naman siguro talunin ang ang sampung combat fighter diba tapos may mga espada pa." Wika nito. Napa-isip ako. Oo nga ano, ngunit ano naman ang ginagawa ng mga mokong na iyon rito sa Probinsya? "Bakit dito ang misyon mo? I mean ano ang pakay nila rito?" Tanong ko. "Hindi ko pa ala, iyon ang aking aalamin." Napatitig siya sa puting dinding ng room. "Ha?" Wow naman ha. Ano yon? Pakiramdaman lang ang gamit kung may may masamang balak o wala? "Ang alam ko lang may masama silang plano rito. At ang alam ko lang ay may kayamanan itong hinahabol." May alam naman pala! Napatango lang ako. Mga inutil talagang kriminal na yon at mga magnanakaw pa. Naku kung ako lang nakalaban nila, haist, diko talaga palalagpasin. "Ikaw bakit ka nandito?" Ngayon ay ako naman ang tinatanong niya. Paulit-uli, "bakasyon po." Inirapan ko siya. Parang ayaw naman nitong maniwala. Eh, kung may masamang mg sindikato rito, edi, misyon na rin yon kahit walang signal si Maharta sa akin. "Oh yeah! Nakalimutan ko na ikaw pala ang nagligtas sa anak ng isang negosyante." "Buti alam mo." Giit ko. Napangiti lang siya. Hindi ko alam na ganito pala siya ka friendly. All of the sudden ay nawala ang inis ko rito. "Bakit nandoon si Alexa sa beach?" Bigla kong tanong sa kanya. Iwan ko ba kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. "Beach?" Kumunot ang noo niya. "Sa Camiguin." Sagot ko. Mukhang hindi nito alam. "Sabi niya sa akin ay may misyon siya but not in the beach." Malumanay na wika ni Santino. Like what Maharta said! Haliparot talaga ang babaeng 'yon! Oh s**t! Lukarit talaga ang gagang iyon kahit kailan. "Masakit pa ba mga sugat mo?" Pag-iiba ko ng usapan, mahirap na baka saan pa makarating ang usapan wala pa naman akong experience sa pagko-comfort ng mga niloloko. "Hindi na masiyado. Did you see my phone?" Tanong niya na, bwiset baka tatawagan niya si Alexa at isusumbong ako. "Hindi ko alam, baka nahulog iyon sa pakikipaglaban mo." "Oh." "Hayaan mo na iyon si Alexa baka nag-change place ang mga target." Giit ko. "Hindi naman si Alexa ang tatawagan ko, my family." "Oh? I will let you borrow my phone." Offer ko. Family oriented yata ito. "Really?" "Yupp." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at inabot ito sa kanya. Hay, ang gwapo niya talaga, ang swerte ni Alexa. ******************** Tahimk lang ako habang nakatingin kay Santino na tinatawagan ang pamilya nito. Panay expalin nito na huwag mag-alala dahil okey lang siya. Diko alam na praning ba ang pamilya niya o talagang sobra ang mga ito kapag nag-aalala. Ilang saglit pa ay natapos na itong tumawag. Mula sa aking pagkaka-upo ay tumayo ako at lumapit sa bed niya. "Mukhang concern talaga family mo saiyo." "Yupp, pasensya ka na ha. It's my mom, ganoon talaga iyon kapag napapahamak kami." "Diba isang agent mama mo?" "Yupp, but lahat may kahinaan at kami iyon." "Sabagay." Tama nga si Santino, lahat ng agent ay may kahinaan talaga. But me, hindi ko malam kung ano talaga ang kahinaan ko. Maybe darating then ang oras na madadama ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD