Kabanata 17: Dark Throne "Dad, do you know her?" Tanong ko kay Daddy na abalang-abala sa pagbabasa ng reports para sa kompanya. Sandaling huminto si Daddy at tiningnan ang picture na ipinakita ko. Napakunot ang noo ni Daddy. "Saan mo ito nakuha?" Tanong niya sa akin. "Pinatatanong sa akin ni Brix." "She is Dark Thron." "Who is she?" Bakit kaya pinapatanong ito ni Brix. Parang may kamukha siya pero hindi ko mawari kung sino. "Dating tauhan ni Rodolfo." "Rodolfo? Iyong kalaban niyo dati?" Sa pagkakaalam ko patay na si Rodolfo. Naikwento na nila ito noon sa amin. "Yes." "Saan na po si Dark Thron?" "Hindi ko alam kung saan na sila ngayon ng boyfriend niya. Siguro mag-asawa na sila ngayon." "Boyfriend? May boyfriend si Dark Thron?" Curious kong tanong. "Ang dami mong tanong, ita