Papasok ako sa Mansyon nang bigla kong makita si Jernie na mukhang galit at galing ito sa loob. Bago pa man din niya ako lampasan ay hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya sa paglalakad "What happened to you?" I asked her. Nilubayan ni Jernie ang kamay ko at nagbuntong hininga ito bago ako sagutin "I talked to her, Sinabi kong hindi na niya kakailanganing dumating sa Hearing pero nagpumilit siyang umuwi. Hindi ko siya pinayagan dahil delikado. Hindi pa natin alam kung ano koneksyon ng kamuntikan na niyang pagkakidnap sa kaso natin. She's under witness protection program diba? Hindi siya pwedeng lumabas sa bahay na ito." Galit nitong sabi. Napaisip rin ako, How long has it been since this house became Tracy's own kind of prison? Ilang araw narin siyang hindi nakapasok sa Hospit