Kabanata 3

1371 Words
Papasok na ako sa Hospital nang biglang may nahagip ang mga nata ko. It was Clara and her Friends. Batch namin Na naging Ex din ng Ex ko. Magpapatuloy pa  na sana ako sa paglalakad nang bigla kaming nagkatinginan at mukhang pagdidiskitahan na naman ako nito "Tracy. Kumusta?" Kunwari ay natutuwa Itong makita ako "Ok Lang." Pilit akong ngumiti "I heard about you and Carlo. Oh So Sad Balik Pilipinas ka na ulit.." Ani ni Clara "Carlo was not meant for you.. Tsk Ganyan talaga Tracy hanap ka na ng Iba." Napailing iling naman na sabi ni Aisha. Kinalma ko ang sarili ko at pinilit kong baliwalahin ang mga sinasabi nila "Sige Mauna na ako sainyo." Sinubukan kong lampasan sila pero naramdamab ko ang mahihpit na paghawak ni Clara sa kamay ko at pinigilan ako sa paglalakad "You deserve it right. Tignan mo nga naman ang Karma. Matapos mong inagaw si Carlo sa akin. You are so Pathetic." Pinagdiinan niya ang salitang 'Pathetic.' Hindi ako nagpasindak sa kanya at buong lakas akong kumalas sa pagkakahawak niya. "Wala akong Inagaw sayo! Hindi ba't pinagtabuyan mo rin naman si Carlo dati? At nainggit ka lang nang ako ang lapitan niya." Pagalit kong sinabi sa pagmumukha niya. Naramdaman ko ang pagusbong ng pagkainis nito at matalim akong tinitigan "Sisiguraduhin kong masesesante ka dito!" Pagbabanta naman nito sa akin  Hindi na ako nakasagot nang maglakad na sila papalayo sa akin. Ang Babaeng yun hindi pag nagbabago. Mula kasi nang maging kami ni Carlo ay Isinumpa na ako ni Clara. Maraming naiinggit sa amin ni Carlo dati. Sabi nga nila Relationship Goals daw kami. Pareho kaming Active sa University. Nursing ako habang Civil Engineering naman ang kinukuha niya noon. Hanggang sa grumaduate kami at nangupahan kami sa isang Apartment. Nag Abroad ako para makaipon ako. Ang buwan buwan kong sahod ay pinapadala ko sa kanya. Kala ko nakaipon siya pero hindi. Ang mga renta sa apartment ko ay ako pa ang nag bayad. Kaya tag hirap na ako ngayon dahil sa Iniwan niyang utang na hanggang ngayon ay binabayadan ko pa Hindi ko lubos akalahin ang ginawa ni Carlo. Ni minsan hindi ko naisip na maari niya itong gawin sa akin. Hindi na siya nagpakita. Kahit pina blotter ko naWala parin. I was supposed to be married right now. Ang mga pangarap ko ay biglang naglaho na parang isang bula. Hindi ko kailangang ibalik ni Carlo ang pera Gusto ko ng Closure Dahil hinding hindi ako makakalimot hanggat hindi kami nakapagusap Napatingin ako sa Front Desk.  kumpulan ng mga Nurse. Ano kayang ginagawa ng mga to eh oras ng trabaho Nang papalapit ako ay nakita ko si Gab Kaya naman pala Parang Sales Agent to eh. Binebenta ang mukha. Lagi nalang nangchichicks. Ang mga lalake talaga. Kahit kailan hindi nakukuntento. Puro sila Babae. Sana nagbakla nalang sila "Oist!" Palagpas na ako ng FrontDesk nang tinawag ako ng boses na yon "Kung bwubwusitin mo na naman ako pwes wala ako sa mood ngayon." Naghalukipkip ako sa kanya ng linapitan ako nito "Kailangan ko ang Statement mo. I told you di kita susukuan." He proudly said Yan Tayo eh. Pag may kailangan Nanjan "Wala pa akong Bank Statement  sa susunod na buwan pa." Sabi ko sa kanya at akmang lalakad pero hinawakan niya ako sa braso "I need you as A Witness!" Bigla siyang nagtaas ng boses. "Witness? Bakit ikakasal ka ba? Saan kanino?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Napahilamos nama. Ito sa mukha niya "Yan salita ng salita. " Naghalukipkip ako sa harapan niya Ito Si Gab. Aka The Incredible Hulk. Ang Kaibigan ng Asawa ng Kaibigan ko. Magulo ba? Bahala ka na umintindi. Pagod na akong umintindi dahil wala namang nakakintindi sa akin "Kung ayaw mo kakalad karin kita sa Agency." May kasamang pagbabanta ang boses nito. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa "Hoy, The Incredible Hulk. Hindi porket putok na putok yang mga maskels mo pwede mo na akong kaladkarin. Para malaman mo. Tapos na ang Obligasyon ko sa Pasyenteng iyon kaya naman wala na akong pake alam jan. Bahala ka nga sa buhay mo!" Masungit kong saad sa kanya Mayroon kasi kaming VIP Patient. She was confined here for six months. May sakit siya sa puso. Matagal ko rin siyang inalagaan. Kamakailan lang ay namatay siya. "Lumabas ang resulta ng Autopsy. She died because of suffocating. Ikaw ang hulinG Nurse na nag check up sa kanya nang oras na iyon. At Ikaw lang ang Alas namin." Sabi naman niya at tinuro ako "Either mag witness ka o magiging Prospect Suspect ka." Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya "I am just protecting you." "Ano bang kailangan kong gawin?" ********** "Hi Po." Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ng bati si Fatima. Ang isa sa mga VIP Patient na nakatoka sa akin. Isa siya napakagandang bata at napakabait Yung pakiramdam na kahit may malala siyang sakit ay napaka masiyahin niya. Nag iisa siyang Anak ni Mr. Fransisco. Ang Anak ng Mayor dito sa Guanzon. At napakayaman ng Pamilya nila "Hindi ba sumasakit ang mata mo kaka knit mo jan?" Tanong ko sa kanya nang mailapag ko ang kakainin niya sa side table ng kama niya "Ito lang naman kasi ang pwede Kong gawin hindi naman ako pwedeng magpagod o gumawa ng mga bagay na mapapagod ako." Bakas sa tono ng boses nito ang pagklungkot. "Kaya nga magpagaling ka. Para makaalis kana dito. Dika ba naiinip?" Sabi ko naman sa kanya habang inaayus ang pagkain niya "Siguro dito na lang ako. Wala naman po akong uuwian. Galit sa akin ang Step mother ko pati ang anak niya na step sister ko. Ang Daddy naman nagbago na mula nang namatay si Mommy. Wala namang natitira para sa akin." Napayukong saad naman niya. Para akong nakaramdam ng sakit sa dibdib. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Walang pamilya Mag Isa Ganun din naman ako. Wala naman akong pamilya at hindi ko alam kung sino ba talaga ako "Lagi akong natatakot sa napangasawa ni Daddy. Kapag nanjan siya ang bait niya pero halos isumpa niya ako kapag wala si Daddy." "Gusto ka niyang mawala siguro para masolo niya ang Daddy mo." "Hmmm. Siya rin po ang may gawa nito sa akin." Tinuro niya ang kanang Paa niya na nakabalit ng b*****e. "Gusto niya akong Patayin...." *************** "Maraming Salamat sa pagtetestigo. Malaking tulong po ito." Naglahad ng kamay si Jernie. Tama ok Jernie yata pangalan ng babaeng ito "Tatawagin ka naman sa Hearing. Sana makadalo ka." Linapitan naman ako ni Gab. "Oo. Sige Mauna na ako. " pagpaalam ko sa kanya. "Hatid na kita?" Sumabay ito sa paglabas ko kaya naman napatigil ako "Tatalon ka tapos ibababa mo ako sa Hospital? keri?" Ngumisi ako sa kanya "Oo sana. Baka kasi kapag mag commute ka matakot yung mga Tao sayo. Aakalahing may Multo eh ang tirik tirik ng araw."  "Bastos!" Kamuntikan ko na talaga siyang masapak. "Ops. Ikaw ang nauna. " Tinaas naman nito ang dalawang kamay at tumawa ng mahina. Nakakainis talaga ang lalakeng yun. Walang araw na hindi kami nagkakainisan. Para kasi yang Bakla. Pumapatol sa babae. Siya lang ang ganyan kila Rowin eh. Walang silbi ang kakisigan kung Bakla umasta. Nakakaasar yang lalakeng yang. ************* "Gab." Pagpasok ko ng Meeting Room ay sinalubong ako ni Jernie "Oh?" Tumingin ako sa kanya "Binigyan mo ba si Tracy ng Witness Protection Program?" "Hindj bakit? Kailangan ba? Hindi pa naman natin pinaalam ang witness diba Confidential naman?" Napakunot ang mga noo ko "Si Mr. Avila. Ang Body guard na First witness. Hindi na daw siya makakapunta sa hearing" Napabuntong hininga ito. May iniabot siyang papeles kaya naman tinignan ko kaagad ito "He was murdered last night. Ayon sa imbestigasyon wala naman daw siyang kaaway. Pakiramdam ko dahil ito sa Kaso. " Hinalungkat ko ang Folder. Naroon ang larawan niyang nakahandusay at may dalawang putok ng baril sa dibdib. "Malay mo hindi naman tungkol sa Kaso. Maybe Drugs Related?" "Wala siyang issue na nasangkot sa Droga. Kailan ba uli tayo nagkaroon ng ganitong kaso.. The Suspect is haunting every witness we have. Siguro tama ang hinala natin. May gustong pumatay sa anak ni Mayor. At kung totoo nga ang hula natin tungkol sa pagkamatay ni Mr. Avila. Nasa panganib ang buhay ni Tracy." ******* Unedited Thanks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD