"Gab! Lunch na!" Habang inaayos ko ang mga gamit ko dito sa desk ay pinuntahan ako ni Venice "Sige sige, May pupuntahan lang ako sa Gate." sabi ko naman at lalakad na sana ako palabas pero hinawakan niya ang kamay ko "Bakit ka pupunta sa Gate? Andito yung pagkain natin?" "I have to do a case. Basta. Sige na I will catch up." sabi ko naman sakanya at nagmadaling lumabas. Paglabas ko ay may nakita akong Nurse sa may Guardhouse. "Sir, Anjan na po pala kayo." Bati sa akin nung guard nang makalapit ako. Nilingon naman ako ng Nurse "Aha. Anjan ka na pala." Saad naman nito at iniabot sa akin ang Paperbag "Ano Ulam ko ngayon?" Sabi ko naman sa kanya at binuksan ang Paperbag "Chapsuey. Nagkarne ka kahapon. Bawal ang karne lagi.."aniya at umiling iling "Ohh. Okay..." Bigla kaming n