(Delfin POV) "Mom aalis po muna ako pupunta po ako ng mall." paalam ko sa mommy ko. "Anak bakit hindi mo isama ang Tito Alberto mo para naman makapasyal. Matagal na din na hindi nauwi ang Tito mo dito sa Pilipinas." tinanguan ko si mommy. Nalulungkot lang ako sa Tito ko kasi hinahanap niya ang kanyang mag ina. Ang kuwento ni Mommy sa akin iniwan niya ang kanyang kasintahan ng mabuntis niya ito. Dahil sa bata pa ang Tito noon naduwag na panagutan ang minamahal na kasintahan. The rest is history. "Sige po mommy para naman may kasama ako mamasyal. Puntahan ko na lang po sa bahay niya." Nagdoorbell ako sa malaking gate ng Tito ko. Ang laki ng bahay niya mayaman naman kasi si Tito. Ang alam ko naging successful na businessman siya sa Canada. Bumukas ang gate at bumungad sa akin ang katulong