Episode 5

1176 Words

(Ashley POV) Sabado ngayon kaya may pagkakataon akong gumala sa mall. May bibilhin akong mga gamit para sa school. Hindi ko kasama si Demi dahil may pupuntahan raw sila ng pinsan niya. Kaya alone lang ang peg ko ngayon. Makapunta na nga sa Rational Bookstore. Bibilhin ko ang book na kailangan namin sa English. Hanap...hanap... hanap. "Ayy!" Nadapa ako dahil natisod sa paa ng kung sino. "Naku sorry, iha. Hindi ko sinasadya." tinulungan niya akong makatayo. Napatingin ako sa nagsalita na nakapatid sa akin. Isang magandang babae. Siguro nasa mid-40's na siya. Kaganda naman nitong ale kahit may edad na siya. Mestisa yata ang babae, asul kasi ang mga mata nito. Mamula-mula pati ang kutis niya. Medyo matangkad sa akin. "Naku okay lang po. Hindi po kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD