(Liam POV) Magkayakap kami habang nakaupo sa damuhan. Dinala ko si Ashley sa paborito kong lugar. Malapit ito sa isang river. Overlooking sa bundok. Mataas ang kinalalagyan namin kaya makikita mo ang buong river. " Ang ganda dito Liam. Paano mo nalaman ang lugar na ito?" napatingin ako kay Ashley. She is very beautiful lalo kapag nakangiti. May biloy ito sa pisngi nito. Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng halik sa labi nito. Hinampas niya ako sa balikat. Namumula ang mukha nito ng tigilan ko siya sa paghalik. Napanguso ito sa akin. Napatawa ko ng mahina. Hanggang ngayon nahihiya pa din siya everytime na hinahalikan ko siya. " Ano ka ba kanina ka pa halik ng halik sa labi ko. Mamamaga na ang labi ko niyan eh." sabi nito. Napatakip pa ito sa mukha nito. Natatawa ako sa inasta niya