bc

Wife Series: His Devoted Wife

book_age18+
69
FOLLOW
1K
READ
fated
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Two months. For other people, it was not long enough. But for Rainnance Verdadero, it's like she was in jail for almost a year. Two months of trying to get out of the darkness because of the disappearance of Ghon Angeles, her husband. Two months of holding on for the possibility that he was still alive despite everything that had happened to him.

People who thought he was still alive eventually lost hope due to his long disappearance. But as his wife, Rain never let herself give up with him. In the end, Rain choose to leave to look for her husband on her own. And she finds herself in Palawan.

But she couldn't believe that she would find him there. . . with another woman. But what shocked her the most was that her husband did not know her. He was trying to push her away. He don't want to believe her. He emotionally and physically hurt her.

Despite of all those painful happenings, will she still choose to stay even if they lost their child because of him? Would she still remain as a devoted wife?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Rain, tama na ’to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa.” Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain. “Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla.” Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon. Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya. “Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?” Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. “Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!” Tumalim ang tingin ko hanggang sa hindi ko maiwasang mapahikbi dahil sa sinabi niya. “A-Ano ang gusto niyong gawin ko, Wize? Tumigil at sumuko na lang? P-Para niyong inutos sa akin na magpakamatay na lang!” Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Alam kong naiinis na siya sa ’kin pero hindi ko nagawang intindihin pa iyon. Gusto nilang tumigil ako, iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. “Kapag pinagpatuloy mo pa itong ginagawa mo ay ang anak mo ang mapapahamak. Isipin mong mahina ang kapit ng bata, Rain. Nag-iisip ka pa ba, ha?” Naitikom ko ang bibig. Napayuko ako nang sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang himasin ang tiyang may maliit ng umbok. Dalawang buwan na akong buntis at dalawang beses na rin akong dinala sa hospital dahil dinugo, masilan ang pagbubuntis ko. Masyado akong stress nitong nagdaang buwan. ‘Anak, sorry kung sobrang tigas ng ulo ng Mommy mo. Patawad kong napapabayaan na kita.’ Mariin kong ikinuyom ang mga kamay. Pinipigilan ang sariling huwag magalit lalo dahil alam kong sasabayan ni Wize ang galit ko. Hindi kami magkakaintindihan. Kapag nangyari iyon ay baka mapikon siya. Kilala ko siya, mahihirap akong kausapin siya kapag galit. Mauubos ang gamit namin sa bahay sa kakasira niya. “Anong magagawa ko kung ayaw pa ding sumuko ng puso ko? Alam ko Wize... nararamdaman kong buhay pa ang asawa ko.” Napalabi ako at pilit pinipigilan ang mapahikbi. Bahagya pa akong umiling. “T-Titigil lang ako kapag may hinarap kayong bangkay sa akin. Hangga't wala akong nakikitang bangkay ni Ghon, hindi ako titigil...hindi ako susuko.” Hindi ko lang matanggap na paulit-ulit nilang sinasabi na wala na ang asawa ko pero ni bangkay niya ay wala silang mahiharap sa akin. Ghon is my husband and I know he's still alive. At nangako ang asawa ko na bubuo kami ng pamilya, alam kong tutuparin niya iyon. Hindi ugali ni Ghon ang baliin ang pinangako nito. “Rain, maawa ka naman sa—” Pinaglapat ko ang mga labi at paulit-ulit na umiling. Pinunasan ko ang mga luha at dahan-dahang gumapang sa kama patungo sa higaan. Ayaw kong marinig ang sasabihin niya. “Kung wala kang magandang sasabihin ay mabuting umalis kana muna, Wize. Kung pagod na kayong maghanap sa kanya, ako ang gagawa.” Nahiga ako at tinalikuran siya. Hindi ko ito narinig na sumagot pa. Ngunit nakita ko ang paglagay niya ng tray sa mesang katabi ng kama. “We didn't get tired, Rain. We just starting to accept the possibility that he was dead already. At mas lalong iniisip lang din namin ang kapakanan ng anak mo. Sana ay naisip mo din ang nakakabuti sa kanya.” Napasinghap ako. Ano ang gusto niyang iparating? “Iniisip ko ang anak ko, Wize! Huwag niyo akong pagsabihan na akala niyo alam niyo na ang nararamdaman ko. Wala kayong alam.” Narinig ko ang yapak niya papalayo. “Alam namin ang nararamdaman mo, Rain. Kaya ka namin sinasabihan dahil nag-aalala kami sa'yo! Hindi na tama ang ginagawa mo sa sarili mo. Kung wala kang pakialam sa kung anong mangyari sa‘yo isipin mo ang mangyayari sa anak mo kapag nagpatuloy ka sa ginagawa mo. We can‘t risk the Angeles heir, Rain.” Bumukas at sumara ang pinto na siyang tanda na lumabas na siya ng kwarto. Lalo akong napaiyak. Ilang minuto akong patuloy na umiyak. Nilabas ang lahat ng hinagpis na nararamdaman. Nang tumunog ang cellphone ay agad kong kinuha iyon. Tumatawag si Mommy. “M-Mom? May balita na po?” Natahimik ang kabilang linya. Matagal bago siyang nagsalita. Hanggang sa narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Sa gano'n ay agad nasagot no'n ang tanong ko. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Ayos lang ba kayo ng apo ko diyan?” Ramdam kong iniiwasan niya ang tanong ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak lalo. Pakiramdam ko ay ako na lang ang lumalaban... ang hindi naniniwalang patay na siya. Kahit ang magulang ni Ghon alam kong napapagod na din sila. Na unti-unti na nilang tinatanggap na wala na talaga ang anak nila. “B-Bakit ang dali para sa inyong sumuko na lang, Ma? Para niyo na rin namang anak si Ghon, pero bakit? Lahat kayo sumusuko na,” humihikbing saad ko. Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko kaya agad ko ng pinatay ang tawag. Bumaba ako sa kama at dumeretso sa closet. Kinuha ko ang maleta at nilagay ang mga damit ko doon. If they want to stop then I'll going to continue it. Hahanapin ko ng mag-isa ang asawa ko. Pagkatapos kong ipasok ang mga damit ko ay hinila ko iyon at tinago sa ilalim ng kama ko. Hindi ko hahayaang pigilan nila ako sa gagawin ko. Hindi ko sila pipilitin kung talagang ayaw na nila. Pero ako... naniniwala pang buhay ang asawa ko. Hinintay kong makatulog si Wize bago ako nag-ayos. Siya ang naging kasama ko sa bahay ng mangyari ang trahedya. Ayaw kong umuwi sa bahay ng magulang ko dahil umaasa akong babalik siya rito sa bahay namin. I'm so sorry Wize, but I need to do this. Kailangan kong hanapin si Ghon. Ayoko nang maghintay pa ng isang buwan nang hindi nakakasama ang asawa ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako dito. Lahat nang sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin sa kanya. I can't just stay here knowing that my husband was suffering somewhere. Dahan-dahan kong hinila ang maleta ko. Bago tuluyang makaalis ay nilibot ko ang paningin sa buong lugar. I'm going to miss this for sure. Baka matagalan akong mawala. Isang sulyap pa ang ginawa ko bago ako tuluyang umalis. Sa bus ako sumakay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dahil gabi na ay kaunti lang kami ang sakay no'n. Hindi ko maiwasang mapaiyak nang maalala muli ang asawa. Hindi pa ako nagsisimula pero nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Anong gagawin ko? “Miss, ayos ka lang ba?” Isang ginang ang lumapit sa akin at tinanong ako. Pinunasan ko ang mga luha at tiningnan siya, bahagya akong yumuko nang makitang nakatitig siya. “I'm fine po! Sorry kung naistorbo kita.” Umiling ito at napasinghap. “Hindi mo ako naistorbo. Napansin ko kasing hindi ka okay kaya nilapitan kita.” “I'm okay. I need to be okay!” wala sa sariling wika ko. “Kailangan kong maging okay para sa asawa ko. Mahahanap ko siya at magiging okay ang lahat.” Hindi ko man siya tiningnan ay alam kong naaawa siya sa akin. Pero hindi. Ayokong kinaawaan ako. “I don't need your sympathy.” Wala akong pakialam kung iisipin niyang wala akong galang. Pero hindi ko kailangan ng awa niya. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero gusto kong tulungan ka. Hindi ko lang alam kung sa paanong paraan.” Napatingin ako sa kanya. Hindi sinasadyang napahawak ako sa tiyan ko. Napayuko ako at mariing nakagat ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. “Saan ba ang punta mo?” Naramdaman siguro niyang hindi ko masagot ang tanong niya kaya nagsalita siya ulit. Umiling ako. Kahit ako hindi alam kung saan pupunta. “Hindi ko alam. I just want to find my husband.” “Taga Palawan ako. Uuwi ako doon ngayon, kung gusto mo ay doon ka muna sa amin ng anak kong babae. Baka matulungan ka namin na makita ang asawa mo.” Naagaw no'n ang atensiyon ko. Pwede akong magsimula doon. Kaya bago pang magbago ang isip niya ay tumango na agad ako. Kung hindi ko siya mahanap ng ilang linggo doon ay aalis na siguro ako. Susubukan kong puntahan ang bawat Isla dito baka sakaling napadpad siya sa isa man doon. Ilang oras din ang maging byahe namin. Nakarating kami sa Palawan ng tanghali. Pinakilala sa akin ni Aling Nina ang anak niyang nag-aaral pa sa kolehiyo. Mabait silang pareho. “Lore!” Nangunot ang noo ko ng marinig ang sigaw na iyon. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang boses ngunit wala naman akong nakitang tao roon. Nasa tabing dagat kasi ako ng hapon na iyon. That voice. Kilala ko ang boses na iyon. Is he here? O baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa pagkamiss sa kanya? Bumuntonghininga ako at bumalik na lamang sa bahay na pansamantala tinitirhan. Magpapahinga na lang muna ako dahil bukas magsisimula na akong nahapin ang asawa ko. Just wait for me, honey.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook