Blurb
Sa kalaliman ng gabi— sa gitna ng ingay ng kulog at malakas na ulan. Pawisan na napabangon si Savannah habang hawak ng dibdib nito.
Napasabunot ito ng buhok matapos ma-realize na nasa pamilyar na kwarto siya at buhay siya.
"Paano nangyari ito? Paano ako nabuhay?" tanong ni Savannah habang gulong-gulo na nakatingin sa malaking salamin na nasa gilid ng kama niya.
Mula sa liwanag na gumuhit sa kalangitan. Nakita niya ang reflection niya sa salamin.
"Paanong naging 18 years old ulit ako?" tanong ni Savannah bago hinawakan ang pisngi at tiningnan ang katawan niya.
"Imposibleng maging panaginip lang iyon dahil masyado iyon detelyado para maging panaginip.
Hindi na nagawang makatulog ni Savannah ng gabing iyon kaya mas maaga siyang pumunta sa dining area. Katulad ng inaasahan nandoon ang pamilya niya. Sabay-sabay ang mga ito na kumakain.
Wala siyang imik na umupo sa upuan. Pinghanda siya ng mga katulong ng pagkain— tiningnan ni Savannah ang tatlong tao na nakaupo sa harapan ng lamesa.
Hinawakan ni Savannah ng mahigpit ang mga kubyertos at nagsimula na din kumain. Nagtatawanan ang tatlo at hindi na lang sila pinansin ni Savannah. Sanay na siya dahil noong nakaraam na buhay niya ganoon din ito lalo na at hindi iyon nakakapagtaka dahil hindi naman talaga siya parte ng pamilya.
Huli na ng nalaman ito ni Savannah. Nagawa na siyang sapilitan ibenta ng tinuring niyang pamilya sa mga Sergio.
Tahimik si Savannah hanggang sa matapos ito kumain at umalis doon. Ginala niya ang paningin sa paligid hanggang sa makarating siya sa garden.
"Manong Ruben! Mag-iingat naman kayo!"
Hindi nakagalaw si Savannah matapos makita na pati iyon ay pamilyar sa kaniya.
"Manang," ani ni Savannah na kinatingin ng mayordoma. Lumapit agad ito sa dalaga at bahagyang yumuko.
"Young lady, anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Anong year ngayon?" tanong ni Savannah na kinatakha ng mayordoma.
"February 21,2017— may problema ba young lady?" tanong ng matanda. Napatakip ng bibig si Savannah matapos makumpirma na bumalik nga ito sa nakaraan.
Savannah Meneses's POV
Bumalik ako sa sariling kwarto ko at ni-locked iyon. Napaupo ako sa ibaba ng kama habang iniisip kung anong nangyari.
"Paanong bumalik ako sa nakaraan?" tanong ko sa sarili bago niyakap ang mga tuhod at sinabunutan ang sarili ko.
"February 21, 2017. Ibig sabihin isang taon mula ngayon darating ang ang taong dapat pakakasalan ko galing sa angkan ng mga Sergio."
"Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako magpapakasal!" sigaw ko bago sinabunutan ang sarili ko matapos maalala lahat ng kawalanghiyaan na ginawa ng taong iyon sa sa akin.
Yakap ang katawan ko habang nag-iisip ng maari kong gawin para hindi ako maikasal sa hayop na iyon. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko hanggang sa may maalala ako.
Flashback
"Manong, sino itong lalaki na nasa litrato?" tanong ko kaya manong na gardener. Sa lahat ng tauhan na nasa mansyon ng mga Sergio. Ito lang ang nagtrato sa akin ng tama.
Palihim din ako na dinadalhan nito ng pagkain kapag pinagbabawal ng asawa ko na pakainin ako. Nakatingin lang ako sa malaking portrait habang nakatingin sa binatilyo na may mailap na mga mata.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking iyon dahil may something sa lalaking iyon na nakaagaw ng pansin ko.
"Kapatid iyan ni Master. Napakabuti ng batang iyan kahit pa masama ang tingin sa kaniya ng lahat ng tao dito sa mansyon. Nakakalungkot lang dahil maagang nawala si young master dahil napagtripan ito sa kalsada."
"Bata? Ilang taon siya manong?" tanong ko. Hindi maganda ang ekspresyon ng lalaking sa nasa portrait pero may something sa lalaki na nakaagaw ng interes ko.
Pamilyar din sa akin ang lalaki dahil minsan itong kinabaliwan ng kapatid kong si Selena. Una pa lang alam niya na mabait ito kahit masama ang tabas ng dila ng lalaking ito.
Ngayong naalala ko. Minsan na siya nitong niligtas at sinabihan na panget matapos ako tapunan ng jacket nang makita na punit ang uniform ko.
"20 years old. Tanda ko noon birthday niya ng araw na iyon February 22. Kinontak niya ako para sabihin na magce-celebrate siya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko siya sinundo 'non at hindi ko inaakala na masasangkot sila sa isang aksidente. Nawalan ng preno ang sinasakyang kotse ni Young master at bumangga iyon sa poste. Hindi na nakaabot sa hospital ang dalawang kaibigan ni young master pero si young master naidala pa namin siya sa hospital."
"Ngunit matapos siya madala sa hospital. Iyong mga panahon na nag-aagaw buhay siya doon wala sa mga Sergio ang pumunta," ani ng manong. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko matapos marinig iyon.
"Malala ang kondisyon ni young master at mas lumala pa iyon matapos malaman na namatay ang dalawang tao na pinakamahalaga sa kaniya. Namatay sa aksidente ang dalawang kaibigan ni young master."
Tiningnan ko ulit ang binatilyong nasa portrait. Bigla kong naisip kung buhay siya at siya talaga ang napakasalan ko. May magbabago ba sa buhay ko ngayon? Magiging iba ba siya sa hayop niyang kakambal?
Magkakasundo ba kaming dalawa kung babalakin kong baguhin ang masaklap na tadhanang nakalatag sa harap naming dalawa?
Gusto ko malaman. Kung may pagkakataon lang ako baguhin ang lahat— kung may pagkakataon lang din na mailigtas kita gusto ko magkaroon ng pagkakataon na pumili.
End of the flashback
Napatayo ako matapos ma-realize iyon. Tama! Iyong gangster na kapatid ng demonyong tagapagpamana ng mga Sergio.
Napaupo ako sa gilid ng kama matapos may ma-realize. Iisang dugo ang nanalaytay ss ugat ng magkapatid na iyon. Paano kung katulad lang din siya ni Charlie?
"Pero mas gusto ko pa din subukan. Kailangan kong baguhin ang mga mangyayari at hindi ko malalaman na may pagbabago kung pareho lang din naman na daan ang pipiliin ko," bulong ko bago nilingon ang labas ng glasswall kung saan ko nakikita ang madilim na langit.
Ngayon nakabalik na ako. Gagawin ko lahat para mabago ang future. Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin kong wala na akong pagsisihan dahil parehong daan na ang tinahak ko.
Kung wala pa din magbago at mamatay ako sa kamay ng parehong Sergio. Tatanggapin ko na iyon ng buong puso dahil pinili ko na ito. Binigyan na ako ng pagkakataon na pumili.