Nang makarating sa Impero Bar ay kumunot ang noo niya. May iba kasing nakaupo sa stool na madalas niyang upuan. Hindi niya sana papansinin ngunit namukhaan niya ang babae.
The annoying woman, sa isip niya.
Naupo siya sa stool at nag-iwan ng isang bakante sa pagitan nila ng babae. Um-order agad siya ng isang shot ng tequila bago pinanood ang dance floor.
Mayamaya ay hindi na siya nakatiis at sinilip na ang babae sa kaniyang tabi. Nagtataka kasi siya dahil hindi siya kinukulit nito ngayon. Nang matitigan ay roon niya lang napansin na nakatulala lang ito habang nilalaro ang isang baso ng tequila.
Hindi lang ‘yon, napansin niya rin ang panibagong sugat sa gilid ng mga labi nito.
Hindi ‘yon ang unang beses na napansin niyang may sugat o pasa ang dalaga. Noong unang beses niya itong makita sa cubicle ay puno rin ito ng pasa sa braso at may bukol pa sa noo. Ang buong akala niya ay dahil lang ‘yon sa kalasingan. Ngunit ngayong natitigan niya ulit ang dalaga ay napansin niyang dulot ‘yon ng pagkakasuntok.
Napabuntonghininga si Stephanie bago um-order ng panibagong alak. Dahan-dahan niya ‘yong tinulak papunta sa dalaga kaya napaangat ang tingin ng huli.
“Oh,” tanging nasambit lang nito. Tinitigan niya ang inabot na baso ni Stephanie na tila nagtataka pa. Mayamaya ay napangiti siya. “Salamat.”
Hindi nagsalita si Stephanie at hindi inalis ang tingin sa mga nagsasayaw. Ngunit sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakikita niya ang ginagawa ni Avaluan. Imbis na uminom ay nakatitig lang ito sa binigay niya.
“Ang weird, ‘no?” tanong ni Avaluan. “Kung gaano tayo kaswerte sa isang bagay, ganoon naman tayo kamalas sa iba pang bagay.”
Imbis na sumagot o magtanong ay pinili na lang ni Stephanie na makinig. Imbis na sungitan ulit ito ay nakita niya ang sariling naghihintay sa kwento ni Avaluan. Wala naman siyang ibang pupuntahan ngayon kumpara noong nakaraan. Wala namang masama kung makikinig siya ngayon bilang pampalipas ng oras.
“Sobrang swerte ko sa mga pinsan ko,” pagpapatuloy nito. “Palagi silang nandiyan para sa ‘kin. Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, nandiyan sila sa tabi ko. Sa tuwing may nangyayari sa ‘king hindi maganda, to the rescue agad sila.”
Napangiti si Avaluan. “Sa tuwing nakikita ko silang nagagalit para sa ‘kin, natutuwa ako. Pero hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon o ano. Ayokong kamuhian nila ang isang tao dahil sa ‘kin. For me, ang pinaka-worst na pakiramdam ay ‘yong may kinamumuhian kang tao. Why hate on someone? Bakit hindi na lang natin intindihin ang bawat isa? Lahat naman tayo ay may pinagdaraanan, ah?”
Saglit silang natahimik nang magsalita ulit si Avaluan. “Ikaw? Dumating na ba sa puntong may kinamuhian ka?”
Hindi agad sumagot si Stephanie. Ang buong akala ni Avaluan ay dededmahin siya ulit nito. Ngunit mayamaya ay nagsalita na rin siya.
“Hindi pa ako dumarating sa punto na may kinamumuhian akong isang tao. May mga kinaiinisan ako, oo, pero masyadong malalim ang salitang ‘muhi’ para sa ‘kin.”
Napangiti si Avaluan. “Protect that, then. Huwag mong hayaan na maramdaman mo ‘yon sa isang tao. You don’t want to feel that towards someone else.”
Doon na napatingin ng tingin si Stephanie sa dalaga. Lahat ng tanong nito kanina ay para bang sumalungat sa huli nitong sinabi.
Bakit pakiramdam ni Stephanie ay may kinamumuhian din ito? Iba ang tunog ng mga salitang ‘yon sa kaniya. Para bang sinasabi ni Avaluan sa kaniyang sarili ang mga katagang ‘yon, at hindi sa kaniya.
Ngunit imbis na magtanong, tumayo na siya mula sa stool. Masyado na siyang nagtatagal sa lugar na ‘yon. Nakararamdam na siya ng kaginhawaan habang kausap ang dalaga. Wala siyang oras para doon.
Bago siya umalis ay muli niyang hinarap si Avaluan. “Do you know why hating is the worst feeling?” tanong ni Stephanie. “Because you can’t really hate someone if you don’t love them. Just a stranger’s advice, if that love is hurting you to the point where it’s already toxic, just give up. It’s not worth it.”
Nilapag ni Stephanie ang kaniyang baso sa counter bago naglakad paalis. Hindi na niya nilingon pa si Avaluan.
Naiwan naman si Avaluan na iniisip ang mga katagang iniwan sa kaniya ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay gusto niyang maiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya pero pinigilan niya ang sarili.
Nangako siyang magpapakatatag para sa kaniyang ina. At naniniwala siyang ang pag-iyak ay isang tanda ng kahinaan.
Tinungga niya ang isang baso ng tequila upang mawala kahit papaano ang bigat sa kaniyang dibdib. Ilang minuto pa siyang nanatili roon hanggang sa mapagpasyahan niyang umuwi.
Wala sa sariling napangiti siya. “Magaling naman pala siya magbigay ng advice,” pagtukoy niya kay Stephanie. “Masungit lang talaga.”
*
Nang makarating sa bahay si Stephanie ay nagbihis agad siya upang gawin ang daily routine niya. Matapos takbuhin ang buong lugar ay nagbabad siya sa kaniyang bathtub habang pinaplano ang magiging hakbang niya sa kasalukuyang misyon.
Ayon sa impormasyon na binigay sa kaniya ni Froilan, ang kaniyang hacker, mahirap pumasok sa security base ng kalaban. Dahil doon, mahihirapan din silang alamin kung sino nga ba ang nasa likod ng pagbebenta ng mga ilegal na bagay sa teritoryo ng kanilang boss.
Ang tanging naiisip niya lang na paraan ay ang derektang tanungin ang mga tauhan nito. Ngunit gaya ng nangyari kanina ay masyadong loyal ang mga ‘to. Bago pa man sila mahuli kanina ay kinagat na ng mga ito ang sui.cide p!lls upang hindi na makakanta pa.
Maswerte na sila sa huling lalaki na nagawa pa nilang pigilan, ngunit kahit anong gawin nila ay hindi ito nagsasalita.
“They’re loyal and stupid,” bulong ni Stephanie sa kaniyang sarili habang nilalaro ang mga bula. “They knew they’d be interrogated to dea.th that’s why they prepared to k!ll themselves when the need arises.”
Napabuntonghininga siya. She really hates loyal people, lalo na ang mga taong handang mama.tay para sa ibang tao.
Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa headquarters. Matapos ang naging pagninilay niya kagabi ay nakaisip siya ng plano na maaari nilang gawin para malaman kung sino ang boss na kanilang kaharap. Maaari itong maging matagumpay, ngunit malaki pa rin ang posibilidad na hindi.
“What’s up?” masiglang bati sa kaniya ni Wyeth. “You called so early. Akala ko pa naman ay magkakaroon ako ng oras para makapagpahinga ngayong araw.”
“You’re so loud,” angal ni Stephanie sabay hilot sa kaniyang sentido. “Can you tone it down every morning? Masyado kang maraming energy. Kung ginagamit mo ‘yang tuwing may misyon tayo ay matutuwa pa ako sa ‘yo.”
“Oh, come on! I don’t want to be like the HQ, serious and boring.”
Tumaas ang kilay ni Stephanie. “Are you telling me that my HQ is serious and boring?”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Hindi ba? Just look around you.” Minuwestra nito ang office ni Stephanie. “Walang kabuhay-buhay ang lugar na ‘to kaya magpasalamat ka sa ‘kin dahil binibigyan ko ‘to ng kulay.”
“Do you even know what a minimalist design is?”
Tumango ito. “Yeah. Short for serious and boring design.”
Napairap na lang si Stephanie at hindi na nakipagtalo pa. Magkaiba sila ng taste pagdating sa design at wala siyang oras para makipagdebate rito.
“Back to business,” ani Stephanie. “I have a plan for our next mission.”
Sumeryoso si Wyeth at naupo sa isang bakanteng silya. “Spill.”
“For our next raid, we’ll do the same as usual. Surprise atta-ck, and el!minate some of them. Pero this time, pakakawalan natin ang isa sa kanila.” Inabot niya ang kaniyang ballpen at nilaro ‘yon sa mga kamay niya. “We’ll track that person, and monitor his moves.”
“But that’ll be hard,” ani niya. “Tiyak na magtataka sila kung mayroon tayong patatakasin matapos ang mga nauna nating raid.”
“That’s the hardest and most challenging part. Kailangan nating planuhing mabuti kung paano natin siya patatakasin. We have to make it believable. Mayroon tayo hanggang mamayang hapon para magplano.”
Tumango si Wyeth at doon sila nagsimulang magplano. Hiningi rin nila ang opinyon ng kanilang hacker na siyang tutulong din sa mismong misyon.