Chapter 4

760 Words
Isang suntok ang natanggap ng lalaki mula kay Stephanie nang tumawa ito. Ngunit imbis na indahin ang ginawa ng dalaga ay mas lalo pa siyang natawa. Dahil doon ay ilang suntok at sipa pa ang natanggap niya. Napahilata ito sa sahig nang itulak ni Stephanie. Napaubo na siya ng dugo at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at mga pasa. Hindi na rin siya makahinga nang maayos dahil sa barado nitong ilong kung saan umaagos ang dugo. Bahagyang lumayo si Stephanie habang pinapakalma ang sarili. Halos tatlong oras na silang naroon ngunit wala pa rin silang makuha galing sa lalaki. May ilan ding mga lalaki ang nakahilata sa saihg malapit sa kinatatayuan niya ngunit mga wala na itong buhay. Napabuntonghininga si Wyeth at siya na ang lumapit sa lalaki upang kausapin ito. “Uulitin ko, sino ang boss niyo?” Sinubukang ibuka ng lalaki ang kaniyang isang mata. “U-Uulitin ko rin, wala akong alam.” Pilit na ngumiti si Wyeth bago tumayo. At sa kaniyang pagtayo ay ang malakas niyang pagtapak sa dibdib ng lalaki nang tatlong beses. Muling napaubo ang nakahilatang lalaki. Sinubukan pa niyang iangat ang mga braso upang harangan ang sarili ngunit pati ang mga ‘yon ay bali na rin. Miuling naupo si Wyeth at sinabi, “Alam mong hindi ka makakaalis dito kapag hindi mo sinagot ang tanong ko. Hindi mo na rin magagawang pat.ayin ang sarili mo dahil nakuha na namin ang sui.cide pill sa bibig mo. We’re trained to do this, you know. At wala kaming sinasanto.” “Alam kong trained kayo. Pero gaya niyo, we’re also trained to do this. Hindi mo ako mapapakanta kahit anong—” Bago pa man niya maituloy ang kaniyang sinasabi ay isang putok ng bar.il na ang umalingawngaw sa loob ng abandunadong gusali. Napapikit si Wyeth nang tumalansik sa mukha niya ang dugo ng lalaki. Nang tingnan niya ito ay hindi na ito nagsasalita pa at hindi na rin humihinga. May maliit na butas na rin ang kaniyang noo kung saan tumagos ang bala ng bar.il ni Stephanie. “Hindi mo naman hinintay matapos,” ani Wyeth. Tumayo siya habang pinapagpag ang pantalon na nadumihan. “Baka naman madulas siya at mabigyan tayo ng clue. Kung magpapatuloy ‘to, baka wala tayong makuhang impormasyon.” “Sa tingin mo ba kakanta ‘yan? Tatlong oras na tayong nandito. Nasasayang lang ang oras natin. Eh kung umalis na tayo at magpunta sa ibang lugar para mag-imbestiga, mas may mapapala pa tayo.” Nagkibit-balikat si Wyeth. “Masyadong loyal ‘tong mga asong ‘to. Alam nilang cornered na sila kaya mga nagsu-icide na. I wonder who their boss is. Ang galing niya sigurong mambola kaya ganito ang mga tauhan niya.” “They’re probably a lost cause. Kilala ko ang isa sa kanila. He’s supposed to be in jail for a lifetime imprisonm-ent. The boss probably gave them another chance to live outside.” Napatango si Wyeth. “Mas mainam nang gawin ang bagay na ayaw kaysa makulong habang buhay. Nice.” Nagsimula na silang maglakad paalis matapos dumating ng mga cleaner. “Ano nang plano mo ngayon?” tanong ni Wyeth pagkaupo sa driver’s seat. Binuhay niya ang makina at nagsimulang magmaneho. “Going to Impero. You?” Napatingin si Wyeth sa kaniya upang tingnan kung seryoso ito. “I’m not really talking about that, but yeah, I’m going home.” Hindi nagsalita si Stephanie. Alam niyang ang misyon ang tinutukoy nito, ngunit sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang gagawin. Ilang araw na silang nag-iimbestiga pero wala pa rin silang kahit anong clue na nakukuha. Alam niyang masyado pang maaga para sumuko, pero mahalaga ang misyong ‘to sa kaniya. Mahalaga ang oras. Kailangan niyang pag-isipan ang mga magiging hakbang niya dahil isang pagkakamali lang ay pwedeng mawala sa kaniya ang lahat. Bata pa lang, ito na ang buhay niya. Maaga siyang minulat ng mga magulang sa mundo ng mga maf!a. Noong bata siya, imbis na lapis ang una niyang damputin sa kaniyang unang kaarawan ay kutsilyo ang kinuha niya. Isang bread knife lang iyon, pero dahil doon ay nagsimulang mapansin ng mga magulang niya ang hilig nito sa kahit anong patungkol sa maf!a. Magmula noon, palagi na siyang sinasama ng mga magulang sa headquarters. Nakita na lang niya ang sarili na kinahihiligan ang mga kutsi.lyo at bari.l imbis na mga laruan. Naging buong buhay niya ang organisasyon. Kaya naman gagawin niya ang lahat para magtagumpay sa binigay sa kaniyang misyon. She won’t tolerate any failure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD