Chapter Three

2656 Words
Mga Dear Readers pag pasensyahan nyu na po kung maraming errors at wrong grammar, sa story nato. Matagal-tagal na din po akong napahinto sa pag gawa ng stories.. Sa ngyon po ay mag a update na po ako isang linggo dalawang chapter po ang gagawin ko.. salamat po and happy reading ;) = Querima POV =     Alas Dos na ng umaga ng matapos ang party at isa isang nag siuwian ang aking mga bisita. Si Star at Kween Vee ay tulog na si Katty naman ay may kausap sa cellphone na panay hagikhik. Si Ash naman ay kakalabas lang sa CR na naka two piece lang habang pinapatuyo ang kanyang buhok.. Kaya na patayo na rin ako sa aking higaan at isa isa kong hinubad ang aking mga damit.. Hanggang sa dalawang saplot na lamang ang natira sa aking katawan. Dumerecho agad ako sa CR at nag Hot bath na rin.. subrang na kakarelax ang ganoon.. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali dahil doon sa lalaking nakita ko sa party kanina.. mukha talaga syang familiar sa akin.. At ang malaking tanog bakit parang may nawawala o missing piece ang memorya ko...    Palabas na ako ng CR ng tumili ng pagkalakas si Katty... kaya na pa takip kaming pareho ni Ash ng tenga at sina Kween Vee at Star naman ay napabalikwas na rin ng bangon.    Girls! may boy friend na ako... masayang sabi nya sa amin... Si Ash ay nakatingin sa akin sina Kween Vee naman at Star ay magkasabay na kinong-grats sya at bumalik sa kani kanilang higaan sa sahig...      So niyakap na lang namin ni Ash si Katty bilang pag bati namin sa kanya... kailan namin sya ma me-meet ? tanong ni ash sa kanya...  "soon girls"... soon sagot nya sa amin.. ''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''   = SOBREVAL ACADEMY =      Girls!!! "Next week na ang field trip natin sa Siquijor" tili ni Katty sa amin habang nakaupo sa isa sa mga bench ng school doon sa oval.. Biyernes kasi ngayon ang subject namin ay Physical Education. Si star naka upo katabi sa bench, nag re retouchng make up nya sa mukha. Si Kween Vee naman sa hindi kalayuan sa amin ay nag t-train ng martial arts sa mga Junior student sa school. Si Ash naman ay naka upo sa ilalim ng punong acasia malapit sa bench kung saan naka upo kami ni Star, gaya ng dati nag babasa sya ng aklat. Ako, eto nag pupunas ng sariling pawis kakatapos lang kasi ng P.E namin.    Napatingin muli ako kay Star, sa ngayon ay nagsusuklay na sya ng kanyang buhok at itatali ito into a bun. Kaka transfer nya lang noon sa Singapore, pero ngayon,ewan ko ba, transfer sya ulit dito pabalik sa Sobreval Academy. Hindi namin alam ang rason, hinihintay lang namin sya kung kailan nya balak e share sa amin kung bakit pina uwi ka agad sya ng Daddy nya na kaka upo palang bilang Mayor ng aming bayan. Siya ang President ng aming paaralan, Beauty Queen din po sya.. Gifted no? Beauty and Brain ang loka!    naputol ang pag mumuni muni ko ng tapikin ako sa balikat ni Katty.. Uyy... walang namamansin ah, narinig nyu ba ang sabi ko? kayo naman oh, hahanap pa ako ng tamang timing, huwag kayong mag aalala ipapakilala ko sa inyo ang aking nobyo.   Ano kaba, hindi naman ang tungkol doon eh, yung sa akin lang ay balita na sa buong ampus ang paglilipat daw ng ibang school si Mrs. Daria. At may chismis pa na may bagong may ari na daw ang Sobreval Campus, sabay tingin ko kay Ash.. kaya na patingin na rin sya sa akin..     " ANO"!? sigaw nilang tatlo, ( Kween Vee, Katty At Star ) "Ibigsabihin nag hihirap na kayo Ash? biglang na patakbo si Katty kay Ash at niyakap ito. " Bakit? Paano? at Sino ang bagong may ari? Sunodsunod na tanong naman no Kween Vee.. "Ash, sana sinabi mo kay Daddy, hindi pwedeng sa iba mapunta ang school lalong lalo na kung hibdi natin ka dugo, pwera lang kun..... sabi ni Star habang hawak ang kanyang baba.   Ano ba kayo, 'wag nga kayong praning diyan, mabuti sila alam nila na may bagong may ari na ang school, samantalang ako walang ka alam alam, doncha worry girls, itatanong ko iyan kay Lola pag uwi ko sa bahay.      = Fast Forward =         Lunes ngayon, at kakatapos lang ng flag ceremony namin, ilang araw nalang ay fieldtrip na namin.. Maya maya ay nag salita na ang aking kapatid hawak ay mikropono siya kasi ang MC . Ibinigay nya agad ang Mikropono sa aming Principal. At tama nga ang chismis, lilipat ng ibang school si Mrs. Daria. Ayon sa kanyang sinasabi ay bago daw sya aalis ay ipapakilala nya amin ang bagong principal ng School. Nakita kong nag kamot ng ulo si Ash, at tinapik ko sya sa braso.   Kilala mo na ba ang bagong Principal? tanong ko sa kanya.. " hindi pa, pero ayon doon sa assisstant ng Lola, ay Gwapo daw ang bagong pricipal.. sabi neto. "What!? lalaki ang principal natin? g-gwapo? (wait... why am stattering? tanong ko sa sarili) Hey! bakit na uutal ka diyan? taas kilay na tanong sa akin ni  Ash, kaya kinurot ko ang kanyang tagiliran. Hoy! hindi ako marunong mag landi ano... sabay kong tawa sa kanya..` " Uy! wala naman akong sinabi ah..." sagot naman ni Ash maya-maya pa ay nag ring na ang bell, ibig sabihin papasok na kami sa aming classroom. Pag pasok namin sa classroom ay agad na nagtanong ang mga kaklase namin kay Ash, kung kilala ba ni Ash ang bagong principal, at na pag chi-chismisan na din na Lalaki at gwapo ito.. Mrami ang sunod sunod na mga tanong nila.        Ang tanging na isagot lamang ni Ash,... Hintayin nalang natin sa biyernes ang announcement, kahit ako po ay walang ideya, kung lalaki ba o babae, pag sisinungaling ni Ash, sa mga kaklase namin , para ma tapos na ang mga pag tatnong nila.        Lumipas ang mga araw, kay kabilis lang... Huwebes na tayo ngayon, bulong ko sa sarili.  Nakahiga lang ako buong mag damag sa aking kama, hindi ko ma intindihan ang aking nararamdaman ko ngayon, para kasi akong naiinitan, ewan!. Wala kaming pasok ngayon at bukas kasi nag hahanda kami para sa sabado, dahil Fieldtrip na namin. At bukas naman ay mag papadispidida paty sa school ang aming pinakamamahal na Principal..     Querimaj! tawag sa akin ni yaya... tumawag sina Ash, sa telepono pina pa remind sayo na mamaya daw mga alas singko ng hapon ang meeting nyu doon parin sa Bar. Kaya na pa balikwas ako ng bangon!    Oo nga pala, mag pa plano kami kung ano ang i so-supresa namin kay Mrs. Daria!, chineck ko ang phone ko.. sh*t,  ang daming missed call, puro lahat kay Ash ang nasa screen ng phone ko. Tinignan ko ang oras, omg! alas kwatro y medya na! Dali dali akong pumasok sa CR, naligo at nag bihis lang ng simpleng damit. Mag papahatid nalamang ako sa driver ni mommy, wala kasi akong ganang mag drive ng motor ko. Kasi naiinitan ako ewan, ngayon araw parang hindi ko na mabilang kung ilang beses akong naligo simula nung alas tres ng madaling araw.     Naka long neck sleevless dress ako, above the knee sya, hapit na hapit sa aking katawan ang aking kulay skin tone na suot. at naka jelly shoes lang ako, ganun lang ka simple. Muli kong tingnan ang aking sarili sa salamin. Kahit ako ay nag taka na rin, all black kasi ako kung mag suot. Ang mga damit na kagaya neto ay isa sa mga binili ni Mommy sa akin, na ngayon ko lamang na suot.   Kinuha ko ang aking bag sa kama at ako'y aalis na dahil late na po ako sa amig usapan. Pababa na ako ng aking kwarto ng madaanan ko sa kitchen sina Mommy at yaya Auring.. Lumapit ako sa kanila at nag paalam kay mommy na mag papahatid ako sa kanyang driver sa bar kung saan ang aming meeting place.    Habang binabaybay namin ang daan papuntang Ash Bar, hay... eto na naman nakaramdam nanaman ako ng pag iinit ng aking mga katawan.. Manong Redjie, pakisuya nga ng aircon lakasan nyu po, subrang init po kasi eh.. " ay Seniorita, naka Full Volume na po eh eh, sabay kamot nya sa kanyang batok.. " Ah, ganoon po ba?" ang tanging sabi ko... Ang sarap siguro manirahan sa Alaska at mag pagulong gulong doon sa snow... Napangiti ako sa aking naiisip. MAya maya pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon.. Nakababa na ako ng kotse ni Mom, ng batiin ako ng isa sa mga bouncer doon. Ngiti lamang ang aking iginawad sa kanila.. Lummingon ako kay manong Redjie, Nagpaalam na din sya, mamayang mga alas deis o alas onse ng gabi ay susunduin nya ako uli dito.... pumasok nako sa loob, marami na ang mga tao roon. Marami ang nag sasayawan sa gitna ng dance floor.. Ramdam ko muli ang init na bumabalot sa aking katawan.. May dumaang waiter sa harapan ko, may dalang tray ng inumin, kumuha ako ng isang baso para maibsan man lang ang aking nararamdaman ngayon... Inisang lagok ko iyon.. Habang hawak ang baso ay, umakyat na ako pa puntang VIP room kun saan kami mag me meeting nina na Ash, Ang VIP room ay gawa sa glass, at tinted iyon. Nang makarating na ako sa itaas ay, pinag buksan ako ng pintuan doon ng isa sa mga waiter nina Ash, Pag pasok ko ay, muling isinara nung waiter ang pintuan, hindi paako nakakaupo ay, itong Si Kween Vee ay, pinag sesermonan na ako, malamang eh late kaya ako ng thirty minutes. Kaya ginawa ko ay tinakpan ko ang dalawang tenag ko at lumakad papunta palapit sa kinauupuan ni Katty... Habang nag dadadak si Kween Vee Ay, inilibot ko ang aking mga tingin, si Katty ay, nakangiti parang timang habang hawak ang cp nya. Si Star naman ay may mga hawak na mga papel ang mag kabilang kamay, Si Ash naman ay, naka taas ang isnag kilay, lumapit sa akin at hinawakan ang aking nuo at leeg.. Napatigil ang lahat sa ginawa ni  Ash... Tinaasan ko na din sya ng kilay.. "Hey! What are you doing? tanong ko sa kanya.. " Ano ag na kain mo at nag iba yata ang taste mo sa pananamit...tanong ni ash sa akin.. Si Kween Vee ay ganoon din ang ginawa hinawakan nya din ang leeg ko at ang nuo ko..."Girl, you're Hot" sabi ni Kween Vee sa akin.. Sininat din ako nina Star at Katty,.. Hala, Bakit ang taas naman ng lagnat mo... Pag alalang tanong ni Katty sa akin... " Hello okay lang ako.. " sabi ko sa kanila. " Masama pala ang pakiramdam mo eh, sana nag message ka nalang o tumawag, para makapagpahinga ka pa. " Girls Im okay, promise kanina lang ito eh, naiinitan ako, yun lang.. Ma iba tayo ng usapan ano na ba ang plano natin para bukas, tanong ko sa kanila... napatingin lang sila sa akin. " Sa ngayon ang school gym ay inaayos na ng team ni Kween Vee, sabi ni Star.. habang hawak parin ang mga papel sa mag kabilang kamay. tapos Si Katty naman, ay ang team nya o ang mga tao nta ang mag po provide sa mga pagkain na hahandain para bukas ng gabi, dinner iyon. Ako naman ay, mag po provide ako ng mga "gowns at tuxedo na susuutin ng mga teachers para bukas ng gabi.. so kayo ni Ash ang mag ka team.. sabay tingin sa aming dalawa ni Ash.. " Ikaw na nag mag pumi;it kay Ash sabay tingin s aakin pero ang kanyang hintuturo ay naka turo sa kinauupuan ni Ash. Timing kasi ang banda ng Ash Bar ang mag pe-perform bukas sayang ngalang walang vocalist kundi kayo na lang ni Ash, at hindi na kayo makakahabol pa ng Audition na yan! sabay tingin kay Ash... Tumingin ako kay Ash, napangiti ako, while she roll her eyes... Maganda naman kasi ng boses nya kaso nga lang ay, ayaw nyang kumnta, ang gulo naman kasi nya... So tapos na ang meeting lets go na mga girls yaya ni Katty sa amin.. At lumapit sa akin si Kween Vee. Hinila nya ang aking kamay kaya na pa tayo na rin ako..Lumabas kami ng VIP room at bumaba na ng hagdan.. Agad namn hinilang muli ni Kween Vee ang aking kamay at pumagitna kami dancefloor at nag sasayaw..Maya maya pa ay sumunod na sa min sina Star Katty at Ash sa dance floor.. Ang ganda ng mga musika, kaya na pa sayaw kaming lima..Maraming lalake ang naka palibot sa amin, nakikisayaw na rin.. Si Star nag pa giligiling, habang hawak sa kamay ang bote ng beer. Masaya kaming nag sasayawan ng may biglang may humatak sa aking kamay, kaya na payakap ako sa kanya.. Sumasayaw din sya sa harapan ko ng dirty dance, pinag masdan ko ang kanyang mukha, teka mukhang familiar ang estranghero na ito ah...  nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa aking bewang at ang kanyang mga kamay ay pababa hanggang doon sa aking butt. Pinag masdan ko muli sya ang kanyang maamong mga mata, ang kanyang matangos na ilong.. ang maninipis nya mga labi na kasing kulay ng rosas.. Gwapo naman netong lalakeng to! "W-wait anong sinabi ko!?" Lumaki ang mga mata ko ng pisilin nya ang isang pisngi ng pwet ko! Kaya sa gulat ay agad ko syang sinampal.. Maya maya pa ay naka agaw pansin na kaming dalawa, bigla nyang tinakpan ang aking bibig, may naamoy akong kakaiba sa kanyang kamay.. Nadahilan ng aking pag hilo. Sumisigaw ako pero bakit parang hindi ko man lang marininig ang aking boses, napaka lakas ng musika at ang madilim na dancefloor napapalibutan ng ibat ibang kulay. nakita ako ni Katty, kaya nag dial sya ng number sa kanyang cellphone.. umalis din sya sa dance floor, at sinundan ako... tinignan ko muli ang estranghero, at at nakita ko ang pag iba ng kulay ng kanyang mga mata.. kulay neon bue iyon. Maya maya ay nasa labas na kami, inalalayan nya akong lumakad pa puntang parking lot.. narinig ko ang boses ni Katty sa aming likuran.. Itinaas ko ang aking ulo..Umiikot ang aking paningin...Sh*t may drugs yatang inilagay sa kamay ang lalake ito nung takpan nya ang aking bibig.! kaya nag ipon ako ng lakas, malapit na kami sa parking lot kung saan naka park ang kanyang Sportscar! Aba't anong tingin ng lalaki neto sa akin? kaladkarin? Humarap ako sa kanya at humawak ako sa kanyang batok... " aakitin ko muna sya bago makawala sa kanya".. iyon ang tanging naiisip kong paraan. Mayamaya pa ay itinaas nya ang kaliwang kamay nya at hinaplos nya ang aking pisngi, habang ang isa pa nyang kamay ay hawak ang aking batok.. Nakaramdam ako ng kakaiba..sh*t! Mas lalong uminit ang aking pakiramdam, naging triple iyon kanina.. lalo pa ng dumapi ang kanyang palad sa aking lokod. Malaya nyang nilakbay ang wala kong saplot na likod. "thanks for this kind of dress"...  bulong nyang sabi sa akin.  Umatras ako ng bahagya sa kanya at tinuhod ko ng pag kalakas lakas ang kanyang bandang ibaba. Napaluhod sya sa sakit.. You brat! Come back here! sigaw ng lalake sa akin. malapit na ako kay Katty ng bigla nya muli akong hinawakan sa kamay, binuhat nya ako na parang isang sako ng bigas! Pinag susuntok sya ni Katty pinag kakalmot.. "Let her go! sigaw pa ni Katty, Help! Somebody help us! Sigaw ng Tulong ni katty sa madilim na daan... Nasaan ba kasi ang mga bouncer ng bar.. tanong ko sa sarili.. " Don't bother them na tutulog na sila.. " sagot saakin netong lalakeng nag bubuhat sa akin.. "OH! mind reader ka pala, sagot ng isip ko sa kanya...`napatawa nalang sya sa aking isinagot. " Behave and sleep.."  ito ang huling sinabi nya bago ako nawalan ng ng malay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD