Yugto Writing Contest - Girl Power
"Iyan lang ba talaga ang tingin mo sa akin?" tanong ko sa kaniya habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.
"You are just my trophy wife. Deal with it," walang emosyong sagot ni Marty sa akin. "I bought you, so play the role well like what you normally do."
Napaupo ako sa kama habang nakamasid sa asawa kong palabas ng silid. Isa akong sikat sa mundo ng showbiz na sinalo ng bilyonaryong ito mula sa isang malaking eskandalong hindi ko naman ginawa. Naipit lang ako sa sitwasyon.
"Nahihirapan na ako," sambit ko. Minahal ko siya sa kabila ng pagtrato niya sa akin, pero bato ang puso niya. Basahan ang trato niya sa akin.