PARA akong nakalutang sa alapaap nang marinig ko ang sinabi ni Jacob. Hindi lang isang beses niyang sinabi ang salitang "Mahal kita" sa halip ay paulit-ulit niya itong sinasabi sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niya akong bitawan. Hindi ako uminom ng alak ngunit tila malalasing ako sa amoy ni Jacob, lalo ng siniil niya ako ng halik. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka sinampay ko ang kamay ko sa kanyang leeg habang tumutugon ako sa mapusok niyang halik. Nalasahan ko ang alak na ininom niya ngunit imbes na masuka ako o madiri ay nakadagdag pa ito ng init ng aking katawan. Mas naging masarap ang lasa ng halik niya ngayon kumpara sa mga una naming halik. Marahil ay dahil sa alam naming mahal namin ang isa't-isa. "Laura… I love you," bulong niya sa tuwing humih