AMELIA'S POV: HALOS dalawang araw akong nagtiis na hindi gumimik kung saan-sana para lang paghandaan ang kasal namin ni Ferdinand. Sa wakas magiging Mrs Amelia Cruz na ako at hindi na ako aasa sa kayamanan ni daddy Alfredo dahil mayaman ang pamilya ni Ferdinand. Dahan-dahan kong sinuklay ang buhok. Isang linggo pa lang itong ni-rebound kaya sobrang lambot at kintab. "Siguradong maiinggit sa akin si Laura dahil ako ang pinakasalan ni Ferdinand. Ngumiti ako. "Sorry ka na lang Laura, pero kayamanan mo lang ang kaya mong kunin at hindi si Ferdinand," bulong ko. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Atasha at mommy. "Ang ganda sa hotel na 'to halatang mayayaman ang kayang maka-afford ng ganito." "Huwag kayong mag-alala mommy, dahil simula ngayon at babalik na ulit tayo sa pagig