Chapter 21 - You're Mine Too *Milo's P.O.V.* Ikalabing apat ng Oktubre Ito ang araw na pinakahihintay ko. Sembreak na! Wushu!! Excited na excited na ako sa bonding trip namin ni kuya Marvin sa Manila. First time ko kasing maranasan yung may kapatid kang kasama, alam nyo naman past ko di ba. Atsapa, bagong kuya Marvin ang kasama ko. And I'm grateful about that. Anyway, 3 weeks ago, inaya ako ni kuya at nakapagdesisyon na akong sumama. Nakakalungkot man na di pwedeng sumama sila nanay, tatay at kuya Di', wala akong magagawa. Oras magkakapatid ang ipa-priority ko alinsunod sa kagustuhan ni kuya. At kung tatanungin nyo ako tungkol sa estado ng relasyon namin ni kuya Di', uhhhmmm, masasabi ko namang okay na okay kami. Di ko naman din kasi sya matiis. Syempre, puso na ang nagdidikt