Chapter 25 - It's Not The End For Us *Dio's P.O.V.* Para akong lantang gulay dahil sa sitwasyong kinahaharap ko. Para akong zombie na naglalakad. Para akong timang at bugok na tila lutang sa kawalan. Matapos ang engkwentro't pagkawala, lumabas ako ng motel na tila isang durog durog na baso. WASak na wasak, kulang na kulang Pasalamat na nga lang ako at di ako pinagbayad sa binasag kong tiles at eskandalong dinulot. Malamang, naawa sakin. AT halos wala ding magagawa kung magreklamo sila, kahihiyan kasi ang nangyari lalo na't bilyonaryong negosyante ang dawit dito Mula sa malayong pag iisip, di ko na alintana ang malakas na buhos ng ulan, pasado alas tres na ng madaling araw. Limang oras makatapos ang siguradong pag alis nang private plane ng Joey na yon. Sinubukan ko kasing habul