JOHN STEEP
"What do you mean Dad?!" nanggagalaiting tanong ni Steep sa matandang nasa kanyang harapan. Tila sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sama ng loob dahil sa kanyang mga narinig sa kanyang ama.
"You heard me. My decision is final. You are marrying Andrea Woon." Isang matigas at desididong tono ang binitawan ng kanyang ama at diretsong tingin sa kanya. With Steep's personality he will never back down from his father.
"I am a grown up man, I will decide what I want for myself and I am telling you that fixed marriage thing is not for me." matigas na tonong sagot ni Steep sa kanyang ama. Tiim bagang ang huli sa narinig sa kanyang nag-iisang anak.
"You two will not stop, do you?" mahinahong sabat ng ina ni Steep na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo. Makikita ang paglambot sa mukha ng mag-ama nang marinig ang boses ng ginang. She really is the lamp of the house.
"You guys are both old enough to talk about this matter in a mature way." dagdag pa ng ginang at sabay na ibinaba ang hawak nitong dyaryo with elegance and poise at itinutok ang tingin sa kanyang anak. "Baby, why don't you meet Andrea first and try? Me and your Dad were also a product of arranged marriage but we worked." pagkumbinsi ng ginang sa anak na nakakunot noo parin sakanilang mag asawa.
"I told you Mom, I am not a fan of such things. I want to marry someone I love." pagtutol ni Steep pero mahinahon na sa pag kakataong ito.
"Alright, here's the deal young man, If you will not marry Miss Woon, I will leave all inheritance on her name. You won't get any single dime I am telling you. The moment you get married, all I have under my name including this house, will be transferred under her name." desidong sambit ng kanyang ama that left Steep into shock. Magsasalita pa sana siya ngunit naunahan na siya ng kanyang ina.
"Fair enough darling. She will be a very good fit to our fashion business." Pagsang-ayon ng kanyang ina at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
"This is unbelievable Mom!" reklamo ni Steep pero wala na siyang nagawa dahil sabay ng tumayo ang kanyang magulang mula sa Dining table.
"This is the best breakfast ever, baby. Sana lagi tayong kumpleto." his mom told him bago tuluyang tumalikod sa kanya. He let out a frustrated sigh. I can't let that witch get my parents' property and money! I have to do something!
Napapitlag si Steep ng marinig na tumutunog ang kanyang cellphone. Numero ni Mason Saunders ang lumabas.
"Yes." blunt na sagot niya dito.
"I need you to find out what really happened to my brother's plane crash. He is in the hospital now and I don't really believe that it was an accident." Shocked ang makikita sa mukha ni Steep, malaking part ng buhay ni Steep ang mga Saunders dahil si Lee ang kauna unahang taong nagtiwala sa kanyang pagiging Private Investigator.
"What do you mean?" nagtatakang tanong nya. Ofcourse he heard Mason, he just can't believe him.
"I know you heard me Steep. I need you to work as fast as you can. I'll send you his whereabouts and further details in a few." iyon lang ang sinabi ni Mason at saka na naputol ang tawag nito sa kanya. He was left speechless and still looking at his cellphone's screen. Maya maya lamang ay nareceive na niya ang E-mail ni Mason na nag lalaman ng impormasyon na makakatulong sa kanyang pag hahanap ng kasagutan sa aksidente ni Lee.
Dali daling umakyat si Steep sa kanyang kwarto upang aralin ang bawat detalyeng natanggap niya kay Mason upang may maireport siyang resulta sa lalong madaling panahon. Sa ilang taon niyang nakasama ang mga Saunders ay napalapit na rin siya sa mga ito, hindi lamang kasi isang hamak na PI ang tingin nila sa kanya kundi isang kaibigan.
Ginugol ni Steep ang kanyang buong linggo sa pag imbestiga sa aksidenteng naging involved si Lee.
He found out really quick na hindi nga iyon isang aksidente kundi sinadya ng sariling ama ni Mason kasabwat ang magiging father in Law sana ni Lee. Mahirap man ngunit kailangan malaman ni Mason ang katotohanan and he forwarded the information to Mason's e-mail and after a few minutes he got a notification from his bank with half a million bank transfer from Saunders Account. And that's the life of being a John Steep Wilder.
Tahimik na nakaupo si Steep sa isang sulok habang nagbabasa ng magazene at ini enjoy ang kanyang paboritong Americano. His eyes opened widely ng makita niya ang isang larawan sa centerfold ng magazene na hawak nya. The Royalties Unite. Wilder-Woon's merger interview coming next week live on CNTV. Halos masira niya ang magazine na hawak niya sa sobrang gigil ng makita ang kanyang ama at ang sinasabi nitong ama ni Andrea na magkasama sa isang litrato at ngiting ngiti pa. Dad is freaking serious with what he wanted. I can't believe my parents are such a shame. Sana hindi na lang nila ako inanak. Gigil na kausap ni Steep sa kanyang sarili.
FLASHBACK
"My son just graduated kumpadre, if you need a private investigator you might want to hire him." nakangiting sambit ng ama ni Steep habang kumakain sila ng hapunan kasama ang mga Woon. Mabait at kita ang sinseridad sa mga mata ng matandang Woon. His wife died when his daughter is still young.
"My Andrea here said she wants to become a model, when she grow up, she can work in your company kumpadre." pag mamalaki naman ng matandang Woon sa kanyang anak na yukung yuko habang sinusubo ang laman ng kanyang kutsara. She can't move a muscle knowing her one and only crush is sitting in front of her. He looks very intimidating, but for her, he is the most handsome and angelic looking guy in the world.
"Dad, I am already a grown up." mahinang sambit niya sa kanyang ama. Sabay sabay namang natawa ang kanyang ama at ang mag asawang Wilder na kinapula ng kanyang mukha dahil sa hiya.
"Darling wag kang mag madali, enjoy it while you are young, when you reach twenty one, I will bring you to Wilder Fashion Co. and make you the top model of the United States, pero sa ngayon, enjoyin mo muna ang youth mo." malambing na usal ng ina ni Steep sa kanya. Nakaka gaan ng puso ang bawat salitang binitawan ng ina nito, siguro ay dahil lumaki siyang nag hahanap ng aruga ng isang ina. "Steep, baby, why don't you show Andrea around?" Pagkuway baling nito sa anak na nag kakalkal ng kanyang cellphone dahil tapos na itong kumain. Agad namang sumunod si Steep at tumayo. Tulala lang na nakatingin si Andrea sa binata at hindi makagalaw.
"Anak, don't make a gentleman wait like that." puna ng kanyang ama habang tuwang tuwa na nakangiti sa kanya. Tila natauhan naman siya at saka nagmamadaling tumayo kasabay na ng paglalakad ni Steep and did not wait for her. She walked after him habang hindi maipaliwanag ang kaba sa kanyang dibdib.
"Ang galing mo naman, you are a private investigator." nahihiyang sambit ni Andrea kay Steep.
"Do you really want to be a model?" pabalik na tanong nito sa kanya.
"Yes! A runway model." Sagot ng dalaga.
"Aren't you good in academics?" nakakunot noong tanong nito sa kanya. Siguro kung hindi si Steep ang kausap nya, nasampal na niya ito. Of course siya ang top one sa klase since middle school. Marahan niyang sinalo ang tubig na nagmumula sa fountain na nasa harapan nila. Maligayang lumilipad lipad ang mga paru paro sa paligid ng fountain at sa mga bulaklak sa hardin.
"I want to be like my mom someday." isang matipid at malungkot na tugon ang nasambit nya. Napatingin sa kanya ang binata at agad din naman itong bumawi at wala ng nagsalita sakanilang dalawa pagkatapos noon. Naaawa si Steep sa dalaga dahil sa lumaki itong walang ina at naiinis siya sa sarili niya dahil minaliit niya ang pangarap nitong maging isang modelo.
END OF FLASHBACK
Napatingin na lang si Steep sa kawalan ng maalala niya ang unang araw na nakita niya si Andrea. They can't be husband and wife dahil napakabata pa niyon for him. She just turned 21, at ang pinaka ayaw nya, ang pangarap nitong maging modelo. Hindi na siya papatol pa sa katulad ni -Alyssa. His ambitious Ex-girlfriend na pinagpalit siya para sa career. All of them, for Steep, are the same and Andrea is one of those girls he hates. But what makes him more angry is the fact that his father is more than willing to disown him dahil lang sa kasal na ipinipilit sa kanya. I'll talk to her, I am sure hindi yon papayag na makasal sakin, I know her type, she will not give up her dreams para lang makulong sa isang relasyon na walang pag mamahal. Just so he thought, dali dali niyang inubos ang kanyang kape and walked out from the coffee shop to visit Andrea at his Mother’s studio.