CHAPTER SIXTEEN

3255 Words

Rain POV Pagkatapos na pagkatapos ng klase at nang makalabas na sina mentor Aphrodite at Doll ay mabilis ding lumabas ng room 1 si Switzel. Nagkatinginan pa kami ni Ally nang makalabas siya. Saktong hihilahin ko na sana si Allyson palabas ay mabilis ding nahigit ni Ry ang braso ko kaya napatingin ako sa direksyon niya. "Bakit?" ang tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya. "Aayain sana kita kumain." Napalingon ako sa gawi ni Allyson at halos makurot ko siya nang makita ko ang kakaibang ngiti sa labi niya. Napairap na lang ako at saka muling tinignan si Ry. "May aasikasuhin kasi kami ni Allyson, eh," sabi ko. Awtomatiko namang napabitaw si Ry sa pagkakahawak sa akin. Sayang naman. "Okay lang sa akin kahit ako na lang muna, Rain. Mukhang may iba kang gustong asikasuhin, eh,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD