"Ohhh thanks God! Na kapag pahinga rin sa wakas? Bulong ni Marfa habang na sa balcony, siya ng kanilang bahay sa Quezon. Nakataas pa ang kaniyang dalawang kamay. Para makalanghap ng sariwang hangin. Pag gising ko kasi dito agad akong pumunta sa balcony ng aking kwarto. Kahapon pa ako dumating dito. Natuwa nga ang aking Nanay dahil naisipan ko naman daw na dalawin siya.
"Minsan may pag ka-madrama talaga ang kanyang ina dahil siguro nahawa na ito sa pinapanood na drama sa tv!"
"Sanay maging masaya ang aking vacation, dito sa Quezon. Simula kasi nag trabaho ako sa maynila ay naging busy na ako. dito ako lumaki sa Quezon, at nakapag tapos ng high school. Pero sa maynila na ako nag aral ng college dahil naging scholar ako sa isang university sa maynila kaya naka pag tapos ako sa kursonh Bachelor of Art in creative writing. Prehas kami ni alliyah na mahilig mag sulat kaso siya ay mas tinuon ang sarili sa pag call center noon. At ginawa nalang libangan ang pag susulat nito para may extra income na rin dahil siya ay gumagawa ng libro sa online.
"Mmm, mamaya pala pupuntahan ko ito sa bahay nila. Malapit lang naman ang bahay nila na Alliyah. Sa kabilang baranggay lang naman.”
"Marfa, anak gising kana ba? Rinig niyang tanong ng ina niya sa may pintuan, habang kumakatok ito.
" Nag lakad siya patungo sa pintuan, upang buksan niya ang pinto..
“Opo, ma! Gising na po ako nakangiti na wika nito saakin.”
"Nag iisang anak lang siya ng kanyang mga magulang. Ang ama niya ay kapitan ng kanilang baranggay.”
"Bakit po ma? Tanong niya sa kanyang Ina.
"Mmm" mag pasama sana ako sayo anak sa palengke dahil balak ko sana lutuan kita ng paborito mong ulam na Ginatang gulay na meron Alimasag",. Nakangiti wika ng kanyang ina sa kanya.
"Ay sige po mabalak ko nga po, sabihin sa inyo na iyon ang lutoin nating ngayong tanghalian. Naunahan ninyo lang po ako.”
"Hala, sige ikaw ay mag bihis at bumaba kana sa ibaba para mag almusal dahil kami ng papa mo ay nauna ng kumain dahil maaga siyang umalis papunta sa baranggay, Alam mo naman ang papa mo ayaw non malate sa trabaho.”
Pag katapos ko kumain ay umalis na kami ni mama, patungo sa palengke. Nag bilis lang ako ng simpleng damit short na lampas tuhod at t-shirt na white tapos ay nag tsinelas lamang ako.”
"Mama tara na, aya ko sa akin ina.”
“Oh sige ikaw na nga lang iniintay ko anak.” Sagot sa akin ni Mama.
Inakbayan ko ito sa balikat. Ganito ako kay mama kapag umuuwi ako dito sa bahay, dahil minsan lang ako mag bakasyon. Kaya sinusulit ko ang pag kakataon na kasama ko ang aking mga magulang. At ganun din naman sila kapag narito ako sa bahay namin, Nag tricycle na lang kami ni mama patungo sa palengke.
"Aba'y sino yan kasama mo mareng Ednalyn?" Tanong ng isang tindera nang isda. Habang tumitingin kami ng aming bibilhin.
"Ahh, ang anak ko si Marfa nga pala mareng Wilma!” sagot ni Mama sa Ginang.
"Aba'y kay gandang bata, 'no!" Hindi ko akalaing may dalagang anak kang anak at kay ganda pa!" Nakangiti puri sa kanya ng Ginang. "Tamang-tama, may pamangkin ako binata. Ipakilala ko diyan sa anak mong dalaga?!" Nakangiting sabi nito kay Mama."
"Abay walang problema yun! Mare basta mabait ay walang maging problema sa amin pero ang masusunod pa rin ay anak ko!" Sabay tingin ni mama sa akin habang nakangiti.”
"Ngumiti lang ako ng tipid sa kumare ni mama.”
“Ay siya kami muna ay mauuna at bibili pa kami sa manukan!" Wika ni Mama.
Habang hinihintay ko si mama. Nandito ako sa prutasan dito na lang daw niya ako babalikan. May Nakalimutan lang daw siyang bilhin kaya siya na lang daw babalik sa loob ng palengke. Habang hinihintay ko si mama ay bumibili ako ng mga prutas katulad ng orange, apple, ubas, mahilig kasi ako sa mga prutas, kaya bihira ako mag kasakit dahil sa dami ng vitamins na nakukuha sa mga prutas.
Akmang kukunin ko, ang saging ng may kasabayan ako dumampot, kaya napatingin ako sa aking tabi.
“Miss nauna ako sa saging na ito! Sabi ng lalaki.
Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang mukha nito.
“Hoy Mr!” nauna ako sa saging na ito. Katwiran ko rito.
“Miss, Ako nga ang na una dadamputin ko na sana kaso nauna yang kamay mo kaya akala mo ikaw ang nauna!. saad naman nito sa akin.
"Teka nga sandali lang parang kilala kita sabi ng lalaki sa akin?" Habang nakakunot ang noo.
"Hoy…Mr!" hindi kita kilala at pwede ba humanap ka ng saging mo akin ito."
"Ako ang nauna ang kamay ko dumapo sa mga saging!" Sabay tapik ko sa kamay nito..
“Oh,,s**t Arayyy!" Hoy miss masakit yun Ah!" Inano kita bakit ng pipitik ka, galit na baling nito sa akin.
"Teka,,teka! Awat sa amin ng tindera, bakit ba pinag aawayan ninyo yan saging eh marami, pa naman akong saging? Awat sa amin ng tindera. "Pati lamog na yan saging ko dahil pinag-aagawan ninyong dalawa!" Dagdag pa nito sa amin.
"Ale,, ako ho ang nauna sa saging na yan diba kanina pa ako bumibili ng prutas sayo!" Ani ko nan sa tindera ng prutas.
"Beautiful! Ako ang nauna sa saging diba, "Sabay kindat, ng lalaking mayabang. Sa tindera, Ang tindera naman ay parang kinilig,, sa ginawa ng mayabang na lalaki?" Na pa irap, na lang ako..
"Ah,,oo miss siya ang nauna meron naman. ibang saging, dyan yun na lang anb bilhin mo? Turong tindera sa akin sa ibang mga saging,,
"Nako! Hindi na Ale! Paki kwenta na lang mga nabili ko para mabayaran ko na ho! Sa kanya na yun saging baka kasi maliit ang saging niya? Kaya nakikipag unahan siya sa akin. Pinasadahan ko pa ng tingin ang lalaki at tumingin ako sa pagitan ng mga hita nito.
Kita ko naman ang pag kalaki ng mata nito, sa akin tinuran. Parang kilala ko nga ang lalaking ito hindi ko lang tanda kung saan ko nakita.
"JC" parehas kami na palingon ng lalaki ng may tumawag rito at parang kilala ko rin. Hindi nga ako ng kamali si Jayson ang tumawag.
"Ohh, Marfa ikaw nga! Aba'y kailan ka ba dumating!? Wika nito sa akin.
"Kahapon lang Jayson, Nag bakasyon lang ako. Balak ko nga puntahan si Alliyah mamaya pagkatapos namin ni mama dito sa palengke. Turuan ko rito."
"Mmmm matutuwa yun, ilang buwan na rin kayo hindi nagkikitang dalawa”. Saad pa nito sa akin.
Mag ka kilala kayo dalawa insan? Tanong ng lalaki sa amin dalawa ni jayson.
"Oo insan hindi mo ba siya na tandaan!? Sagot ni jayson. Bestfriend siya ni Alliyah yung patner mo? Dagdag pa nito.
"Hala hindi mo siya natandaan?! "JC" siya yun bestfreind ni Alliyah, lAni ni Jayson sa pinsan niya.
"Ahhh, kaya pala walang manners ang lalaking yan!? Siya pala yung nakabangga sa kotse ko na ako pa raw ang may kasalanan. wika ko at masama kung tinitigan ang pinsan ni Jayson.
"Oh siya pala yun babaeng hindi marunong mag maneho kaya nakabangga!!” pasaring na saad naman nito.
"Aba't ako pa talaga ang hindi marunong!? Sino kayang tanga hindi marunong tumingin ng signal sa stoplights!?” Mariin ko naman wika.
"Ahh miss, 220 Ang babayaran mo at ikaw naman hijo ay 110 mahigit isang kilo yang saging mag bayad na kayo tapos lumayas na kayo sa harapan ng paninda ko? Dito pa talaga kayo nag babangayan. Kung may problema kayo sa isa't-isa ay, sa baranggay hall kayo. Baka malasin, ba ako sa inyo mawalan ba ako benta!!” Galit na wika ng Ale, ng titinda ng prutas.
"Inabot ko ang bayad sa Ale sakto dumating na rin si Mama.”
“Sige na Jayson una na ako andiyan na si Mama. Mamaya daan ako sa inyo, dalawin ko si Alliyah.” paalam ko kay jayson.
"Tabi nga nakaharang ka sa daraanan ko!” Binangga ko ang katawan nito. Para tumabi sa daan, walang lingon na umalis ako sa lugar na yun at sinalubong ko na si mama.