chapter 5

1650 Words
"Ohh, insan bakit ganyan ang mukha mo!? "At kahit sinong pintor, magaling na pintor hindi kaya iguhit ang sambakol na mukha mo?!” Natatawa puna sa akin ni Jayson ng pumasok ako sa shop nito sa katabi, bahay lang nila. "Ahh, kainis yung kaibigan ng asawa mo!" Sambit ko sa aking pinsan. sabihan ba naman na ako raw ay isang bakla!" Gigil kong turan. "Sino ang hindi maiinis?!" Dagdag na wika ko pa. "Nako pasalamat siya, nakakapag-pigil pa ako!" Kung hindi kahit babae siya ay papatulan ko talaga siya!" Sagot ko sa akin pinsan na abala sa ginagawang nitong kotse. "Ay nako pinsan, ewan ko sa inyo dalawa ni Marfa kung bakit? pag nagkikita kayo dalawa. Parang kayong mga aso't pusa!" Natatawang wika nito sa akin. “Alam mo bang mabait si Marfa. Ewan nga lang kung bakit sayo bakit nakikipag bangayan at lagi galit kapag nakikita ka!?” Dagdag na wika pa ni Jayson. "Mukhang, may susunod sa yapak mo boss Jay?" Singit naman ni Richard, sa kanila mag pinsan. "Kaya nga boss!" Segunda ng dalawa pang kasamahan na si Elmer at kaloy mga tauhan at kaibigan ito ng kanyang pinsan. "Ha!? Anong susunod sa yapak? Maang na tanong niya, sabay tingin sa kanyang pinsan na tatawa lang sa mga pinagsasabi ng kasamahan nito." "Ang ibig sabihin ni Richard–boss JC!" Singit ni Elmer,kaya napatingin ako rito. "Ganyan dati sina, Boss Jayson at si Alliyah!" Wika nito. Lagi rin sinusungitan ni boss Jayson, si Alliyah noon?! Kwento pa ng binata sa kanya. "Pero tingnan mo ngayon sila ang nag katuluyan!" Wika pa nito. Napailing ako sa sinabi ni Elmer. "Nako…malabo mangyari 'yon!" Saad ko pa "Kaya nga ako nagbakasyon, dito para makalimutan ang girlfriend ko, saka kung magka - girlfriend naman ulit ako ay hindi ko pinangarap ang babaeng 'yon, sobrang talas ng bibig daig mo pa panabong na tandang, kung makapagsalita. "Hay, nako boss JC, wag kang mag salita ng tapos!” sagot pa ng mga ito sa akin. "Ikaw din baka subukin, ka ni tadhana at ni kupido ang puso mo?! Panakot pa ng mga ito sa kanya. "Baka hindi mo namalayan na akala mong inis ay pag ibig na pala!" Sabay na pang wika ng tatlo tukmol sa akin. "Ay nako! Awat na! Sigint na wika ng kanyang pinsan sa kanilang apat, "Baka kung saan pa mapunta ang usapan ninyo, ang mabuti pang gawin natin magpahinga na lang muna tayo!" Saad pa ni Jayson sa kanila. Pagkatapos ay binalingan siya ng kanyang pinsan. "Saka nga pala insan anong plano mo!?” Pagbalik sa inyo?" Pagtatanong nito. “Mmmm wala pa insan!" Sagot naman niya. "Siguro dito na muna ako, sa inyo medyo okay dito sa pinas!" Kaya gusto ko muna mag bakasyon, may tumitingin naman sa company, si James muna ang bahala sa company kaya di ako nag aalala, Kapag may importante meeting ay Pwede naman ako mag video call, sa kanya at sa mga tauhan ko." Wika ko pa kay Jayson. "Mapag kakatiwalaan naman ang mga taong pinag iwanan ko ng company," dagdag na saad ko pa. "Ahh, mabuti naman kung ganon at mahaba-haba ang bakasyon mo dito sa amin!" Masaya turan ng kanyang pinsan. "Hayaan mo kapag linggo ay ipapasyal ka nina Alliyah sa magagandang lugar dito sa amin." sabi pa ni Jayson sa kanya. Tumango lamang ako sa aking pinsan. “Kaya nga boss JC!" Wika pa ng tatlo. "Maraming lugar na magaganda dito, at marami ring magagandang dilag dito sa lugar namin?!" Sabay-sabay na wika ng tatlo alipores ng kanyang pinsan. "Gusto mo,boss JC sumama ka sa amin, punta tayo bar ang daming magaganda, chick's 'doon!" Aniya pa ng mga ito. "Hoy!" Sambit ng kanyang pinsan. "Kayo tatlo, Ah– huwag ninyo buyuin sa babae yan pinsan ko, malilintikan kayo sa akin?" Sita ni Jayson sa tatlo kaibigan nito. "Kaya nga narito 'yan, para makalimutan ang girlfriend niya!" Tapos kayo tatlo naman niyaya ninyo sa bar," wika pang muli ni jayson sa tatlong kaibigan. "Si boss Jay naman biro lang 'yun! Nakangiti sagot ng tatlo, sa akin pinsan. "Teka lang, boss JC, totoo broken hearted ka?" Gulat na tanong ni Elmer na parang hindi naniniwala sa sinabi ng kanyang pinsan at tumingin pa ito sa kanya. "Ahh,, oo!" Sagot ko ngunit napakunot ang noo ko ng mapatingin ako sa mga mukha ng mga ito. "Bakit parang sa mga mukha ninyo ay parang hindi kayo naniniwala sa akin?" Takang tanong pa niya. "Ahh…ehh, hindi naman sa ganon boss JC!" Nagtataka lang kami. "Sa gwapo mong 'yan tapos ang yaman mo pa! "hiniwalayan ka pa ng girlfriend mo?! Napaka tanga naman ng girlfriend mo boss!" Saad pa ng mga ito. "Bukod sa gwapo kana ay mayaman ka pa, parang 'yung kanta na. “Na sayo na ang lahat!" "Ganun talaga kapag hindi makuntento sayo kahit nasa akin na ang lahat. Kung sa tingin pa rin ng babaeng mahal mo ay may kulang, wala patutunguhan ang isang relasyon." "Wow, ang lalim ng hugot mo boss JC! Turan ni Richard, sa bagay pati babae ngayon panahon nagloloko na.” “Ay nako mag sitigil na nga kayo, tapusin na natin ito libre ko ininom nyo mamaya!. Singit ng pinsan niya. "Yun ohh, mapupuno na naman ng alak ang lalamunan ko! "Haha… natatawang wika ni kaloy na may pag suntok pa sa hangin.” "Kaya nga! Kaya dapat tapusin na natin ito baka magbago pa isip ni boss Jay! Segunda naman ng dalawa.” at bumalik na sa kanya-kanyang trabaho. “May maitutulong ba ako sa inyo? Tanong ko sa akin pinsan. Wala naman ako gagawin eh, kaya Pwede tulungan ko na lamang kayo?" Wika pa niya sa mga ito. “Sige insan ikaw na lang mag abot ng mga gamit sa akin." sabi ni Jayson sa aking. Samantalang sa loob ng bahay ni Jayson at Alliyah." "Binuhat ni ng kanyang kaibigan ang anak nitong si Eli, dahil na gising na ito." “Hi baby Eli, ako ang ninang ganda mo!" Wika ko kay eli, ngumiti lang sa kanya ang bata. Nilalaro niya ito habang buhat ng kanyang kaibigan. "Kamusta ka naman!". Pangangamusta ni Alliyah sa akin. "Mabuti naisipan mo mag bakasyon?! Dagdag na tanong ni Alliyah sa akin, habang paupo sila sa sofa," "Hito ayos lang naman!" Sagot ko. "Pasalamat nga ako pinayagan ako ng aking boss na magbakasyon!" "Kaso, 'yon nga lang hanggang two weeks lang ang ibinigay sa akin, at sa Germany na daw ang next target namin na pag shootingan ng movie!" Pagkukuwento ko kay Alliyah "At sa susunod na project namin. Kaya ito gusto ko muna mag relax, para sa pagbalik ko ay punong-puno ako ng energy?! Mahabang wika ko sa aking kaibigan. "Mmm! "Aba Tamang tama pala, ayos papunta rin kami ni jayson sa Germany sa darating na buwan!" Wika pa nito. "Abay ayos yan mag kikita pala tayo doon. Natutuwang, sagot ko rito.” "Wait lang iwanan muna kita!" Ani nito sa akin. "Ipag handa lamang kita ng meryenda, bantayan mo muna si Eli." Dadag na sambit pa nito. Tumango lang ako sa akin kaibigan. “Sige laruin ko muna ang baby Eli, na yan!" Sambit ko habang kinukuha ko sa ina nito. Nasa kulong kulong na si Eli at nilalaro ang mga laruan. Ngunit ilang minuto lang ay umiingit na si Baby Eli, parang iiyak na kaya binuhat ko ito. “Wait lang baby!" Alo ko kay baby Eli dahil paiyak na ito. "Saglit lang ha, kumukuha lang si mommy ng meryenda ni ninang!" Kausap ko pa sa aking inaanak, "Gusto mo ba kumanta si ninang!? Habang hinehele niya ito.. "AKO AY MAY LOBO LUMIPAD SA LANGIT HINDI KO NA NAKITA PUMUTOK NA PALA SAYANG, ANG PERA KO,,, PINAMBILI NG LOBO SA PAGKAIN SANA NA NABUSOG PA AKO!" Kanta ko kay baby, habang pinaghihile ito. "Kaya lalo umiiyak ang pamangkin ko? Parang pinupunit na yero ang boses mo?! Wika ng kung sino sa aking likuran, at grabe ano raw pinintasan pa ang boses ko na parang, yero ano raw!" Saad niya pa sa kanyang isipan. “Hoy sino sinasabihan mo parang pinupunit na yero boses ko!? Para sabihin ko sayo champion ako sa singing contest sa barangay namin nung high school ako. Pati nakikinig ka na nga lang mapintas ka pa!"inis kong turan rito. "At sandali nga, hobby mo talaga mag lait no!? Galit kong wika rito at sinamaan ng tingin lalaking ito. "Eh kung maganda sana 'yang boses mo bakit umiiyak ang pamangkin ko?" Nang iinis na tanong nito sa akin..” "Aba ewan ko kaya nga kinakantahan, ko para hindi umiyak! Nakasimangot ko wika. “Alam ko na, kaya siguro umiiyak ang inaanak ko dahil nakakita, siya ng bakulaw na tulad mo! nakakatakot kasi yang pag mumukha mo?" Asar na wika ko pa rito. Napatigil ang sasabihin ko ng humagikgik nang tawa si Eli, at nakatingin sa akin na para bang tuwang tuwa sa bangayan namin ng tito niya. "Oh, tuwang-tuwa si baby Eli sa mukha mo, para ka daw kasi, clown sa paningin ng pamangkin ko?" Banat na asar naman ng hudyong lalaking ito. Sasagot pa sana ako ng lumabas sa kusina si Alliyah at dala nito ang tray na may lamang meryenda. "Nag aaway naman ba kayo dalawa? Tanong agad ni Alliyah sa amin. "Hindi best/ hindi Alliyah!" panabay na sagot namin dalawa sa aking bestfriend.” masamang tingin ang ipinukol ko dito. "JC!" may ginawa ako sandwich," wika ni Alliyah sa binata. "Kumuha, ka nalang sa kusina pag gusto mo!" Sambit pa ni Alliyah. "Sige salamat insan, mamaya na lamang siguro medyo, busog pa ako, akyat muna ako sa kwarto!" At mag linis lang ako ng katawan. Sagot nito. Pagkatapos lumapit ito sa akin akala ko kung ano gagawin, 'yun pala ay hahalikan nito si Eli sa pisngi pagkatapos mag salita ito. "Bye baby eli! Enjoy ka lang sa clown mo. Saad pa nito at nag madali na umakyat sa taas ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD