Ang kahirapan sa buhay ay parang apoy na siyang tumutupok sa kandilang nasindihan. Maraming tao ang siyang kumakapit sa patalim, patibayan ng sikmura, palakasan ng loob upang maka-survie sa gitna ng kadiliman. Ang iba ay marumi sa paningin ng ilan, hinuhusgahan kahit hindi pa tukoy kung ano ba ang dahilan bakit nagawa niya iyon. Pikit-matang ginagawa ang hindi sana dapat, mabuhay lamang sa mundong ibabaw. Nagbubulag- bulagan, nagbibingi- bingihan, wala na bang natitirang liwanag sa gitna ng kadiliman? May pag-asa pa bang mahugasan ang marumi nang katauhan dahilan ng kahirapan?