Chapter 1
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
It has been almost four years ng mailigtas ni Orion ang isang dalaga na naging biktima ng isang hit and run. Dinala niya ito sa kanyang condo dahil hindi ito gumigising. Walang pagkakakilanlan ang dalaga dahil wala itong dalang kahit na anong gamit ng makita nila ito sa gilid ng kalsada.
Kulang anim buwan din itong tulog, pero isang araw ay bigla na lamang itong gumising at naglaho. Hindi na hinanap pa ni Orion ang dalaga kahit na inakala niya na may umusbong itong pagtingin para dito, pero ng umalis ito ay napagtanto niya na hindi pagmamahal ang naramdaman niya kung hindi pagnanasa lamang na maangkin ang babaeng 'yon.
Nakita niya sa footage ng cctv ang pag-gising nito at ang pag-alis nito sa kanyang poder. Pero hindi na niya ito binigyan pa ng pansin. Nakaramdam lang ito ng galit sa dalaga dahil sa walang pakundangan nitong pag-alis matapos niya itong alagaan. Matinding galit ang nararamdaman niya at pagsisisi na dapat ay hindi na lang niya ito iniligtas pa.
"Boss, humihingi ng palugit ang pamilya Stewart. Kahit panibagong isang buwan lang daw. Wala pa raw silang pera." Galit na lumingon si Orion sa kanyang mga tauhan. Hindi niya gusto na sinasamantala ng pamilyang Stewart ang pagiging mabait niya. Isinanla ng mga Stewart ang kanilang lupain kay Orion dito sa Bukidnon. Kadarating lamang niya dito upang bisitahin ang kanyang malaking farm at ang kanyang Hacienda Dale, pero ito na agad ang bumungad sa kanya.
"Absolutely not. I need them to settle their debt today at wala akong pakialam kung may pera man sila o wala. I have shown more than enough patience, allowing them a full year to settle the p*****t, but even now, they haven't paid me a single cent. I have already extended my deadline multiple times, but this can’t continue any longer. Kailangan na nila akong bayaran ngayon. Wala akong pakialam kung saan nila kukuhanin ang perang ipangbabayad nila sa akin, kapag sinabi kong ngayon, ibig sabihin ay ngayon."
Hindi na kumibo pa ang mga tauhan ni Orion at nagmamadali na lamang itong umalis upang pumunta sa bahay ng mga Stewart.
Nagtungo si Orion sa kanyang silid. Nahiga ito sa kama at ipinikit ang mga mata, hinimas pa niya ang kanyang sintido dahil inis ito.
Ilang katok ang narinig niya. pero hindi niya idinilat ang kanyang mga mata. Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanyang kama, pero nananatiling pikit ang kanyang mga mata.
"Problema?" Boses ni Noah. Hindi kumibo si Orion. Nananatili itong nakapikit, at ang dalawang daliri nito ay humihilot sa sariling sintido. Naramdaman niya ang paglundo ng kama. Pero nananatili lamang siyang nakapikit.
"Narinig ko ang pag-uusap ninyo ng tauhan natin tungkol sa pagkakautang ng mga Stewart sa'yo. May utang pa 'yang pera maliban pa duon sa lupain na nakasanla sa'yo, hindi ba? From what I understand, they owe you a hefty six million pesos, and despite that massive sum, they haven't made a single payment... not even one centavo. It's shocking that after all this time, not a single effort has been made to settle even a portion of what they owe. Tama lang ang ginawa mo. Dapat lang nilang bayaran ang pagkakautang nila sa'yo. Masyado silang umaabuso dahil hindi mo ito masyadong binibigyan ng pansin, pero ngayon ay dapat lang na pagtuunan mo na ito. Bayaran nila ang utang nila sa'yo." Marahas na nagbuga ng hangin si Orion. Idinilat niya ang kanyang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Dinampot nito ang bote ng alak at dalawang baso, saka inaya si Noah sa malaki niyang balkonahe ng kanyang silid.
"May bumabagabag ba sa'yo? Kanina ka pa tahimik mula ng lumapag ang eroplano mo sa paliparan. Ano ba ang iniisip mo?"
Natawa ng mahina si Orion at tinignan ang kanyang kanang-kamay. Tinapik niya ito sa balikat at saka niya ito inabutan ng baso na may lamang alak.
"Wala akong problema. Trabaho lang naman ang iniisip ko, masyado akong natatambakan ng trabaho. Nandito tayo ngayon sa hacienda at farm ko upang bisitahin lang ito, pero uuwi din tayo bukas." Nagkibit balikat lang si Noah at nagsindi lang ito ng sigarilyo. Pagkatapos ay napatingin ito sa mga tauhan na papalapit sa malaking bahay ni Orion.
"Mukhang nakabalik na ang mga tauhan na inutusan mo at may kasama pa." Napatingin naman si Orion sa tinutukoy ni Noah. He forced a smirk, attempting to mask his growing frustration.
"Mukhang kasama yata si Mister Stewart. Either na magbabayad 'yan or hihingi na naman ng palugit sa'yo." Noah said, a sarcastic smile playing at the corner of his lip. Humugot naman ng malalim na paghinga si Orion at saka nito tinungga ang natitirang alak sa kanyang baso. Pagkatapos ay nagsimula na itong maglakad palabas ng kanyang silid. Kasunod lamang niya ang kanyang kanang kamay at kaibigang matalik na si Noah.
Pagkalabas niya ng kanyang malaking bahay ay magalang na bumati si Mister Stewart kay Orion. Bahagya pa itong nagyukod ng ulo bilang pag-galang dito.
"Magandang hapon sir. Sumama ho ako sa inyong tauhan upang ako na ho mismo ang makiusap sa inyo na kung maaari ay mabigyan pa ako kahit na dalawang buwang palugit. Wala ho kaming matitirahan ng pamilya ko kapag kinuha ho ninyo sa amin ang lupain namin. Dalawang buwan na lang ho ang palugit na hinihingi ko. Nakikiusap ho ako sa inyo." Pakiusap ni Mister Stewart. Orion smirked while locking eyes with Mister Stewart, his expression serious and unwavering.
"Tapos na ang palugit na ibinigay ko sa inyo. Gusto kong umalis na kayo sa kinatitirikan ng lupain ko dahil patatayuan ko ang lupaing 'yan ng isang farm. Wala na akong magagawa pa sa inyo. Kapag sinabi kong tapos na, ibig sabihin ay wala ng palugit. Makakaalis ka na at mag-empake na rin kayo." Seryosong sabi ni Orion. Lalapitan sana siya ni Mister Stewart upang magmakaawa, pero tinalikuran na ito ni Orion at malakas na isinara ang malaking pintuan.
Wala ng nagawa pa si Mister Smith kung hindi ang umalis. Kahit na anong pakiusap nito ay hindi na bumukas pang muli ang malaking pintuan.
"Make sure that man, along with any member of his family, never sets foot on my property again. Do I make myself clear?" Orion commanded with firm authority, his voice leaving no room for negotiation or disobedience.
"Yes boss. Masusunod ho." Sagot ng pinuno ng kanyang mga tauhan. Humugot ng malalim na paghinga si Orion at naupo ito sa mahabang sofa. Si Noah naman ay nakatayo lang at nakatingin sa kanya.
"People will always try to take advantage of you the second they think they can get away with it. Pero hindi ako. Hindi nila ako maiisahan o maloloko. I didn’t become the notorious mafia leader I am today by falling for the tricks of worthless, low-life people. I have come too far, and I know every move they will make before they even think of it." Naiiling na sabi ni Orion.
"Well, pinapalayas mo na sila. Nababagay lang 'yan sa kanila. six million is far from a small amount of money. Isang taon mahigit din naman na naghintay ka na mabayaran ka kahit na magkano lang para hindi ka magsisi na tinulungan mo si Stewart, pero umabuso at kahit na anong paniningil ay puro na lang next month ang nangyari. Kung ano man ang kahihinatnan ng pamilya niya ay labas ka na duon. Bahala siya sa buhay niya. Ginusto niya 'yan, magdusa siya ngayon." Sagot ni Noah. Hindi na nagsalita pa si Orion. Lumabas na lang ito ng kanyang malaking bahay upang manigarilyo.
╰┈➤ Lumipas pa ang mga oras. Sumakay si Orion sa kanyang sasakyan upang sundan sila Noah at ang buong grupo ng Dark Immortal org sa isang sikat at high-end club sa kabihasnan. Palabas siya ng gate ng makita niya ang isang babae na nagwawala. Nanlaki ang mga mata nito, pero may kasamang galit ng makilala niya kung sino ang nagpupumilit na makapasok sa kanyang bakuran.
Inihinto niya ang sasakyan at saka ito umibis. Nakatayo lamang siya sa may pintuan ng mamahalin niyang sports car habang nakatingin sa dalaga.
"Sir, kayo ho ba ang pinagkakautangan ng aking ama? Nakikiusap po ako sa inyo, bigyan pa ho ninyo siya ng pagkakataon para mabayaran niya kayo. Nakikiusap ho ako, parang awa na ho ninyo. Tutulungan ko ho ang papa ko na makabayad sa inyo. Magtatrabaho ako kahit saan, dodoblehin ko ho ang pagkayod ko para lang matulungan ko ang papa ko na mabayaran ang lahat ng pagkakautang namin sa'yo."
Kunot na kunot naman ang noo ni Orion. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng ito. Ito ang babaeng tinulungan niya mag-aapat na taon na ang nakakaraan. Ito ang babaeng matapos niya itong iligtas at alagaan sa loob ng halos anim na buwan ay bigla na lamang siyang tinakasan. Ni hindi man lamang ito nagpasalamat sa kanya kaya galit na galit ito sa babaeng kaharap niya ngayon. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Simpleng bestida lang ang suot nito, naka tsinelas at nakapusod lang ang buhok nito na messy bun.
"Parang awa na ho ninyo sir. Kahit na magpa-alila ako sa inyo habang buhay ay gagawin ko, huwag nyo lang ho kaming palayasin sa lupain namin." Ngumisi lang si Orion, pagkatapos ay pumasok ito sa loob ng kanyang sasakyan. Akma na niyang paandarin ito ng biglang humarang ang babae sa daraanan niya, pagkatapos ay niyakap ang hood ng sports car ni Orion at saka ito umiyak ng umiyak habang nakikiusap.
"Please sir, nakikiusap ako sa inyo. Iyon na lang ho ang natitirang ari-arian ng aking mga magulang, huwag ho ninyo itong agawin sa amin."
Galit na galit na lumabas si Orion ng kanyang sasakyan, pagkatapos ay nilapitan niya ang babae at hinablot ito sa braso. His grip was tight, revealing the anger simmering within him.
"Huwag mo akong piliting sagasaan ka. Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong mamatay sa harapan ng hacienda ko. Nawalan na ng ari-arian ang pamilya mo, nawalan pa sila ng anak." Galit na sabi ni Orion, sabay tulak niya ng malakas sa babae. Bagsak naman ito sa lupa, lumilis ang suot nitong bestida hanggang itaas ng hita nito. Kumunot ang noo ni Orion, tinitigan ang makinis na balat ng babae. Dahan-dahan namang inayos ng babae ang suot niya at pinunasan ang kanyang luha.
"Gagawin ko ho ang lahat. Parang awa na ninyo, huwag ho ninyong kukuhanin sa aking ama ang lupain niya." Umiiyak pa rin ito. Nagmamakaawa na sana ay bigyan pa nito ang kanyang ama ng isa pang pagkakataon.
"Tumayo ka diyan. Manuel, ipasok mo siya sa loob ng bahay at kakausapin ko 'yan ng masinsinan. Tignan ko lang kung ano ang kaya niyang ibigay kapalit ng lupain ng kanyang ama." Wika ni Orion. Nangislap naman ang mga mata ng babae dahil mukhang pagbibigyan siya ng lalaking pinagkakautangan ng kanyang ama.
"Salamat ho sir."
"Don't bother thanking me... what’s about to happen will become your worst nightmare. I'm eager to see just how far you’re willing to go to save your father's property." Nakangising ani ni Orion. Bumalik ito sa kanyang sasakyan at pinaatras ito. Hindi niya isinakay ang babae, pinaharurot lang niya ito pabalik sa malaking garahe ng kanyang hacienda. Pagkatapos ay umibis ito ng kanyang sasakyan at pumasok sa loob ng kanyang malaking bahay. Naupo ito sa sofa at pinalabas ang lahat ng kanyang kasambahay at naghintay sa pagdating ng babae.
Ilang minuto lang ay patulak na itong ipinasok ni Manuel sa loob ng bahay, pagkatapos ay lumabas din agad ito at isinara ang pintuan. Nakangisi lang si Orion, nakatitig sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kanya.
"Don’t be afraid, just take a seat." Orion said, his voice laced with a touch of sarcasm that hinted at his amusement with the situation.
Dahan-dahan namang lumapit ang babae at naupo sa sofa na nakatapat kay Orion. Pero umiling si Orion at tinapik niya ang sofa na kinauupuan niya.
"Come and sit next to me. There's no need to be afraid of me. I promise I won't bite... at least, not too big." Pananakot nito sa babae. Halos manginig naman ang mga tuhod ng babae ng lumapit ito kay Orion at naupo sa tabi nito. Nagulat siya ng bigla siyang hinapit nito sa baywang at idikit sa katawan nito.
"Kahit amoy pawis ka, mabango ka pa rin." Bulong ni Orion saka niya binitawan ang babae. Kinuha nito ang alcohol na nasa ibabaw ng coffee table at saka ito nag-spray sa kanyang kamay. Napayuko ng ulo ang babae, pero nakakaramdam ito ng takot sa lalaking katabi niya.
"Sabi mo ay gagawin mo ang lahat upang hindi ko kuhanin ang lupain ng iyong ama kasama na ang inyong tinitirhan. Tama ba ako ng pagkakaunawa?" Seryosong tanong ni Orion, walang ngiti at maawtoridad ito, nagpapamalas din ng kapangyarihan ang pananalita nito.
"O-Opo... g-gagawin ko po ang lahat." Mahinang sagot nito. A sly smirk crossed his face. He knew exactly what he wanted from her, and he was determined to get it.
"Ano ang pangalan mo at ilang taon ka na? May nobyo ka na ba?" Tanong ni Orion. Desidido itong makuha kung ano ang gusto niya sa babae, pero sisiguraduhin niya na hindi panandalian lamang at hindi siya magkakaroon ng kahati dito.
"Madel Alexa Stewart po. twenty-five years old na po ako at may nobyo." Nakayuko ito, hindi niya magawang tignan ang taong pinagkakautangan ng kanyang ama.
"Virgin ka pa ba?" Biglang napaangat ng mukha si Madel. Hindi niya nauunawaan kung bakit ganuon ang tanong nito. Muli siyang tinignan ni Orion, mula ulo hanggang paa.
"O-opo." Nangingiming sagot ni Madel.
Natawa si Orion. Hinawakan niya ang dalaga sa baba at itinapat ang mukha nito sa kanyang mukha, pagkatapos ay ngumisi na tila ba hindi ito naniniwala sa babaeng kasama niya.
"May nobyo ka, pero virgin ka pa? Niloloko mo ba ako?" May inis na tanong ni Orion na halos magdikit na ang kanilang mukha. Hindi naman makapag-salita si Madel, kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Nararamdaman ng dalaga na hindi mabuting tao ang lalaking kaharap niya kaya nakakaramdam siya ng takot dito.
"Pakakasalan mo ako. Pero ang lahat ng ito ay hanggang isang taon lang, pagkatapos ay ididvorce kita. Kapag ginawa mo 'yan at tinupad mo ang kasunduang 'yan ay mapapasa-inyo ang lupain na pag-aari ng iyong ama. Isang taon, kaya mong gawin? Kung ayaw mo, gusto ko bukas ay wala na kayo sa lupain ko." Hindi naman malaman ni Madel kung ano ang isasagot niya. Pero hindi niya kayang makita ang pagkalugmok ng kanyang mga mga magulang kaya kung ito ang paraan ay gagawin niya. Isang taon lang naman at mag-hihiwalay din sila.
"P-Pumapayag ho ako." Nauutal nitong ani. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng lalaking nakahawak sa kanyang baba. Pisil ni Orion ang mukha ng dalaga, pero hindi naman ito nasasaktan sa ginagawa sa kanya ni Orion.
"That's good. Mabuti naman at pumapayag ka. Pero may mga kondisyones pa ako." Wika ng binata. Hindi naman kumikibo ang dalaga, nakatitig lamang ito sa lalaking matikas at ubod ng gwapo. Pero ni katiting na paghanga ay walang nararamdaman si Madel para sa binata, ganuon din si Orion. Ang nais lamang nito ay mapagsawaan niya ang babaeng kaharap niya, at kapag tapos na siya ay ipapawalang bisa na nito ang kanilang kasal.
"You will follow my every command, and our marriage must stay a secret. Fulfill your responsibilities as my wife, but you must never disclose to anyone that we are married." Kiming tumango ang dalaga sa kanya. Ginagawa niya ito para sa kanyang ama. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang at hindi niya kakayanin na makitang naninirahan ang mga ito sa gilid ng kalsada.
"Higit sa lahat. Gagawin mo kung ano man ang gusto ko. Ititira kita sa condo ko sa Manila pagkatapos ng kasal. You will sign a marriage certificate, and we will get married. Hindi tayo dito magpapakasal sa Pilipinas. Tatawagan ko ang abogado ko sa America at magpapaayos ako ng marriage certificate para sa ating dalawa. Ipapaayos ko ang pasaporte mo at pupunta ka ng America mag-isa at hindi ka sasabay sa akin. Duon ka tutuloy sa hotel na pag-aari ko sa New York. Hihintayin mo ako duon, siguraduhin mo na handa ka sa lihim na kasalang ito. Isang taon lang 'yan. Wala kang makukuha sa akin na kahit na ano dahil pipirma ka sa isang prenuptial agreement na nagsasaad na singko man sa aking kayamanan ay wala kang makukuha pagkatapos ng isang taon. Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo sa akin na virgin ka pa. Masama akong magalit Madel, malupit akong magparusa. Naiintindihan mo ba 'yan?" May diin na sabi ni Orion. Takot na tumango ang dalaga at isang luha ang pumatak sa kanan mata nito.
"Hintayin mo ang tawag ko sa'yo. Ibigay mo sa akin ang numero mo at ako na ang bahalang kumontak sa'yo." Tumango lang si Madel at pinaalis na rin agad ito ni Orion.
Ano kaya ang buhay na naghihintay kay Madel sa kamay ng isang malupit na mafia boss?