Kabanata 16

2023 Words
Maraming nangyari noong gabing iyon at pagkatapos noon, wala naman ng interesadong nangyari sa buhay ko. I mean, life goes on. Gaya ng nakasanayan, iyon pa rin ang ginagawa ko sa araw-araw. Hanggang sa hindi ko namalayan na nagsisimula nang sumibol ang mga bulaklak sa hardin at naging blooming ang paligid. "It's already spring..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid mula rito sa veranda ng aking kuwarto. "Rei?" tawag sa akin ni Kuya Yuri. Mabilis akong pumasok sa loob at pinagbuksan siya ng pinto. Nagulat ako nang hindi lang iisang nilalang ang bumungad sa akin, kun'di apat sila. "Magandang umaga sa inyo," bati ko sa kanilang lahat. "Magandang umaga rin," bati nila pabalik sa akin. Mabilis ko namang pinatuloy silang apat sa kuwarto ko. Akala ko noong una ay si Kuya lang ang maghahatid sa 'kin papuntang academy ngunit silang tatlo rin pala ay kasama. Para sabay-sabay na raw pagpunta roon. Kaya sa loob ng winter season na lumipas ay rito sila sa manor nag-stay. Pinayagan naman sila ng mga magulang nila, nang sa ganoon daw ay mas makilala ko sila ng lubos, at hindi naman sila nagkakamali. Marami akong nalaman mula sa kanilang tatlo. Nagsimula sa mga gusto nila hanggang sa matapos sa pagtuturo sa akin ng healing ability. Hindi na nila ako tinuruan pa mag-ensayo sa pag-eespada dahil propesyon ko na raw ito. Nagbiro pa nga sila na baka raw ay mahigitan ko pa sila pagdating sa usapang “swords fighting”. Sabi rin nila na mas kakailanganin ko raw ang healing ability lalo na't kapag nag-ensayo ako sa loob ng akademiya. "Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" tanong sa akin ni Kuya. "Kagabi ko pa hinanda," sagot ko. "Excited yarn?" pang-aasar sa akin ni Lu. Tinarayan ko na lang siya na kinatawa naman ni Kuya. Nang makita ko na sinamaan ng tingin ni Lu si Yurian ay mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa dahil tiyak mauuwi na naman ito sa awayan nilang dalawa. Pagkatapos ng kaarawan ko ay roon ko lang nalaman na mas matanda pala sila sa akin. Si Lucius ay 19 years old. Si Jino ay 18 na gaya ni Kuya Yurian. Si Solon naman ay 20 na, siya ang pinakamatanda sa apat pero hindi halata sa height niya... hehe. Kahit na mas matanda sila sa akin ay mas pinili nila na huwag daw ako gumamit ng mga pormalidad sa kanila. Ayos din naman sa akin iyon dahil doon ako mas komportable. "Hayaan mo na ‘yang dalawa riyan, Rei. Halika samahan mo na kami," ani Sol. Tumango naman ako at iniwan na namin silang dalawa sa kuwarto ko. "May something ba sa kanila?" tanong ko kay Jino at Sol habang naglalakad kami papunta sa office room ng duchess. Napatingin naman sa akin ang dalawa. Nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi ni Jino. "Kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa, sa kanila na lang iyon," sabi ni Sol. Napatango-tango na lang ako at hindi na rin naiwasan na mapangisi nang makuha ang ideya mula sa kanilang sinabi. Kaya naman pala... Pagdating namin sa office ay nakita ko sila Mom at Dad na pinipigilan ang pag-iyak ngunit nang makita ako ay mabilis silang humagulgol. Natatawa na lang akong lumapit sa kanilang dalawa at niyakap sila. Hinagod ko ang likod nila at hinalikan ko sila sa pisngi. "Tahan na po," pagpapakalma ko sa kanilang dalawa. "You just turned 16. I can't see you as a big girl up until now. That's because you're still our baby!" hagulgol ni Mom. Napangiti naman ako habang niyayakap sila. "I will remain as your baby as much as you wanted," I said. "I never saw the Duchess and Duke that cried this much when Yurian left to enter the academy too," Jino said while leaning on the door. "You just didn't saw it. The manor almost turned into a swimming pool because of them." Suddenly, Liam joined us. Umalis naman sa may pinto si Jino nang tumikhim si Liam na senyas na gusto niyang pumasok. Nang kumalma sila Mom at Dad ay mabilis akong tumabi kay Sol, tumabi rin naman pagkatapos noon si Jino sa akin. Habang sila Mom at Dad ay nasa harapan namin at si Liam na nakatayo sa likuran ko. "Mag-iingat ka roon," paalala sa 'kin nilang dalawa. Ilang beses na nila itong sinabi sa akin ngunit hindi ako magsasawa na marinig iyon mula sa kanila. "Opo," sagot ko. "Liam, ihatid mo na sila sa teleportation room," sabi ng duke bago tumayo at tumalikod sa amin. "Bilisan niyo dahil baka hindi ako makapagpigil na itali si Rei sa loob ng kuwarto niya para hindi lang siya makaalis," aniya. Nagulat kami nang batukan ni Mom si Dad. "How can you talk that careless in front of your daughter?" Mom asked while sniffing. This is... deja vu? Same scenario from before, when I first saw them together in this room. Same place yet different time. I laughed and hugged them again. "Make sure to have a peaceful day and night while I'm not here." "We will make sure of that, daughter," Mom said and kissed me on my forehead. Gaya nga ng sabi ni Dad ay si Liam ang naghatid sa amin sa teleportation room. "They must be really sad," Liam said. "They are," Jino said. Bago pa buksan ng isang mage sa room na ito ang portal ay may huling habilin pa akong binigay kay Liam. "Please, take care of my parents until I come back. Take care of yourself too. Don't be careless." Tumango naman siya sa akin bago nag-bow. "Masusunod, young lady." Napatingin naman ako kay Lu nang marinig siyang humagikgik mula sa may pinto. Nakita ko siya roon habang kasama si Kuya Yurian. Napailing-iling na lang ako nang makita na halos hindi makapag-eye contact sa akin si Yuri. "Nakakahiya naman marinig na sinabi mo ang mga iyon sa isang knight na pinangalanang ‘Crimson Blood Knight’ dahil sa galing niya sa pakikipaglaban," sabi ni Lu. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. "Ha?! Liam...?" Napabuntong hininga ako. "Hindi na nakakapagtaka kung bakit marami siyang fans, 'di ba?" wika pa ni Lu "Sa loob ng isang taon nating pagsasama ay hindi ko 'yan alam," nagtatampo ngunit pabiro ko ring sinabi. Nakita ko naman ang pagpula ng tainga ni Liam kaya napangiti naman ako. "Mas mabuti siguro kung umalis na kayo. Dahil baka pati ako ay magwala at pigilan ka sa pag-alis," sabi ni Liam. Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. "Halika na," yaya ni Sol. Tumango naman ako at bago pa ako tuluyang pumasok sa portal ay tumingin pa ako kay Liam. Doon ko nakita ang pinipigilan niyang luha na bumuhos. Ginawaran ko siya ng ngiti bago ako tuluyan mawala sa paningin niya. Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang malaking gate at sa likuran namin ay isang gubat. "Nasa academy na ba tayo?" tanong ko. "Not yet," tugon naman ni Jino. "It's surprising to see you not vomiting after you came out from the portal," Kuya said. "This is your first time, right?" Sol asked. "Yes," pagsisinungaling ko. Sanay na talaga ako sa paglabas at pasok sa portal dahil kahit noon pa man ay portal na talaga ang gamit naming dalawa ni Yulin sa tuwing pupunta kami sa iba't ibang kaharian. "You're really amazing," Lu said. "That doesn't sound convincing. That's sarcastic, right?" Taas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Tanging tawa na lang ang tugon nito kasabay ni Jino. May nilabas na isang card mula sa bulsa si Solon at pinasok iyon sa maliit na butas na tanging card lang na iyon ang kakasiya. That's not a normal card, even its size is not normal. It's too small that I almost not see it, if Solon didn't hold it, I won't see it in the first place. Pagkapasok noon ay may ni-confirm pa, gaya na lang ng eye scanner at fingerprint hanggang sa tuluyan ng bumukas ang gate ng akademiya. Pagpasok ko ay napanganga ako sa laki. May iba't ibang gate pa sa loob! "We're now inside the academy," Jino said to me. "This isn't just academy. This is like a whole city!" bulong ko. Pagharap ko sa likuran ko ay nagulat ako nang makita na nakikipaglaban sa kung anong nilalang ang tatlo. Kaya naman pala hindi sila sumunod sa akin. "Kuya—" Lalapit na sana ako sa kanila nang pigilan ako ni Jino. Seryoso siyang tumingin sa akin at umiling-iling bilang senyas. "Don't," he said. "Then, just help them," ani ko. "Who would protect you then? We're inside the academy and they're outside," aniya. "It's more dangerous here than you think." "Also, those monsters are not normal. Can you see the mark on their bodies?" tanong nito. Pinagmasdan ko naman isa-isa ang mga nakakalaban ng tatlo at napatango na lang ako nang makita ang sinasabi ni Jino. Marka na nakatanim sa iba't ibang bahagi ng katawan nila... "That's the mark of..." He looked at them, so do I. "Devil," we both murmured. Napag-aralan ko ito noon kay Yulin! Ang mga nilalang na may marka ng araw na kulay itim ay ang mga taga-sunod ng diyablo at tanging siya lang ang sinusunod ng mga ito. "Why are they attacking?" tanong ko sa kaniya. "To enter the academy. Lagi silang nakaabang sa may gubat na iyan at naghihintay ng pagkakataon na makapasok," aniya. "Bakit?" tanong ko pa. "Because there are many mana stones that are planted here in the academy. Those are to protect the academy and the knights as well," paliwanag nito. "Kaya naman pala..." bulong ko. "But didn't they knew, once they enter the academy, they will die, because there's a special divine barrier here inside," paliwanag pa niya. "Then, why won't y'all let them enter? Isn't it more easier because the divine barrier will kill them?" I asked. "If they come in, the emergency bell will ring, that will made the whole academy in mess and panic. The bell is a reminder that someone came in with a bad deeds. Also, the bell will not only affect those evil, but also us, because it attack who has the devil mana." "Ah... I get it now," I murmured. All of us have devil mana that's why sometimes we need to be careful in order to not be swayed and owned by that mana. We have it as a blessing from both divine and devil Gods and Goddesses of this world. But, since devil mana is uncontrollable, there are many case that species died because of that. But recently... there's a news that someone survived... that must be the "boss" of those monster who are attacking my friends and Kuya. Nanatili lang ako sa puwesto ko kahit na gusto ko tumulong hanggang sa... "The gate was about to close!" Jino shouted. Mabilis na napatingin sa amin ang tatlo. Nag-aalala akong tumingin sa kanila nang pinagpatuloy pa rin nila ang pagkikipaglaban. "Faster!" sigaw ko. Sabay-sabay ulit silang napatingin sa amin at sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na sila bago pa tuluyang sumara ang gate. Nakahinga naman ako nang maluwag matapos makita na nandito na sila sa loob ngunit nagulat ako nang makita ang mga minor injury sa katawan nila. "Worry less, Rei," Yuri said. The three of them smiled at me and then later on, they glowed. After that, their bodies that full of bloods and wounds all vanished as if nothing happened. They used cleansing and healing ability at the same time...? Wow! "I'm sorry because you have to see it as soon as you entered the academy," my Kuya said. "Why are you sorry? It's actually cool, but it also made me worry," ani ko. Nagtaka ako nang sabay-sabay nilang sinamaan ng tingin si Jino. "Didn't we said that you shouldn't let Rei see that?" Lu said. "I'm sorry," Jino responded. "Huh...?" nagtatakang tanong ko. "Those monsters are already planning to attack us even when we're outside. We're trying to protect you, that's why you didn't feel their presence. Not only that, we're also trying to protect your innocent eyes," Sol explained. Lu sighed. "Poor eyes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD