NAPANGITI si Angelica habang nakatitig sa kisame. Paano ba naman kasi naabot niya na ang kanyang pangarap. Ang maipakilala si Kiel kay Jen at alam niyang nagustuhan naman ito ng kapatid niya... Akala niya ay mahihirapan siyang ipakilala si Kiel kay Jen pero lahat ng kanyang pag-aalala ay nawala dahil malayang tinanggap ng kanyang kapatid ang lahat. Wala na siyang hihilingin pa dahil nakuha niya ang kanyang pangarap. Ipipikit niya na lang sana ang kanyang mga mata nang biglang may narinig siya na mahihinang katok sa kanyang pinto. Bigla siyang bumangon upang tingnan kung sino ang kumakatok. Lumakas ang kabog ng kanyang puso dahil sigurado siyang si Kiel iyon dahil hindi naman gawain ni Jen ang kumatok dahil bigla-bigla na lamang itong pumapasok… Kinakabahan na binuksan niya ang pinto. Hin