HINDI ko mapigilang hindi kabahan lalo na at sa iisang silid lamang kami matutulog ni Kiel. Ang kaba sa aking puso ay ganun na lamang. "Afraid?" tanong sa kanya ni Kiel. "Kung naaasiwa ka na magkasama tayo sa iisang kwarto ay pwede naman tayong maghiwalay ng silid. Kung gusto mo ay ipapaayos ko ang guest room kay Mang Ador," ani pa sa kanya ni Kiel. "Kung dito ba ako matutulog sa kwarto mo ay walang mangyayari sa ating dalawa?" tanong niyang kinakabahan. Nilapitan siya Kiel at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Hindi ko maipapangako dahil sa totoo lang, ito ang pangarap ko----ang makasama ka," pag-amin sa kanya ni Kiel. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso lalo na sa mga tingin nito na tila ba nag-aapoy. "I will respect you. Maiitindihan ko kung ano ang desisyon mo. Handa akong maghintay A