Am I really ready?

949 Words
"Laurice Shane Silva Rivera, c*m Laude" I can't help but cry as i recieved my diploma. Nakaya ko ang lahat, nakaya kong tumayo sa sarili kong paa. My tita gave me a simple celebration, Russel and Mellie were here. Ilang beses ko na atang narinig ang salitang "proud" sa bibig nito. Narito din si Sam, nagtampo siya nung una pero kalaunan ay nawala din. "Let's take a picture" sabi ni Mellie "We took several shots" ang saya ko ngayon "Gumawa ka ng f******k Laurice, utang na loob" sabi ni Mellie "I have one, I added you guys a year ago" i said "Really?" Di makapaniwala nilang sabi, I saw Mellie checked her account "I used the name Black Rose, kahapon ko lang pinalitan ng pangalan ko. Kahapon lang din ako naglagay ng photo ko. It's a photo from our graduation pictorial" i explained "Oo nga. I will tag you, okay?" Excited na sabi ni Mellie "Okay, let's eat" yaya ko For the first time in six years, I felt genuinely happy. "Shane, may naghahanap sayo" sabi ni tita "Sino po?" Nagtataka kong tanong, habang palapit sa pintuan "Mga kaibigan mo ata" sabi ni tita at nilakihan ang pagbukas ng pintuan Nakita ko sina Luke at Ares na pumasok. "Luke? Ares?" Naiiyak na ako sa tuwa "you're here" "We will not miss this celebration" sabi ni Ares "Kumain na muna kayo, dali" sabi ko at sinamahan sila papasok sa kusina "I invited them shane, nandito din ang dalawa sa amerika. Nakita nila ang post ko kanina sa f******k during your graduation ceremony, sorry" apologetic na sabi ni Mellie "It's okay. Ang saya ko ngayon Mellie" Nag bonding kami sa harap ng bahay ni tita, nag-inuman, kuwentuhan at asaran. Napansin din nila ang mga pananim ko. Iniwasan ko munang magkwento kina luke at ares tungkol sa nangyari at nagpapasalamat ako kina Sam, Mellie at Russel dahil sinasalo nila ako pag nagtatanong na ang dalawa. "Babalik ka ba agad ng pinas shane?" Sabi ni Luke "No, tatapusin ko muna ang pag-aaral ko Luke" "Teka, kaka-graduate mo lang ah" nagtatakang tanong niya "I also took Architectural Engineering, in two years time I will be able to finish it" sabi ko "Woah! Ikaw na shane" sabi ni Ares na kanina pa tingin ng tingin kay Sam "What's your plan shane?" Tanong ni Luke "Magtra-trabaho ako sa kompanya na naka base dito, pagka graduate ko saka ako uuwi" sabi ko Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin. Mellie kept on taking pictures, she posted it on f******k and put "just like the old times" as its caption Nang nakaalis na ang barkada ay kinausap ko si Atty Sebastian na humabol sa celebration. "Atty. dito muna ako magtatrabaho sa isang branch ng kompanya" pinal na sabi ko "Pero iha..." "may kailangan pa akong tapusin dito Atty., I will work as an employee and will be compensated like those of our regular employee but gaya ng dati dad should never know about this" "Hindi mo naman kailangan gawin to iha" sabi ni Atty. "I told you already atty" "Sige iha, I will arrange everything" sabi nya dahil kahit ano man ang sabihin niya alam nito na desidido na ako "Thank you" sabi ko sa kanya. I worked hard at the company, everybody thinks i'm the heiress of the company. I tried real hard to make it grow. Para pag dumating ang panahon, bou ko itong maibibigay sa kanila. Time flies so fast, natapos ko ang pag-aaral ko. There are some companies who offered me a job but I declined. May malaking utang pa akong kailangan bayaran. After graduation, I still worked here. I received a call, informing that my dad is rushed to the hospital. Kinailangan kong umuwi, kahit galit ako kay daddy he is still my father, i guess its time. It's time for me to go home. Home...i don't think I have one. Iniwan ko ang branch sa New York na matatag, i am sure it will survive even without me. Our employees are very good and efficient. "Tita, i have to go home. Lumala ang sakit ni papa" paalam ko kay tita "I understand, I guess its time iha. Be strong, okay? And please, find forgiveness in your heart iha" sabi ni tita "Opo tita" tita and I cried. I'm gonna miss her, for the last 8 years she treated me as her own. Nasa kwarto ako when I saw my phone blinked, it was Sam she sent a request for a video call "Hi sam" "Hey, uuwi ka raw sabi ni Lola?" "Yeah. Im packing my things now" "At last, ready ka na?" "I guess so" "How about chase?" "Alam kong alam mo ang sagot diyan Sam" "Yeah, when will you be home?" "Tuesday" "I'll see you then, we will fetch you okay?" "Okay" "No matter what Shane, andito kami okay? Ayaw kong danasin mo ulit yung dati" "I'll be fine Sam. I made it for the last 8 years" "Yeah, pero nagtago ka naman ng halos limang taon" "Wag ka na ngang magtampo, okay?" "may magagawa pa ba ako? Will catch up okay? Lagi kang hinahanap ni tatay gaston" "K-kumusta si tatay?" "Relax he is fine. Salamat daw sa mga tulong na pinapadala mo" "I will visit him soon. Ang garden natin?" our garden that is filled with memories "It's good. They managed to mainatain it. Magkatulong na silang mag-asawa sa pag-aalaga dun, ang presidente ng school ay hinayaan silang gamitin iyon" "I'm glad to hear that" "I'll see you shane, I have to go may kailangan pa akong tapusin. Simula ng nagkasakit si tito ay ako halos ang nag-aasikaso" "I'll see you too" Isang mapaklang ngita ang aking pinakawalan Am I really ready?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD