I'm jealous

1576 Words
Ravendale High Katatapos lang ng klase namin ni Sam at napili naming tumambay sa cafeteria ng school "Any plan Laurice?" She asked me while sipping her orange juice "Uh-huh. I need to check Chase's activity in this school, clubs and any activities maybe" "Hoy! Laurice Shane Montez Rivera andito tayo para mag-aral hindi para lumandi. Umayos ka nga!" Natawa ako sa biglang galit ni Sam pero matagal niya ng alam ang pagkagusto ko kay Chase. She even uses "C" bilang code niya "Tss. Don't worry, i'll make sure that I will top this quarter, no this school year and kahit na magtapos I will top the class so don't worry Sammy Baby" panigurado ko sa kanya "Pero teka nga, ilang beses na nating nakita si "C" pero di mo naman siya pinapansin ah may padeadma ka pa sa kanya" kita sa mukha ni Sam ang pagtataka "Yeah, I did it on purpose Sam. Akala niya siguro talagang dead na dead ako sa kanya pero toto naman. It's my tactic you know" I smiled sheepishly upon saying it "magtigil ka nga! Patay na patay ka naman talaga sa kanya, imagine palagi mo syang iniisip to the point pati ang pag-aasawa naisip mo na rin. Ilang beses na ba kayong kinasal sa isip mo?" "Tumahimik ka nga Samantha, may makarinig sayo. Basta may plano ako, papasukin at guguluhin ko ang mundo niya dito" "Tse! Isusumbong na talaga kita sa mama at papa mo" pagbabanta niya "Walang support friend? Grabe ka ha" may pagtatampong sabi ko "Tsss. Umayos ka, papasok sila "C" dito sa cafeteria" "fine Sam. Huwag na angry okay?" at gaya ng palano ko kanina pa ay inumpisahan kong mag-aral ng lessons namin while having our snacks. Kahit na head over heels ako sa kanya mas dapat kong unahin ang pag-aaral ko dahil dito nakasalalay ang future hubby ko. I smiled at that thought though Nasa kalagitnaan ako ng pagso-solve sa math ng bigla akong sinipa ni Sam. "Why? Problema mo Sam? Nag-aaral ang tao ehh" galit kong sabi at pinagpatuloy ang pag-aaral. "Your impossible Laurice! sabi nila oh kung pwede bang makiupo" "Eh di umupo sila, hindi ko naman pagmamay-ari to eh kahit pa matulog sila it's fine with me Sammy Baby" sabi ko without looking at the group "Upo na raw kayo, pagpasensyahan niyo na ganyan talaga yan pag nag-aaral " paumanhin ni Sam I continued what i'm doing nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Wait, I know this smell, its...darn! Nakakahiya ang mga pinagsasabi ko kanina. Lupa eat me na, eat me. Putek! I looked at my bestfriend, nag ngiting aso siya. I gave her a Humanda ka mamaya look. "Transferee kayo? Ako pala si Russel these are my friends Luke, Ares and Chase. You are?" "I'm Sam and this is my friend Laurice Shane" pakilala ni Sam then shook hands with them. Ginaya ko sya and gave them a nice meeting you too look. Kinakabahan ako kasi katabi ko sya ngayon, binalik ko na lang ang pansin ko sa ginagawa ko. Nakikinig na lang sa usapan nina Sam at ng barkada ni Chase. "Saang school kayo galing?" Si Ares isa sa kaibigan ni Chase, matangkad ito, gwapo at Chinito "Sa San Vicente High kami galing and pareho kaming academic scholar pero si Laurice full academic scholar yan at siyempre pride ng dating school namin" pagmamalaki ni Sam "Wait, di ba ikaw yung isa sa representative sa International Quiz Bowl?" manghang sabi ni Luke "Yup" saka tipid na ngumiti sa kanya. Tinoun kong muli pansin ko sa mga notes at libro ko. Kakahiya... "Chase, dumami ang sasali ng C.A.T ngayon ah. Palagay ko dahil yun sayo" si Russel "Iba na talaga pag gwapo at matalino ang Core, have you seen the list?" dagdag ni Ares "Tumigil nga kayo, tingnan natin kung maka survive ang lahat" Sam and Chase's friends are having fun. Napansin kong may sinusulat si Chase sa tissue and pass it to me secretly Chase: Can't keep your words? I looked at him and he smirked. I heard the bell rang, instead of writing my reply I whisper to him "Just wait, baby" I said sarcastically Nakita ko ang pag-igting ng ng panga niya, paalis na sana kami when a group of girls went to the table. "Babe, you're here" sabi nung babae na mukhang cheerleader saka hinalikan ito. Nagulat ako sa ginawa ng babae, sarap kalbuhin. Sa inis ko deretso akong umalis doon "Mauna na kami, nice meeting you" dinig kong sabi ni Sam na nagkukumahog na sumunod sa akin. Mabilis na lumipas ang panahon, I have learned about Chase's whereabouts. Minsan nakikisabay ang grupo ni Chase sa amin sa cafeteria pero pag nandyan ang gf niya they sat on different table. Naglalakad kami ni Sam papuntang Bulletin Board, katatapos lang ng first quarter exam namin at gusto kong makita ang ranking ng third year. I heard Mellie screams, we made few friends already pero si Mellie talaga ang naging parte namin ni Sam. "Laurice, top 1 ka" Kahit na sinabi niya yun lumapit pa rin ako upang tingnan ang average ko and i saw Sam on third spot with an average of 94, our classmate Brian was second his average is 94. 98 and mine is 96.95. "Darn, that is low" binatukan ako ni Sam pagkarining nun. Pumunta kami nina Sam at Mellie sa Cafeteria. "Kami na ni Mellie ang o-order Laurice, humanap ka na lang ng mauupuan natin" si Sam "O-okay. I'll have fries, sundae, Chocolate Cake and Blackforest Shake sam" "Stress?" "Tss..." tinalikuran ko nga, naiinis talaga ako ngayon napili kong umupo sa dulo ng cafeteria, naiinis pa rin ako. I saw Mellie and Sam on the line, I wave at them para makita nila kung nasaan ako. Naiinis pa rin ako, kanina ko pa inisip kung saan ako nagkulang ang OA no? Pero talagang inis ako at dahil dun hinampas ko ang libro sa mesa saka yumuko. "Kawawa naman yung libro" sabi ni Mellie. "If it is all about your average, chill lang okay?" Narinig ko si Sam "That was low sam, crap! " Naiinis man pero inangat kp na ang tingin ko. Ibubuhos ko sa pagkain ang inis ko. To my surprise... "Hi Laurice! Makikiupo ulit kami" I saw russel sit beside mellie "Bad day huh?" Si ares I felt Chase sat beside me, wala akong panahon sa kanya ngayon. "What happen?" Nagtatakang tanong ni Luke "Naiinis sa average niya" si Mellie na nagpapacute kay Russel. Landi talaga nito. "Bakit? Is it low?" Si Luke ulit "Nope, top one nga sa boung third year, she got 96.95 and there she is looking frustrated" konti na lang talaga tong si Mellie sa akin "Frustrated? Okay ka lang Laurice? Mataas kaya yun" gulat na wika ni Ares "I'm not okay,darn! What's wrong with her at bakit naapektuhan ang grades ko sa kanya?" I turned to see Sam alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin "Pumayag ka na kasi sa gusto ni Ma'am" "Joining a pageant is not my thing sam, ang babaw lang ni Ms. Señerez para gawin yun. I'll do whatever it takes to get my grades back, kaya sige sasali ako sa bwesit na Ms. Ravendale na yan" naiinis kung sinawsaw sa sundae ang fries tsaka sinubo ito. Wala akong pakialam kung andito si my loves ko sa tabi, naiinis din ako sa kanya. I saw Mellie and Sam smirked. While Chase's friends is watching me with amusement. "Ganyan ka ba talaga kumain ng fries Laurice?" It was luke, I saw him eat his sandwich "I like it this way, problem?" Sungit ko mga level 100 "Nah, I just happen to know a person who likes to eat fries that way too" a smile was plastered on his face. I raised my right brow giving him a Who look "Si Chase, ganyan din siya kumain ng fries. Bagay talaga kayo. Top students tapos pati sa food ganun din" nanunudyong wika ni Luke nakisali na rin iba. I turn to see Chase and saw him looking intently at me. "Manhid niyan" sabi ko sabay kibit ng balikat Kantyaw naman ang inabot ni Chase sa kabarkada. I saw Sam and Mellie surprised by what I said. Wala ng hiya-hiya "Tama ka Laurice" Russel seconded "by the way sama kayo bukas sa amin magka-camp kami dun sa may Tinago Falls. Maganda yun pantanggal stress ba" dugtong nito "Kung sasama ang dalawa, sasama din ako" I saw Mellie and Sam's eyes filled with excitement which means they are good with it "Sige, kami na bahala sa camping gear at pagkain just bring your personal things at panligo na rin. Overnight tayo dun ha" si Luke ulit "Susunduin namin kayo 5am, okay lang ba?" Sabi ni russel while taking a bite of his food "Okay" tipid kong sagot at binaling ang pansin sa pagkain ko. I saw Sam , kinakain na naman ang cake ko. Nagpatuloy naman sa kwentuhan sina Sam at ang mga kaibigan ni Chase. Pasimple kong tiningnan si Chase sa tabi ko, palagi siyang tahimik pag magkalapit kami ganito kaya talaga siya. Kahit na ganito, mas nahuhulog ang loob ko sa kanya. I sighed then sip my shake when I saw the group of girls enter the cafeteria. It's Chase's girlfriend, Aleah. I immediately gather my things. "Sam, may pupuntahan muna ako. Mauuna na ako sa inyo" hindi ko na hinintay na makasagot sila dahil dali-dali akong umalis doon. I hate this feeling, i'm jealous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD