If it has to be that way...

1104 Words
I went home after my conversation with Chase, alam kong gusto niya lang mabawi ang kompanya nila masakit pero masaya na rin ako dahil magkakaroon ako ng pagkakataon na ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. One sided love at its finest "Magandang gabi iha" salubong sa akin ni Nana Sela "Magandang gabi po nana, si papa po?" "Nasa kwarto niya nagpapahinga, maghapunan ka muna iha" pagod na wika ni nana "Mamaya na po, magpahinga na po kayo nana" sabi ko at tipid na nginitian si nana Ngumiti naman ito at umalis. I went straight to my dad's room at nadatnan kong tulog siya, lalong nanghihina si papa at hindi ko alam kung kakayanin niya pa. Kahit na galit ako sa kanya hindi pa rin iyon mababago ang katotohanan na ama ko siya. "Papa, sorry po kung kinamuhian ko kayo sa mahabang panahon. Patawad po kung hinayaan ko na lumipas ang walong taon na mag-isa ka lang. Hindi ko po alam kung bakit niyo nagawa ang mga bagay na iyon pero kahit na ganun mahal na mahal po kita. Salamat po sa mga tinuro niyo sa akin at sa pagmamahal na binigay niyo. Alam ko pong nahihirapan na kayo papa at nahihirapan po ako na nakikita kayong ganyan. Be strong papa, gagawin natin ang tama at magsisimulang muli pa" I kissed papa's forehead at umiiyak na lumabas sa kwarto niya. I went straight to my room, I am crying, again. Ganito palagi pag ako lang mag-isa, sa iyak ko binubuhos ang lahat hanggang sa makatulog ako. Kinaumagahan, mahihinang katok ang gumising sa akin "Iha, may naghahanap sayo" naguguluhang sabi ni Nana Sela "Sino po?" "Si C-chase iha, pinapunta ko na sa library upang doon maghintay" may pagdududang sabi ni nana "Paki-asikaso po Nana, offer him coffee or anything po. Maliligo lang ako sandali" I smiled at Nana saka pumunta sa banyo. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Konting pulbo, lipstick at pabango okay na. "C-chase? What brought you here?" napasinghap ako ng nakita ko ang gwapo niyang mukha. Mas tumangkad pala lalo si Chase, his muscles are lean mukhang alaga ng gym at mas naging perpekto pa ang anggulo ng mukha niya "I came here to talk about the wedding, I want it done as early as possible" malamig niyang turan sa akin "Don't worry chase, ayaw ko ng bonggang kasal. Civil wedding will do" nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya "Mabuti. Here" nilapag niya ang maliit na kahon, singsing iyon "Wear that para maniwala naman ang tao na ikakasal talaga tayo" dugtong niya Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at may kung anong init ang humaplos sa puso ko, di ko alam pero ng bahagyang dumampi ang braso ko sa braso niya ay parang biglang lumundag ang puso ko Sa araw na iyon we talked about the wedding pati na rin ng kontrata namin. "Ms. Rivera, gusto ko pagkasal na tayo ay doon tayo sa condo ko titira" "W-why?" "Ayaw kong makasama ang daddy mo at ayaw ko ring makasama ka ng kapatid at ng daddy ko" nasaktan ako sa sinabi niya, kontrata nga lang talaga sa kanya ang lahat "O-okay" i answered shortly and smiled at him. "Kailangan ko ng umalis, tawagan mo na lang ako kung handa na ang lahat" iyon lang at umalis siya ng walang paalam Alam kong mali, alam kong kailanman hindi magiging tama ang gagawin ko. I told Sam and Mellie everything ng minsan ay napagkasunduan namin na magkita sa coffee shop. "You are insane, Shane!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Mellie "I know, please don't tell others about it, will let them see that nothings wrong between us" pakiusap ko "So kailan ang kasal?" Tanong ni Mellie "As soon as possible, it will be a civil wedding. Chase and I, Attorney Sebastian, you two and the judge will be there only" i said and took a sip of my coffee "Sure ka na ba talaga? Makakaya mo ba yan alam mo na galit si Chase, diba? Baka naman pahirapan ka niya o maghiganti siya? May girlfriend pa siya diba? Paano kung iwan ka niya after six months? " I can see Sam's concern in her eyes, she knew about my plan but does not know I will go this far but there is no turning back now "If it has to be that way sam kakayanin at tatanggapin ko ang ano mang mangyayari. Nakahanda ako sa anumang bagay na pwedeng mangyari" I said and smiled at them Sam's last word hit me, paano nga kung may girlfriend pa ito? Ang tanga ko, di ko man lang naisip yun. Mellie, Sam and I took that day off, we spend it talking about my life back in America. I told them everything except for one thing, there is always one day in everything. Kinagabihan we went to Nitro Bar sabi nina Sam it is owned by Ares. The bar was nice and as usual the people are dancing wildly on the floor Pumwesto kami sa may sulok medyo malayo ng konti sa maraming tao, I like it this way. Nasanay akong malayo sa tao, I keep myself distant sa lahat. "Laurice, I want you to enjoy this night. Alisin mo muna sa isip mo lahat, okay? Kahit ngayon lang, free yourself and be yourself again and let's think of it as your bridal shower okay? " makahulugang sabi ni Mellie Tumango ako at uminom ng margarita, pagbibigyan ko ang sarili ko kahit ngayon lang. Sa loob ng walong taon ay di ko matandaan na sumaya ako ng sobra, di ko naransan na tumawa muli dahil sa loob ng walong taon na iyon ay napuno ako sa galit at lungkot. Kahit ngayon lang gusto kong magpakalunod sa lahat. Uminom ako just like before, alak ang naging kasama ko at sa pagkakataong ito ay gusto kong malunod ulit nito. Naisip ko na naman lahat ng nangyari sa akin at di ko mapigilan ang mapaiyak. Why me? Bakit ako pa sa lahat ng tao? Naging masama ba ako? Oh, how I hate this life! I watched my bestfriends dance in the floor, they look so happy. I drink and drink and drink alcohol, gusto kong maging manhid kahit sandali. Kahit ngayon lang. Pinagmasdan ko ang singsing na binigay ni Chase kanina, ang saya siguro kung totohanan ito pero hindi everything is just a lie. Pait ang sumilay sa aking puso sa isiping yun. My Chase is no longer the same. I closed my eyes with tears on its brim. I hope everything ends now, no, I hope everything is just a nightmare and be back to when I was happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD