Secret Place

2055 Words
Ravendale High It has been two weeks since our escapade sa Tinago at halos naging busy kami sa school pagkatapos pero buti na lang I found something. "Saan tayo?" Sam asked, kakatapos lang ng klase namin, break time na at pagkatapos nito wala kaming klase for the next two subjects kasi na-hospital di umano ang teacher namin. "Kung sa canteen tayo sam malamang maraming tao dun ngayon at naunahan na naman tayo sa favorite spot natin, ang tagal kasi bago tayo pinalabas ni Sir eh" nakita ko ang iritasyon ni mellie "I know a place, bumili na lang tayo ng foods tapos dalhin natin doon" aya ko sa kanila "Okay, san ba yun?" Si mellie ulit "Basta, let's go" Bumili kami ng pagkain sa canteen, we bought chips and sodas. Nasa counter kami ng mapansin ko ang grupo ni chase kasama ang ibang cheering squad. I saw him looking at me and darn kinabahan akong bigla, nagkunwari akong humahanap ng mauupuan. "326 lahat" sabi nung cashier "Here" inabot ko ang bayad, i saw sam, kinuha niya yung foods namin na kalalagay lang sa cellophane. "Daan muna tayo sa locker guys" aya ko sa kanila at pasimpleng lumingon sa kinaroroonan nina Chase. Nakatingin pa rin sya sa amin. "Tulungan na kita sam" aya ni Mellie "Sige, ang mahuhuli papuntang locker ay siyang manlilibre bukas" nakangising sabi ni Sam. Nagkatinginan naman kaming tatlo at nag-uunahan ng kumaripas ng takbo papunta sa locker, we are laughing crazily while running towards the canteen's door "Ang daya, wait" i can hear Sam calling us dahil naunahan namin siya ni Mellie. Halos magkasabay naming narating ni Mellie ang locker at nakasunod naman sa amin si sam. Nilagay ko ang ibang gamit ko sa locker ganun din sila, nagtataka man dahil may dala akong extra towel ay di na rin sila nagtanong pa "Saan ba kasi tayo?" Sabi ni Mellie "Basta, magugustuhan niyo doon" panigurado ko sa kanila at nauna ng maglakad. Dinala ko sila sa likurang bahagi ng school, mapuno sa parteng ito at makalalanghap ng preskong hangin. Gustong-gusto ko ang parteng ito, marami kasing halaman na namumulaklak at dito ko nakilala si manong Gaston, isa siya sa tagapag-alaga ng school at dito siya na-assign. Nilapag ko ang tuwalya sa damuhan, naupo naman sina Sam at inihanda ang mga binili naming pagkain. "This place is so nice, how did you know this place Laurice?" nakita ko na manghang-mangha si Mellie sa spot na ito "I saw this place nung minsan ay sinamahan ko si Ma'am Alegre sa rooftop and I've been here for quite some time, nakilala ko si Manong Gaston, tagapag-alaga siya dito. See those plants? Mga bulaklak yan, tinanim namin ni Mang Gaston" paliwanag ko "That explains everything, kaya pala di ka sumasama sa amin minsan pag breaktime na kasi dito ka pumupunta, akalo ko iniiwasan mo si Chase. Inaya mo sana kami ni Sam" sabi ni Mellie "well, partly yes iniiwasan ko siya, and yes dito ako pumupunta" pagliliwanag ko "let's eat, wala si manong ngayon nasa bahay siguro nila, naaawa ako sa matandang yun" "kapag pupunta ka dito isama mo kami ha, simula ngayon ito na ang tambayan nating tatlo, mas gusto ko dito kesa dun sa canteen. Ang dami ng plastic dunvat sobrang ingay pa" sabi ni Sam at humalakhak kaming tatlo. Totoo naman kasi naglipana ang kampon ni Aleah doon Napuno ng kwentuhan, asaran at tawa ang bonding naming tatlo, mamayang ala una y medya pa ang klase namin. "Magpagawa kaya tayo kay manong gaston ng picnic table dito" suhestiyon ni Mellie "Brilliant idea" sabi ni Sam at humagikgik kami Simula noon, ganoon na kami laging tatlo, pagkatapos bumili ng pagkain sa canteen pupunta kami sa likurang bahagi ng school. Pag nandoon si Manong Gaston binibilhan din namin siya ng pagkain, napalapit na siya sa aming tatlo, para na rin namin siyang tatay. Minsan, pinagluluto niya kami ng pagkain. Naging tatay na rin ang tawag namin kay Manong Gaston. "Huwag yan, bawal kay tatay yan. Chop suey na lang" sabi ni Mellie habang namimili kami ng bibilhing pagkain sa Canteen "Good idea, bilhan na rin ng fruit shake para mas healthy" dugtong nito "Chop suey na lang tayo para fair kay tatay" sabi ni Sam "Mabuti pa nga, padagdag na rin ng sweet and sour na isda" sabi ko sa kanila Palabas na kami ng canteen nang nakasalubong namin si Luke at Ares "Hi girls! Saan ang punta niyo?" Sabi ni Luke "Pwedeng sumama? Napapansin namin na di na kayo tumatambay sa canteen ah" dugtong ni Ares "We found another tambayan" it was Sam "Tara na, baka nandoon na si tatay" pagmamadali ni Mellie "Tara na" lalakad na sana kami ng napansin kong nakatayo pa rin sina Luke at Ares doon "hoy! Kayong dalawa, tara na" aya ko Sumunod kami kina Mellie at Sam na nauna ng umalis. "San ba kayo lage pumupunta? Hinahanap namin kayo sa canteen pero di namin kayo matagpuan, tapos nakikita namin kayo na bumibili ng makakain pero nagmamadali naman na umalis agad" nagtatampong sabi ni Ares "Akala tuloy namin may nagawa kaming di maganda simula nung pumunta tayo sa tinago" dugtong ni Luke "Hindi ah, may pinagkakaabalahan kasi kami, at gaya ng sabi ni Sam may bago kaming tambayan" paliwanag ko at lumiko na papunta sa likurang bahagi ng school. Naabutan namin sina sam at mellie, malamang hinihintay kami "Anong ginagawa niyo dito?" I heard Luke from my back "Basta, Tatay Gaston?" Tawag namin habang naglalakad patungo sa malaking puno ng mangga "Oh, nandito na pala kayo. May sorpresa ako sa inyo" nakangiting sabi ni Manong at agad naming napansin na pawisan ito Habang papalapit ay nakita namin ang ginagawa ni tatay, picnic table iyon na nasa gitna ng malaking puno ng neem tree at mangga bagamat di pa tapos pero agad kaming nagkatinginan nina Sam at Mellie. "Wow tatay, ikaw po may gawa nito?" Sabi ni sam, sabay lapag ng pagkain sa lamesa "Oo, naaawa na kasi ako sa inyo na palaging nakaupo sa damuhan, pagpasensyahan niyo na at wala pang upuan tatapusin ko pa" sabi ni Tatay Gaston habang nililigpit ang mga gamit "Tatay, mga kaibigan po namin sina Luke at Ares po" pakilala ni Mellie "Magandang hapon iho, ako si Mang Gaston. Isa sa tagapag-alaga ng eskwelahang ito at dito ako nakatuka sa likurang bahagi" "Magandang umaga po manong" sabay mano kay tatay Gaston "Kaya pala lage kayong wala doon, this place is nice mahangin at malayo sa ingay ng kapwa natin estudyante" komento ni Luke "Kain na tayo" aya ni Sam "mamaya na yan tay" sabi ni sam ng napansin na maglalagari sana ng kahoy si tatay "Sige. May buko ako doon sa quarter iha, tekat kukunin ko" "Sige po" halos sabay na wika namin "Pwedeng makitambay na rin dito?" Sabi ni Ares "Oo pero paano sina Russ at Chase pati na ang nobya mo?" ani Mellie "Wala na kami. Mas gusto pa naming sumabay sa inyo kesa makipaglandian sa mga babaeng kasama sa cheering squad" luke answered Humagalpak naman ng tawa si Ares, tumikhim ito at nagsalita "Pero seryoso, nababagot kami. Mas enjoy kayong kasama, walang arte" "Sus, kung tatambay kayo dito dapat ay tumulong din kayo" ani Sam "Tumulong sa alin?" Tanong ni Ares "Dito, tinutulungan namin si Tatay sa pangangalaga dito. May mga pananim din kaming mga bulaklak" sabay turo sa mga bulak "No problem. Mamaya tatapusin namin tong upuan, paano niyo nakilala si Mang Gaston?" Si Ares ulit "Nakilala namin siya dahil kay Laurice" sagot ni Sam Simula ng araw na iyon ay halos sumasabay na sina Luke at Ares sa amin, minsan ay mas nauuna pa ang mga ito sa amin. "Girls, bukas ng hapon na ang simula ng trainings niyo as Cadettes" sabi ni luke "pero hapon naman yun after class niyo kaya may panahon pa rin tayong tumambay dito" "Di ba nagtataka sina Russel at Chase na halos di na kayo sumasabay sa kanila pag break time?" Tanong ko sa kanila while preparing our merienda, wala si tatay ngayon dito dahil umuwi ito sa kanila "Nagtatanong na nga pero di namin sinasagot na dito kami naglalagi" "Speaking of, ayan yung dalawa oh" sabi ni Ares Nilingon namin ang dalawa na patingin-tingin di siguro nila agad nakita ang kinaroroonan namin kasi natatabunan ito ng malaking puno ng mangga. It's been a month since the last time we hang out, at dahil sa kabang naramdaman mas pinili kong harapin ang mga tanim naming bulaklak. I can hear them talking "Dito pala kayo tumatambay, ang daya niyo" it was russel "Sa kanila to, nakikitambay na rin kami" sabi ni ares "May picnic table pala didto?" It was chase, his voice sounds so sexy. "Nope, ginawa ni tatay gaston ito at tumulong na rin ang dalawang ito" it was Mellie na tinuro sina Luke at Ares "Let's eat" aya ni Sam "hey, Laurice mamaya na yan kumain na muna tayo" "Sige, oh! Hi Russel..Chase" tipid akong ngumiti at pumunta malapit sa quarter ni tatay gaston upang maghugas ng kamay "Wow, ang daming bulaklak dito ah" si Russel ulit "Si Laurice at tatay gaston ang nagtanim niyan sumali na rin kaming apat" paliwanag ni Ares "So, what will you do with the flowers then?" tanong ni Chase "We will harvest it next week. Ibebenta namin at ibibigay kay tatay ang pera, bibili ka?" tinaasan ko siya ng kilay bago kumuha ng baked spaghetti na dala ni Ares "Pwedeng tumulong?" Si Russel "Yeah sure" it was Mellie "Allowed ba to ng school?" Si chase ulit "Yes. Kinausap namin, nope, pinakiusapan ko si papa nankausapin ang president ng school and pumayag naman siya" I answered at umupo na sa upuan na gawa nina Tatay Gaston, Luke at Ares "Kumain na muna kayo" sabi ni Ares " my mom baked this" Magiliw kaming kumain, nagtatawanan at nagkukuwentuhan. We spent the rest of the day there, walang klase sa hapon dahil may emergency meeting ang faculty at staff. I decided to see the flowers, kailangan kong masiguro na ayos ito its for tatay Gaston and his sick wife. Pinagkukuha ko ang mga d**o sinamantala ko ang pagkakataon lalo nat sabado na bukas, its okay kasi di naman masyadong mainit dito. "So, this explains everything" nagulat ako ng tumabi si Chase sa akin "What do you mean?" "Akala ko iniiwasan mo ako, kasi tuwing nakikita kita sa canteen nagmamadali kayong umalis lagi" "Mali ka" maikli kong sagot "Yeah. Mabait ka pala akala ko brat ka" i saw him smirked "Hindi dahil may kaya ang magulang ko ay dapat ganoon na ako. Kaya nga nagsisikap ako mag-aral kasi ayaw kong iasa ang lahat kina papa." "I know, I saw how frustrated you were nung nakita mo ang average mo" he looked at me "Magta-take kasi ako ng scholarship abroad at kailangan matataas ang marka ko" "Hmm. College? Matagal pa yun 3rd year ka pa" "Yeah, preparation lang" nakita ko siyang tumulong sa pag-alis ng mga damo "You really love flowers huh?" "yeah, I feel good whenever i'm surrounded with flowers" i smiled just thinking about my greenhouse and this garden "Where's aleah?" I asked bitterly "Practice siguro, malapit na ang intramurals. Jealous?" sabi niya "Tss. Paki mo? Bakit biglang tumahimik?" I turn to take glance pero natatabunan ni chase iyon. "Nakatulog siguro, i saw them lying on the grass. Matagal ka na nagpupunta dito?" He asked while staring at me. Na conscious tuloy ako "Yeah, dati di ako sumasama kina Sam pag break time kasi nagbubungkal kami ni tatay gaston para sa garden na ito. I am planting when I saw you and Sabrina" paliwanag ko "And you saw us?..." parang may hinahanap siyang sagot at naalala ko yung nangyari sa Tinago "I saw you, ayaw ko ng makita pa kung ano ang ginagawa niyo. Kaya tinoun ko ang pansin ko sa pagtatanim. I'm sorry pala sa tanong ko nung nasa tinago tayo, nag-away tuloy kayo ni Aleah" "It's okay, were okay." he smile "Tss, grabe in love ka talaga sa kanya nuh?" I can't help but smile bitterly, umusog ako para mabunot ang iba pabg damo "Hmmm. Why?" Kanina pa to, bakit ba kailangan niya akong titigan "Nothing" tumayo ako at naglakad palayo sa kanya di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko How will I chase you if you're in love with somebody already? Crap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD