Chapter 19

2456 Words

“SAAN mo ba ako dadalhin?” tanong ni Angelu kay Timothy habang palayo na ang sinasakyan nila. Halos sampung minuto na silang nasa biyahe at medyo malayo na ang kinaroroonan nila sa bahay niya. Hindi nagsalita si Timothy, ni hindi ito tumingin sa kaniya dahilan para marahas siyang mapabuntonghininga. Ngayon ay bumabalik ang galit na nadarama niya dahil sa pagkuha ni Timothy sa mga anak niya. “Kung saan mo man ako dadalhin ay siguraduhin mong nandoon ang mga anak ko! Dahil kung dadalhin mo lang ako kung saan na wala naman ang anak ko ay pababain mo na lang ako rito dahil mas gugustuhin ko pang mag-isa sa bahay kaysa makasama ka!” galit na sabi niya kay Timothy. Masamang tinignan siya ni Timothy pero imbes na matakot ay mas pinatapang pa niya ang sarili at masamang tinignan ang binata. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD