When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“AALIS ka at magpupunta ng Korea tapos isasama mo ang mga bata para doon na kayo tumira?” tanong ni Angelu kay Timothy at may galit na ang tono ng boses niya. “Ilalayo mo na talaga sa akin nang tuluyan ang kambal?” tumaas na ang boses niya. Bigla ay nataranta si Angelu. Nagsama ang takot, lungkot at sama nang loob ni Angelu kay Timothy at nanginginig na ang kamay niya dahil sa sama-samang pakiramdam na iyon na hindi na niya kaya pang pigilan. Ngayon lang siya nakaramdam nang matinding takot na parang ano mang oras ay magwawala na siya at hindi mapigilan ang sarili. “Pumapayag na ako na makuha mo ang kambal dahil alam kong wala akong laban sa’yo kung lalabanan kita sa korte para sa karapatan ng mga bata pero hindi ko akalain na may plano ka na pala talagang ilayo sa akin ang mga anak ko.