When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
PAGGISING ng kambal ay nagdesisyon na si Timothy na magtungo na sila sa bahay nila Angelu upang kunin ang mga gamit niya ganoon na rin ng mga bata. Nakasakay silang mag-ina sa kotse ni Timothy at ang binata ang nagmamaneho at nakasunod naman sa kanila ang van kung saan nakasakay ang tatlong tauhan ni Timothy na tutulong sa pagkuha ng mga gamit niya at ng mga bata. “Mama, uuwi na tayo?” masayang tanong ni Juliet nang makarating sila sa bahay. Napatingin siya kay Timothy na binuksan na ang pinto saka lumabas ng kotse. “H-hindi, anak. Kukunin lang natin ang mga gamit natin para ilipat sa bahay ng Papa mo,” tugoin niya. Namilog ang mga mata ni Juliet at kahit si Jolo ay nagulat sa sinabi niya. “Titira na kami sa lalaking iyon? Kasama ka, Mama?” tanong ni Jolo sa kaniya. “Oo, lilipat ta