When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NATAPOS ang trabaho ni Angelu ng ala-sais ng umaga kaya sa isang restaurant na sila naghapunan upang sa pag-uwi ay magpapahinga na lang saka gutom na rin ang kambal kaya napagdesisyonan ni Timothy, na sa labas na kumain imbes sa bahay. Hindi na rin umalis si Timothy at nanonood na lang ng shoot at pakiramdam ni Angelu habang nandiyan ang binata ay binabantayan nito ang kilos niya at kapag natatapos ang eksena ay hindi na niya magawang makipag-usap kina Michael at Alastair dahil nilalapitan na siya kaagad ni Timothy kasama ang mga bata at pinapapunta sa sasakyan. Hindi na sana iintindihin pa ni Angelu sa umpisa kaya lang tuwing may break sila mabilis pa sa alas-kwatro si Timothy na lumapit hawak ang kambal saka hihilahin na siya. Hindi naman siya nagrereklamo kaya lang sa pakiramdam niy