When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAG-UMPISA na sa unang shoot ng commercial sina Angelu at Arthur at naging maayos naman ang lahat pero dahil sa nakadama siya ng kaba sa matiim na pagkakatitig ni Timothy sa kaniya habang nagso-shoot sa unang sabak nila ay nagkamali siya at nakalimutan ang script niya kaya naging dalawang take bago maging maayos ang shoot nila. Nang matapos ang shoot nila ay nagpalit na si Angelu ng damit sa dressing room at nang lumabas siya ay nag-aabang na si Arthur sa pinto ng dressing room na pinagbihisan niya. “So? Kain na tayo sa labas? Medyo late na para sa tanghalian dahil alas-tres na ng hapon pero p’wede namang meryenda na lang,” nakangiting sabi ni Arthur. Napangiti siya at nilapitan si Arthur. “Basta ba treat mo ay papayag ako kasi kung hindi ay uuwi na ako at iyong igagastos ko sa p